Tortang Talong (Mo-To)

554 8 0
                                    

By:Czerina Karenina


INGREDIENTS:

(Egg) itlog 

(Eggplants) talong  

(Cooking oil) mantika        

(Spices) pampalasa -optional

Pansin nyo ba? Di ko ini-specify kung gano karami yung quantity or measurement ng sangkap. Depende naman kasi sa magluluto yan. Di ba? Most probably, dadamihan nya lang para may ma-ishare sya. Pero 'Dre sana natandaan mo, nung minahal kita at naging tayo, nangako kang ako lang... ako at wala nang iba. Walang kaagaw, walang ka-share! Pero lintik ka nga! Grr!

PROCEDURE:

Madali lang naman ang pagluluto nito. Grabe nga e. Parang nung pinaibig mo lang ako. Sa sobrang dali kong nahulog, ganun din ako kadaling nasaktan! Grr!

Syempre dapat ihanda muna ung mga gagamitin sa pagluluto. Yung paglulutuan, yung lulutuin at ikaw dapat na magluluto dapat ready din. Wag tatanga-tanga! Oo! Sana ini-ready mo din akong masaktan. Pero lintik lang! You made me fall for you so hard.. So hard that I was left broken, piece by piece. Lintik ka kasi, pero lintik din ang walang ganti. Grr!

Pwedeng ilaga muna o iihaw yung talong mo. Aww sorry.. Haha. Pero pwede rin, para mabawas-bawasan naman ang lahi ng mga nalintikang katulad mo sa mundo!

Either nilaga or naihaw, hintayin munang lumamig- wag magpapaso! At wag mo ring gawing dahilan na lalaki ka at tao lang na madaling matukso. Kung marunong ka lang talagang mag-tiyaga at maghintay.. Grr!

Tapos yung talong mo-ayy! Wait sorry ulit, haha. Oo! Yung talong mo babalatan ko! Tapos kukuha ako ng tinidor. Don't worry di ko tutusukin. Pero pwede rin. Haha joke. (Half meant yun lintik ka!) Gawin nating flat- flat na flat. Wag mo nang imaginin dahil pag nagkatotoo.. Well, let's see..

Oh yung itlog mo naman. Hmmm? Bubutasin ko. I'll make it crack! I'll pour its contents out! I'll beat it up! O ano ka ngayon? You crushed my little organ, so in return, I'll break yours too! Not just one but two! Grr.

To add insult to injury, let's add the spices: salt importantly. Take note ha, optional lang to. Desisyon mo kung magdadagdag ka o magbabawas. Option nga e. It's your choice. Lintik na choices yan! Lintik talaga dahil andami mo kaming options! O, yung beaten egg mo, budburan ng asin at nang magtanda ka! At yung bawang, sibuyas at paminta.. lintik, naiiyak na ako. Ano masaya ka na? Oo, iniyakan kita nang sobra, pero noon yun! Itong sibuyas, para malaman mo, tinadtad ko ito nang pinung-pino! Pati yung bawang, pinung-pino, gets mo?! (Lintik na luha, di naman kasali nakikisawsaw! Grr!) At yung paminta, dinurog ko! Durog na durog! O ano? Masaya ka na? 

At syempre pa (para masaya), ang tambalang talong at itlog ay pinagsama.

Pero syempre rin, di pa d'yan natatapos. Oo, kaya wag ka nang magpakita pa o magparamdam dahil yang talong at itlog mo, lulutuin ko pa! Grr!

Ipiprito ko sa kumukulong mantika. Masaktan na ang masaktan! Ganun naman di ba? Paiibigin ka, bibilugin ang ulo mo, pero sa huli sasaktan ka din nila! Kumukulong mantika para swak na swak. Grr! Kulong kulo ang dugo ko sayo lintik ka!

Pero dahil mabait pa din ako, papayuhan pa rin kita. Kung sakaling ikaw ang magluto, pakinggan mo 'to, basahin mong mabuti dahil para sa 'yo talaga ito. (Sana ramdam no ang sarcasm ko dito)
Magdahan-dahan ka sa apoy. Baka sa sobrang init, masunog yang talong mo! Dapat medium heat lang. Isa pa, para makatipid ka ng gasul, kung kasya sa frying pan, kahit 2 o 3 pagsabay-sabayin mo. Tutal dyan ka naman mahilig di ba? 

After 2 o 3 minutes baligtarin no na. Ganun din sa kabila. Tandaan mo, lahat ng sobra, masama! Lintik ka kasi! Sobra kitang minahal pero sobra mo din akong niloko! Grr!

Madali lang naman di ba? Oo! Madali lang sabihin pero lintik lang kasi talaga! Ang sakit-sakit pa rin! 'Wag ka nang magpakita pa o magpararamdam dahil baka itong tortang recipe na 'to maging tortang talong mo! Lintik ka! Sana maenjoy mo!

--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now