Champorado ng Pagmamahal

634 7 1
                                    

By: Jesseca B. Culasi

Konti lang ang sangkap nito at madali lang lutuin, sundin mo lang ang nakasaad tiyak na di ka mahihirapan, baka kasi magpatulong ka pa sakin. Ayoko na, sawa at pagod na ako.

MGA SANGKAP:

2 cups Purong Malagkit na Bigas

4 pcs. Tablea

Sugar to taste

Gatas na Evaporada

Butter

PARAAN NG PAGLULUTO:

Sundin mo lang ito, siguradong matitikman mo ang pait ng aking pagmamahal para sa 'yo. Oo mapait, at huwag mo nang tanungin kung bakit mas mabuting mag-SHUT UP KA NA LANG.

1. Pakuluan ang malagkit na bigas hanggang sa madurog ang bigas. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. 

Tandaan: HANGGANG SA MADUROG. Kagaya ng pagsisinungaling mo, kagaya ng pananakit mo, kagaya ng panloloko mo, kagaya ng pambabalewala mo... Hanggang sa madurog ang PUSO ko.

2. Sunod na ilagay ang tablea. Patuloy na haluin para hindi manikit yung bottom na bahagi ng kaserola. 

Pinagpatuloy ko naman... Pinagpatuloy kong mahalin ka kahit alam kong may mali, kahit alam kong niloloko mo na lang ako at puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo. Kahit alam kong nasasaktan na ako, pinagpatuloy ko pa rin ang mahalin ka. Pero bakit, bakit ko ba ginawa ang lahat ng 'yun kong alam ko na naman ang lahat. Bakit? Oo nga pala, nakalimutan ko na lahat ng umiibig ay nagiging tanga.

3. Huling ilagay ang asukal sa nais na tamis. 

Kaya siguro ako'y nasasaktan nang lubos nang tayo'y maghiwalay dahil inuna ko ang pagiging matamis sa 'yo, dahil nauna kong ipakita ang lubos kong pagmamahal sa iyo, na dahilan upang makilumatan kong dapat konti lang sapagkat kailangan kong magtira para sa sarili ko. Pero huli na nang mapagtanto ko ito. Sapagkat naibuhos ko nang lahat ang matamis kong pagmamahal sa iyo.

4. To serve:  Maglagay ng nais na dami ng champorado sa bowl. 

Alam ko naman na hindi ako nagkulang, pero bakit ipinagpalit mo pa rin ako? Bakit iniwan mo pa rin ako? Sobra pa nga ang ibinigay ko sa 'yo at sa sobrang 'yun ay nakalimutan kong magtira para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal ko.

5.   Lagyan ito ng butter at gatas na evaporada sa ibabaw. 

Para mas masarap, kagaya ng pagmamahal ko na buong-puso kong ibinigay sa iyo pero sinayang mo lang. Dahil ano? Dahil mas gusto mong ilagay ang Bear Brand kaysa sa gatas kasi gusto mo feeling bata ka? Yak! Mahiya ka nga sa sarili mo! Oops! Wala ka nga palang hiya sa katawan mo.

6.    Ihain habang mainit pa na may kasamang tuyo. 

Akala ko ayos na yung ibinigay ko sa 'yo, lahat ng oras at pagmamahal ko sayo, pero mali pala ako. Dahil ang gusto mo kasi ay ma-satisfy ang init ng katawan mo na hindi ko kayang maibigay. Dahilan upang ipagpalit mo ako sa iba na kayang ibigay ang gusto mo. Pero alam mo ba noong mga panahon na nakahanap ka na ng iba? Nang nakahanap ka na ng kayang ibigay ang gusto mo? At noong panahong akala ko ay ayos na ako at naka-move-on na ako sayo? Ang totoo ay gusto ko ulit maiyak. Gusto kong maiyak dahil sa dinami-dami ng kaya mong ipagpalit sakin ay yung mukhang TUYO pa! Pwe! Dinurog mo na nga ang puso ko pati dignidad ko dinamay mo pa.

Enjoy!!! Oo, enjoy-in mo na ang pagkain ng Champorado ng Pagmamahal ko dahil huli mo na yan. 


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now