Nilagang Baboy

384 8 0
                                    

By Jeth Cano

Paano magluto ng nilagang baboy?

Mga Sangkap:

- 2 lbs. pork , cubed
- 1 medium yellow onion
- 1 medium cabbage, quartered
- 2 medium potatoes, peeled and cubed
- 4 pieces ripe saba banana, sliced in half crosswise
- 6 to 8 cups beef or pork broth
- 1 teaspoon whole peppercorn
- Salt to taste
- 3 tablespoons cooking oil

Paraan ng Pagluluto:

1. Painitin mo 'yong mantika sa deep cooking pot. Painitin mo lang kagaya ng pagpapainit mo sa ulo ko ngayon. Tandaan, sa deep cooking pot. As in deep, kasing lalim ng pagmamahal ko sa'yong ibinasura mo.

2. Kapag mainit na 'yong mantika, igisa mo 'yong sibuyas na hiniwa mo kagaya ng paghiwa mo sa puso ko. Lintik ka, 'wag mong sabihing trip mo ring igisa 'to? Sabihin mo lang wawasakin ko 'tong dibdib ko.

3. Ilagay mo na 'yong pamintang buo. Buti pa 'yang paminta 'buo'. 'Yong puso ko, durog dahil sa'yo. Tuloy mo lang ang pagluluto ng dalawampung segundo. Gusto mo dagdagan mo pa, tutal hindi ka naman makuntento.

4. Ilagay mo na 'yong karne ng baboy. Lutuin mo hanggang maging light brown ang kulay. Light brown, ha! Hindi gaya ng buhay kong walang kulay! Gawin mo 'yan ng mga tatlo hanggang limang minuto. Kaya mo 'yan, sanay ka naman sa mabilisan.

5. Ibuhos mo na 'yong tubig. 'Wag sosobra pero 'wag din sanang magkukulang kung ayaw mong masaktan. Ilagay mo na 'yong pork broth para mas masarap. Magaling ka dyan, eh. Magpasarap. Hintayin mong kumulo. Oo, hinatayin mo nang maranasan mo naman kung gaano kasaklap maghintay. Dapat lumambot na 'yong karne ng baboy. Kasing-lambot ng tuhod ko noong mahuli ko kayo ng iba mo.

6. Idagdag mo na ang saging na saba at patatas. Idagdag mo na lahat ng gusto mong idagdag. Pagsabay-sabayin mo na, dyan ka naman expert, eh! Lutuin mo ng labingdalawang minuto. Hindi ka naman nakuntento sa'ting dalawa eh di gawin mo nang labingdalawa.

7. Lagay mo na 'yong repolyo. 'Wag mong kalimutan kagaya ng pagkalimot mo sa mga pangako mo sa'kin. Dagdagan mo ng asin para may lasa. Hindi katulad mong walang taste. Ipagpapalit na lang ako eh sa pangit pa. Haluin mo nang mabuti. 'Yong tipong umiikot lahat ng sangkap sa kawali kagaya ng pagpapaikot mo sa'kin. Tapos takpan mo. Magaling ka naman dyan. 'Yong mga kasalanan mo nga ang tuling mong napagtatakpan. Ituloy mo ang pagluluto hanggang tatlong minuto. Oo, tatlo parang ako, ikaw tsaka 'yang iba mo.

8. Ilipat mo na sa serving bowl. Parang ikaw lang, palipat-lipat. Paki-serve mo na may kasamang isang platitong patis bilang sawsawan. Sanay ka namang may kasawsaw sa relasyon.

9. Share and enjoy! Parang relasyon natin, ang daming nakishare. Nag-eenjoy ka? Iba talaga kapag gawain mo talaga. Mabilaukan ka sana.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora