Masarap na Kape

1.1K 13 0
                                    

By Faye Louise Aragonza

Ingredients: 

Kape, asukal, creamer, tubig


Paano mag-timpla ng masarap na kape?     

Hindi mo ba alam mag-timpla ng kape? Heto ang tamang proseso kung papaano ka makakagawa o makakapagtimpla ng masarap na kape. Intindihing mabuti at sundin ayon sa pagkakasunod-sunod.

Una, maglagay ng tubig sa takure at hintaying kumulo. Maghintay ka! Wag kang atat. Wag kang magmadali na makahanap ng taong mamahalin kasi tulad nga ng sabi nila ang pagmamahal ay parang seating arrangement sa loob ng classroom, hindi mo kailangang magkipag-unahan kasi may nakalaan para sa 'yo.

Pangalawa, mag-lagay ng mainit na tubig sa tasa. Habang isinasagawa ito ay isiping maigi kung anong klaseng kape ang gusto mo. Oo, kasama sa proseso ang pag-iisip. Dapat alam mo kung anong klaseng pagmamahal ang gusto mo. Dapat marunong kang kumilatis. Kung ang gusto mong relasyon ay yung sweet kayo sa isa't isa, dapat ay yung pipiliin mong mamahalin ay iyong tingin mo ay sweet. Hindi porket may nanligaw sayo, go ka kaagad, kahit mukha namang hindi sweet yung tao. Desperada lang? Atat much? Takot maubusan? Matuto dapat maghintay at piliin kung ano ang gusto mo!

Pangatlo, maglagay ng kape. Naisip mo na ba ang gusto mong kape? Tantiyahin kung gaano karami ang iyong ilalagay. Gusto mo ba ng matapang na kape? Yung kaya kang ipaglaban sa lahat ng mga bagay at tao na hahadlang sa inyo. Pero tanyahing maigi, baka naman sumobra sa tapang at pumait ang kape mo. Baka masakal ka sa relasyon nyo, yung tipong napalingon ka lang sa iba e galit na galit na sya. Dapat sakto ang dami ng kape na ilalagay mo, yung kaya mong panindigan, yung kaya mong ubusin sa hanggang sa huling patak, kasi pag di mo natanya yung dami ng kape na nailagay mo, magiging mapait ang pagsasama nyo at masasayang lang ang lahat.

Pang-apat, maglagay ng asukal. Tulad ng sa kape, dapat tantyahin mo din yung dami ng ilalagay mong asukal. Yung ibabalanse yung tapang ng kape. Kasi kailangan yun, dapat hindi nya lang ipakita na kaya ka nyang ipaglaban, dapat maipakita nya din na kaya nyang maging sweet at corny para lang mapangiti ka. Pero dapat sakto yung tamis, hindi dapat sobrang tamis na dadating na sa puntong magsasawa ka na. Dapat kaya nyang balansehin ang pagiging matapang at matamis nya para sayo, para matuwa ka, para lang mapasaya ka.

Pang-lima, lagyan ng creamer ang kape. Maaaring hindi na rin ito ilagay ngunit sa paglalagay nito ay magiging espesyal ang kape mo. Sino ba namang ayaw maging espesyal ang relasyon nila? Dapat espesyal, yung masarap ipagmalaki at kaiingitan ng lahat. Pero tulad ng kape at asukal, dapat tantiyado rin sa paglalagay ng creamer. Yung sakto lang dapat dahil pag sumobra yan tiyak na mauumay ka. Sakto lang dapat, kasi pag naumay ka siguradong hindi mo na uubusin ang kape mo at masasayang lang. Masasayang lang ang lahat ng pinagsamahan nyo. Lahat ng pagod mo.

At ang pang-huli, inumin mo habang maiinit pa. Huwag mong hahayaang lumamig muna bago mo inumin. 'Wag mong hahayaang lumamig muna ang pagmamahalan nyong dalawa bago mo sya pahalagahan. Pahalagahan mo sya habang mahal ka pa nya, habang hindi pa sya nagsasawa, habang hindi pa sya nauumay. Kasi pag nangyaring nanlamig na sya sa 'yo at doon mo lang nalaman ang halaga nya, wala ka nang magagawa kundi ang manghinayang.

Ayan ang proseso upang makagawa ng masarap na kape! :)


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now