Fruit Salad

567 9 0
                                    

By Carlosuniverse Watty

Paano ba gumawa ng fruit salad? Para sa mga martyr sa pag-ibig, tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng fruit salad.

Mga Sangkap:

1. (lata) fruit cocktail
Kailangan nga ang fruit cocktail dahil hindi naman matatawag na fruit salad ang ginawa mo kung walang fruits 'di ba? At matanong ko lang, kung alam mo ba kung ano ang fruit cocktail? Ang fruit cocktail ay parang kagaya mo 'yan. Halu-halo ang klase ng prutas, na kapareho mo lang na nakikihalo ka sa pagmamahal niya kasi malanditera o babaero siya. So ayun, alam mo, na pati pala ang fruit cocktail na kasama sa kasangkapan ng fruit salad ay kagaya mo, nakikipagsiksikan sa ibang tao na nagmamahal din sa kanya na parang lata. O 'di ba marami ang prutas sa loob ng lata at masikip? Ganon din naman ang nararamdaman mo 'di ba? Nakikipagsiksikan ka para lang mahalin ka niya at kahit alam mong marami kayo eh go ka pa rin, kahit alam mong nasasaktan ka na at ang damdamin mo. Oh 'di ba? Magbestie ang fruit cocktail at ikaw na martyr! Magdamayan kayo!

2. (tasa) buko
Oo buko nga. Pero sana naman kahit dito man lang sa paggawa ng fruit salad ay huwag ka maging tanga ha? Dahil siyempre bubuksan mo muna yung buko tapos isasalin mo sa pitsel yung sabaw at kukuskusin mo dapat yung laman nung buko. Ganun yung paraan. Huwag maging tanga na diretsahan mong ilalagay yung buko sa fruit salad. Kung ganon pala ang gagawin mo dahil sa katangahan mo, eh 'di sana floating buko nalang ang tawag sa ginagawa mo.

3. (lata) kondensada
Itong kondensada ay alam kong lubusan kang makakarelate! 'Diba  para siyang kondensada? Kahit alam mong babaero o malanditera siya ay hindi mo magawang iwan kasi ang sweet ng mga sinasabi niya sa'yo at malambing siya? Pwe! Huwag maging martyr teh! Pero kung hindi ka papapigil eh 'di sige damihan mo ng kondensada at patamisin mo yang ginagawa mo!

4. (lata) cream
Kailangan nga ng cream para naman mas sumarap yung fruit salad mo. Ganyan yung gusto mo 'diba? Gusto mo lang parati masarap. Kaya hala sige, magpakasarap ka! Martyr ka nga 'di ba?

Paraan ng Paghalo:

1. Ibabad ang hiniwang saging sa sabaw ng fruit cocktail para hindi mangitim.
- Ibabad mo ha? At pansin mo, may fruit cocktail na, may saging pa! O 'diba ang dami n'yo na! Kapag tapos na, i-serve mo sa taong mahal mo na rason kung bakit ka martyr, gusto mo parating masarap 'di'ba? Grabe ka! Gising gising din! Daig mo pa yung saging na nalunod sa sabaw ng fruit cocktail dahil sa pagiging tanga mo sa katotohanan eh!

2. Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng mga prutas, fruit cocktail, kaong at nata de coco.
- Ayan na! Ito na ang mixing part! Ang parte kung saan masyado ka nang magaling! Ang paghaluin ang mga kasangkapan dahil ganito ka rin 'di ba? Marami kayong tanga dahil lang sa iisang tao na nagsasabing mahal ka niya o mahal niya kayo!

3. Isama ang gatas at cream.
- Paglahuin mo sila! Alam ko hindi ka na maiinggit sa kanilang dalawa dahil hindi ka naman nakaranas na pagsamahin lamang ang dalawang sangkap. Hindi kagaya n'yo na tatlo, apat, lima, o higit pa! Mabuti pa sila, meant to be and perfect combination, eh kayo? Groupie yang sa inyo eh! Squad goals ng mga martyr, ganon!

4. Haluin nang mabuti.
- Haluin mo nang mabuti dahil expert ka rito! Puro halo nang halo na kagaya ng relasyon mo sa kanya kaya sanay ka nang maging tanga!

5. Kung nais ay dagdagan ng confectioner's sugar para lalong tumamis.
- Ayan, dagdagan mo daw kung gusto mo pero mas ok para sa akin na dagdagan mo kasi 'di ba kahit anong ipamukha ko sa'yo eh gusto mo lang maging masaya kaya kahit martyr ka na eh go ka pa rin. Kaya bahala ka na magpakasaya at magpakasarap ka.

6. Palamigin bago ihain.
- Palamigin mo para mas masarap. Alam mo, kahit ako na nagtuturo lang sa'yo kung paano gumawa ng fruit salad ay nilalamig na rin sa pagiging martyr mo. Gumising ka na teh. Ang relasyon ay para sa dalawang taong nagmamahalan lamang, hindi groupfie or squad goals! Maawa ka naman sa sarili mo na nagpapakatanga sa taong patuloy kang ginagawang tanga na mahal ka raw kahit na marami kayo. Alam mo, kung tunay ka talagang mahal ng isang tao, ikaw lang at wala nang iba! Huwag mo namang hayaan ang sarili mo na maging option. Always remember that it's better that you're his/her priority when it comes to relationship, hindi yung ikaw yung option. Siguro nalagay sa refrigerator yang puso mo kaya masyado nang malamig para makaramdaman na nagiging martyr ka na. Alam mo, masarap naman ang fruit salad eh, pero sana kahit masarap ito ay huwag mo itong itulad sa sarili mo na nakikihati ng atensyon para sa pagmamahal mo sa tao na lubusan mong mahal.

At 'yun lang ang paraan kung paano gawin ang fruit salad. Sana may natutunan ka. Maraming salamat. :)

Credits to WikiBooks for the recipe.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now