Maja Blanca

391 8 1
                                    

By: Gemalyn Sayco


MGA SANGKAP:

Ihanda mo lahat ng mga sangkap na kakailanganin mo. Sweet corn,  Cornstarch, sugar, fresh milk, coconut milk at grated coconut. Katulad din ito ng paghahanda mo noon para lang maangkin ako at sa paghahanda mo ngayon kung papaano mo ako iiwanan.


PARAAN NG PAGLULUTO:

1. Kumuha ka ng isang kaldero, ilagay mo sa apoy.

*Sa dami ng kasinungalingan mo, siguraduhin mong kakasya ito rito! Kung hindi, lalaki ang apoy sa pagitan nating dalawa!

2. Ilagay ang gata pakuluin hanggang lumapot.

* Lumapot? Oo, lalapot talagang parang kumunoy ang pagmamahal mo, dahil unti-unti akong lulubog dito hanggang 'di  na ako makaahon.

3. Ilagay mo ang granulated sugar.

*Haluin mo... Kagaya ng paghalo mo sa lahat ng iyong kasalanan para sa tingin ng iba isa kang matamis na nilalang

4. ilagay mo ang condensed milk at sweet corn.

*Ibahin mo ang timplada, tulad ng kaibahan at pagbabagong ipinapakita mo sa 'kin!

5. Ilagay  mo ang cornstarch sa fresh milk.

*Haluin mo ito para hindi bumilog-bilog ang cornstarch, kagaya ng paghalo mo sa aming dalawa, at sa pagbilog mo sa ulo ko!

6. Ilagay ang cornstarch with fresh milk sa pinakulong gata.

*Hintayin mong unti-unting maging makapal, iyon bang kasing kapal ng mukha mo!

7. Hayaan mong maluto.

*Oo, huwag mong madalian. Kailangan maluto siya, tulad ng ginawa mong pagluto sa iyong kasalanan at sa iyong mga kasinungalin. Lutong-luto talaga dahil hindi man lang kita nahalata.

8. Palamigin mo at ilipat mo sa tamang lalagyan..

*Kagaya ng panlalamig mo sa akin! Kasabay ng biglang lipat mo sa isang relasyon.

9. Ilagay ang grated coconut.

*Siguraduhing may lasa ang grated coconut na nabili mo, iyong lasang  kahit kailan 'di ka iiwanan tulad ng pag-iwan mo sa akin.

10. Ihanda na sa mga taong kakain ng MAJA BLANCA mo.

*Mahirap pilitin ang ayaw! tulad ng pagpipilit ko sa iyo na ako'y huwag mong iwanan!


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now