Oreo Ice Candy

294 7 0
                                    


By: Lavy Caverxons

Paano gumawa ng Oreo Ice Candy?  

INGREDIENTS:

•Ihanda ang mga sangkap: 150 mL condensed milk, 1/4 L hot water, 1/4 L regular water, 10 pieces oreo cookies, 60 grams milo powder, narrow plastic bag at funnel. Kailangang kumpleto ang mga sangkap. Dapat walang kulang. Tulad ko na hindi naman nagkulang sa'yo pero nagawa mo pa ring lokohin.

PROCEDURE:

  1. First, crush the oreos into pieces. It doesn't have to be fine, just small enough. 

-D'yan ka naman magaling 'di ba? Sa pagdurog ng puso ko ng pinung-pino.

2. In another bowl, mix the hot water and condensed milk. Then mix in the regular water. 

-Hindi ka na nakuntento,  pumunta ka pa talaga sa iba at ang mas masaklap, pinaghalu-halo mo kami ng mga babae mo.

3. While the mixture is still warm, add in the Milo powder or any other chocolate milk powder of your choice. You can add sugar if you like.

-Yan ka naman eh. Nagpapa-sweet-sweet na parang walang ginawa. At sa sobrang sweet mo, nasaktan na naman ako.

4. Add in the Oreo bits.
- Syempre dahil sa likas na malandi ka, may idadagdag ka na naman sa mga babae mo.

5. Get your narrow plastic bag and with a use of a tunnel, pour in the mixture. Secure it with a knot.

-Sa kitid din ng utak ko, di ko na namalayan na may iba na palang sumasalo sa pagmamahal na dapat ay akin.

6. Put it in freezer to freeze overnight. The mixture makes about 10 ice candies. You can double the quantities to make more.

-Sa sobrang pagka cold mo, pakiramdam ko magiging yelo na yata ako. At hindi ka naman marunong makuntento, mahigit sampung babae na yata ang dumaan sa buhay mo. Baka naman sa susunod ma-doble na ang bilang n'yan. Alam mo, bawas-bawasan mo yang pagkamalandi mo. Pweh!


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now