Strawberry Cheesecake French Toast

276 6 0
                                    

  By: Iijey Febrero Bunan  

STRAWBERRY CHEESECAKE FRENCH TOAST... Sosyaling pangalan, mamahaling  pagkain... Katulad yan ng pagmamahal ko sa 'yo. Kaso ano ginawa mo? Sinira mo lang, nilamutak, pinaglaruan, katulad ng ginawa mo sa puso ko.

INGREDIENTS:

4 tbsp cream cheese - Dapat sakto lang. Kung sinabing 4 tbsp lang. 'Wag kulang wag sobra, katulad ng una nating pagmamahalan, sakto, walang kulang walang sobra.

1 tbsp honey - Ayan 1 tbsp lang. Kase pag nasobrahan yan ng ka-sweetan, tiyak na alam nang may mali sa kanya ,

2 eggs - Oo dalawang eggs lang. Parang kayong dalawa lang, walang third party. Walang ibang sasali para walang sisira sa relasyon niyo.

1/4 cup milk - Oo 1/4 lang,  katulad ng ibinigay mong pagmamahal sa 'kin. Ganyan lang kakonti kase nga 'yong mga kalahati niyan ay nasa iba. 

1 tbsp sugar/divided - Oo 1 tbsp lang, tapos hatiin mo pa 'yan, para 'yong kalahating pagmamahal mo nasa akin,  tapos 'yong kalahati naman nasa iba 

1 tbsp cinnamon/divided - Oo 'yang cinnamon na 'yan! 'Yang kakaibang spice na yan na parang lasa pag nagtalo kayo at sa akin naibubunton 'yong kalahati. Katulad din sa ating dalawa, pag nagtalo tayo, ibubunton mo dun sa third party mo ang kalahati.

1/2 tsp cooking oil - Ayan, ganyan lang, kalahati lang... It means para sa akin lang yan walang kahati! Sa AKIN LANG at wala ka nang pagbibigyan pang iba.

8 strawberries, hulled and sliced - Ayan ganyan lang! 8 pieces lang, di pwede ang 7, di rin pwede ang 9. Kailangan naka-hulled na 'yan. Meaning, tanggalin mo 'yong pumapagitna. Katulad yan sa relasyon natin. Tanggalin mo 'yong sumisingit sa pagmamahalan natin. Tapos ay hatiin mo 'yon katulad ng paghihiwalay nating dalawa na di na puwedeng magkabalikan at hinding-hindi na magkakaratagpo.

8 slice brioche bread - Oh 'di ba? Parang mamahaling tinapay yan na di pwedeng ibagay sa lahat. Dapat light and slight flappy lang 'yang bread na yan, katulad din ng pagmamahalan natin na light lang, hindi hard ganun...

3 tbsp butter - Ayan, 3 tbsp lang yan para good sa health. Katulad sa pagmamahalin nating dalawa. Good sana ang relasyon natin kaso may isinali ka. Kaya ayun, naging very, very bad na. 


PROCEDURE /STEPS:

Ayan, mga STEPS yan na dapat sundin. Hindi 'yung gagawa ka ng sarili mong desisyon. Kase pag sinunod mo 'yung sa'yo, naku-naku, tiyak na wala na yan, sirang-sira na katulad ng relasyon nating sirang-sira na dahil sa katangahan mo. Kung anu-ano na ang hinalo at pinag-gagawa mo.

1. Mix mo 'yung cream cheese at honey. Ayan ganyan, dalawa lang ang ipag-mimix mo. Wala kang iha-halong iba. Walang third party kagaya ng ginawa mo sa relasyon natin na pagkatapos mo ipaghalo, i-seset aside mo. Katulad sa third party mo, dapat i-set aside mo na lang.

2. Ayan, pag napaghalo mo na ang egg at milk, i-whisk mo na. 'Yung light lang ha pero mabilisan. Katulad ng pagmamahal mo sa third party mo, pang-mabilisan lang.

3. Sa malaking lagayan, paghaluin mo ang 1/2 sugar at 1/2 cinnamon. Ayan, paghaluin mo ang tamis at anghang. Ganyan, pantay lang. Half-half lang. 'Yung kalahating ka-sweetan sa akin mo ibibigay, tapos 'yung kalahating anghang naman, ibunton mo doon sa third party mo!

4. Painitin mo ang oil sa malaki at non-stick  frying pan. Oo, sa non-stick lang, para naman walang dumikit na kung anu-ano sa relasyon  natin. Para mai-assemble mo naman 'yung main na lulutuin mo, ilapag mo muna 'yung dalawang tinapay sa large plate. Pagkatapos mong ilapag, ipalaman mo yung filling, yung unang ginawa mo na ini-set aside mo na gaya ng third party mo. Pagkatapos ay patungan mo ng 2 sliced strawberries, kase nga, 'yung tinapay na 'yon ay pangdalawahan lang ang lagayan kaya dapat matuto kang huwag ipagsiksikin ang iba. MATUTO ka! Tapos ay ipatong mo na 'yung pangalawang bread. Then, i-dip mo 'yung ginawa mong bread doon sa pangalawang mixture na ginawa mo. At kung pwede nga ilunod mo eh, para ako 'yung ililigtas mo tapos hahayaan mo na lang yung third party na yan.

5. Pagkatapos ay i-fry mo naman, pero sa medium-high heat lang para naman di masunog. Di gaya ng awayan sa relasyon natin. Dapat ang luto ay katamtaman lang at ang kulay ay golden brown lang. Hindi yung sobrang itim na nahaluan na ng pait katulad sa relasyon natin. Dapat ay pantay lang, pero nung may inahalo ka nang iba, ayun nalagyan na ng pait. SOBRANG PAIT, kaya nga nasira relasyon natin eh.

6. I-repeat mo ang ginawa mo sa step 5 pero may iibahin ka doon pag nagka-relasyon ka na sa iba. Tanggalin mo 'yung third party mo para sa huli ay di masasaktan yong umasa na may forever kayo. Pagkatapos mong magluto ay linisin mo na ngayon ang paglalagyanan ng ginawa mo. Pag nalinis mo na ay ilapag mo na 'yung niluto mo doon sa malinis na lagayan. Lagyan mo naman ngayon ng natirang sugar at  cinnamon tapos patungan mo  ng strawberries sa ibabaw para maganda ang plating. Katulad ng ipinapakita natin sa iba nung wala pang sumasaling iba sa relasyon natin na maganda at maayos.

7. Serve warm with additional strawberries para pag nakulangan  sila ng strawberries pwede pa nilang kuhanin 'yong naidagdag mo. Katulad ng nakulangan ka sa ibinigay kong pagmamahal sa 'yo kahit na nagawa ko naman  lahat. Pero sadyang  ganun talaga. Makukulangan ka talaga pag nagsawa ka na sa ibang bagay. Kaya nga naghanap ka ng iba eh at iniwan mo ako na durog ang puso at nagluluksa.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Där berättelser lever. Upptäck nu