Cheese Cupcakes ( Para sa MANLOLOKO at NALOKO)

464 9 2
                                    

By: Katrina Marie Catiis


INGREDIENTS:

1 cup cake flour (Salain mo muna, alisin yung lipas na. Hindi yung hindi ka pa nakaka-move on hahanap ka na ng iba. )
a pinch of salt
1/2 tsp baking powder
1/2 cup cheese
2 tsp coconut powder
1/2 cup cream cheese or 100 g ..
1/4 butter
1 cup condensed milk...(1/2 cup lang nilagay ko kase galit ako sa matamis )
2 whole eggs

PROCEDURE:

Paghaluin ang dried ingredients na cake flour, salt, coconut powder, salt  at baking powder.
• OO, DRIED MUNA., Dapat kasi specific yung uri ng paghahaluin mo. Parang feelings lang yan eh. Kung mahal mo mahal mo. Kung ayaw mo, wag mo kasing paasahin kung di mo rin naman mamahalin.

At iwan mo  muna.
•  Oh ayan, kayang kaya mo na 'yan. Tutal diyan ka naman magaling 'di ba ? 

Sa isang bukod na mixing bowl, pagsamahing mabuti ang butter at cream cheese.
• Oo, bukod. Hindi katulad ng ginawa mo sa mga babae mo, pinagsasama mo.

Gumamit ng electric blender or pagtiyagaang haluin ng tinidor or whisk hanggang sa maging creamy.
• Haluin mo nang mabuti.  Pagtiyagaan mo, hindi yung konting pakilig mo lang eh aasa ka nang magiging kayo.

Next ihulog ang itlog isa isa at haluin itong mabuti kasama ng cream cheese at butter.
• Oo, isa isa lang. Hindi katulad mo, ang dami mo na ngang naging girlfriend, sabay-sabay pa !

Patakan ng 2 patak ng vanilla essence or extract.
• Oo, dalawa lang. Hindi tatlo. Kasi sabi nga nila bawal daw mag selfie ng tatlo mamamatay yung isa. Parang sa love,  bawal tatlo baka mapatay ko young isa.

Then ibuhos ang 1 cup na condensed milk. Haluing mabuti (or use electric blender) para makuha ang tamang lapot at pino ng batter.
• Oo, isang cup lang. Mag ingat ka sa matamis kasi hindi lahat sila totoo. Tandaan mo, ang candy sweet. Pero nakabalot naman sa plastic.

At ang huli ay ihalo ang 1/2 cup na keso na alam n'yong malasa.
• Parang sa buhay, piliin niyo ang taong alam niyong doon kayo sasaya hindi yung sinasaktan ka na nga, nagpapatuloy ka pa.

Ihanda ang tray na paglulutuan at ilagay ang mga paper cupcake at pahiran ng oil. Lagyan ng batter cake mixture ang bawat mould. Wag itong pupunuin, mga halos kalahati lang ,sa dahilang aalsa ang cake.
• Parang sa pag ibig, wag mong pupunuin, huwag mong ibibigay lahat-lahat. Kase, paano kapag nawala na siya, hindi mo na kaya ?

Isalang mo sa oven na na pre-heat na for 15 minutes.
• Pero minsan nga kahit 15 years mo pa painitin, wala eh. Hindi ka pa rin niya mamahalin.

Kapag alam n'yong luto na ang mga cupcakes, hayaan lang muna sa oven ang mga cupcakes at budburan ng grated cheese or parmesan cheese at hayaan sa oven na  matunaw ang keso .
• Parang sa nanliligaw sayo, kapag mahal mo na huwag mo muna sasagutin. Kailangan mo muna tingnan kung tapat nga siya sa 'yo. Kasi masakit maloko. Pinatid ka na nga niya, nahulog ka, hindi ka sinalo, masakit ang sugat mo, may naiwan pa siyang peklat sayo.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon