By: Eya Lacap
Paano gumawa ng Chocolate-Flavored Gelatin? Simple lang. Basta sundin ang procedure. Parang sa love. Dapat alam mo ang gagawin mo para hindi ka mag-mukhang tanga.
INGREDIENTS:
● 3 cups water. Oo tatlo lang. Pwede mong sobrahan kung hindi ka marunong makuntento.
● 3 heaping tablespoons evaporeted milk. Parang 'yong pagmamahal at mga pangako mo sa akin, biglang nag-evaporate.
● ¾ cup Chocolate Flavor Powder. Katulad ng pagmamahal ko sa 'yo na parang chocolate, matamis. Kaso wala, e. Nag-hanap ka pa ng mas matamis.
● 3 envelopes (7 grams each) unflavored gelatin. Parang no'ng bago ka dumating sa buhay ko, walang flavor. Walang kulay, walang thrill.MATERIALS (optional): Oo, optional. Katulad ng turing mo sa akin. Option lang. Kinakausap at nilalapitan kapag wala kang magawa at hindi mo siya kausap.
● Decorative cookie cutters
DIRECTIONS:
1. COMBINE water, evap milk, choco powder, and gelatin in small saucepan. Katulad ng ginawa mo sa amin. Pinag-sabay-sabay mo kami kasi hindi ka marunong makuntento.
2. Bring to a boil over medium-high heat. Medium lang. Dapat tama lang. Lahat ng sobra, masama. Parang pagmamahal ko sa 'yo, nasobrahan. Sobra din tuloy akong nasaktan.
3. Stirring frequently. Katulad ng ginawa mong pagpapa-ikot sa akin.4. Pour into 9-inch-square or 13 x 9-inch baking dish. Ganyan naman ginawa ko 'di ba? Binuhos ko ang buong tiwala at pagmamahal ko sa 'yo. Pero ano? Naghanap ka pa ng iba. Bakit? Kasi malandi ka!
5. Cool to room temperature; cover with plastic wrap. Ilagay mo sa malamig. Palamigin mo. Katulad ng pagmamahal mo sa akin, naging malamig.
6. REFRIGERATE for 3 hours or until firm. Matuto kang mag-hintay! Hintayin mo hanggang sa maging handa! Hindi 'yong atat ka o kaya naman susuko ka na matapos mong sabihin na kahit kailan ay hindi mo ako iiwan!
7. Cut out shapes using cookie cutters. Katulad kung paano mong pinag-pira-piraso ang puso ko na labis na nagmamahal sa isang katulad mo.
--WWG APPROVED--
YOU ARE READING
The Hugot Recipes | #Wattys2016
RandomHalinang maki-hugot habang nagluluto! Busugin ng magkahalong simangot at halakhak, hikbi at tuwa ang iyong puso, kasabay ang pagkabusog ng tiyan pagkatapos lutuin ng mga recipes sa kakaibang librong ito...