Dried Tinola

295 5 0
                                    

By Jireh Japeth De-Mesa Nacion

 Paano ba magluto ng TINOLA to DRIED TINOLA?
(This time, let's make a twist...)  

Una, kailangang ihanda ang mga sangkap. Tulad ng sa pag-ibig, kailangan mong maging preperado bago pasukin upang siguradong magtatagal kayo. Pero hindi rin. Walang forever! Magbi-break din kayo!

Mga Sangkap: 

Manok - depende sa'yo kung ilang kilo, pero ako nung nagmahal ako, di ko na sinukat nang husto kaya 'yan, palpak!

Mga pang-gisa - tulad ng luya, sibuyas, bawang at paminta, asin at iba pang panglasa. 

Papaya o Sayote - para sa akin mas mainam ang papaya dahil taglay nito ang iba't ibang bitamina at ito'y kapaki-pakinabang. (Mahirap kasi ang friends with benefits 'di ba? May isa kasing lagi na lang aasa, at paasa naman yung isa.)


Paraan ng Pagluluto:

Kung wala na akong nakalimutan, magsimula na tayong magluto. Pero isa sa mga laging pinag-aawayan "di ba,ay  yung minsang makalimot? Nakalimutan mong may kulang, tapos sa huli lagi ang pagsisisi. Pero okay lang. Nung nagkahiwalay nga kami, nalaman kong hindi ako ang nawalan, kundi siya. Nakahanap nga siya ng iba pero di rin naman sila nagtagal!

Una, maggisa na tayo. Igisa ang bawang, sibuyas at luya. Pansin niyo ba na sabay-sabay sila? Parang kami noon, sinabay-sabay niya kami. Tapos ako ang huling option. 

Nagtatanong ba kayo kung bakit walang mantika? Malamang meron na yan, makapaggisa ka ba ng walang mantika? Parang sa amin, magkakaroon kaya ako ng interes sa kanya kung wala akong pagtingin? Di ba? 

Tapos isunod mo yung manok at isama sa paggisa. 

Tapos lagyan mo na ng tubig. Magtatanong ka na naman ba kung bakit wala sa mga sangkap yung tubig, hello? Saan ka ba nakakita ng tinolang walang sabaw? Syempre tubig ang ipangsasabaw dun. Pwede ka rin mag-imbento kung gusto mo bahala ka sa buhay mo! Di naman na kita pinapakialaman ngayon, so shut up ka na lang, okay? At first may sabaw, pero let's wait for the twist.

Tapos hintayin mong kumulo. Oo maghintay ka. Maghihintay din ako. Maghintayan tayo. Malay mo, tayo na ang mag-click. Parehas na umaasa.

Tapos hintayin mong kumulo at maluto habang tinitimplahan mo ng pampalasa, paminta at yung papaya. Ako, sanay ako sa hintayan. Hinintay kita ng pagkatagal-tagal, inintindi kita ng higit sa pagkakaibigan. Pero kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin eh, napaka unfair mo! Four years na tayong magkasama, hinintay kita, pero bigla mo na lang itinapon ang lahat. Oo LAHAT ng pinagsamahan natin. Tapos ikaw pa yung naging bitter. Pero nakalipas na iyon, Tinola itong niluluto ko hindi ampalaya, baka mahawa pa.

Tapos, dahil naghintay ka ng Tamang Panahon, ayan sa wakas naluto na rin siya. Di ba mas masarap talaga yung slow cooked? Kasi lasap na lasap mo ang sarap, sarap na may kasamang paghihintay. Tandaan mo, sa pag-ibig hindi dapat minamadali yan. Kasi tulad ng sa tinola, kung mabilisan lang ang pagkaluto, baka hilaw pa ang loob ng manok. Kaya dapat kahit na mabagal, kailangang magtiyaga. Ika nga "Slowly but surely." Mabagal man, matagal man, at least sigurado ka.

Tandaan mo: LOVE is a Choice NOT an Emotion.

Oh! Luto na, tara mangain na tayo. I mean kain na po tayo. Mas masarap ang tinola kapag mainit. (Parang sa LOVE, mas masarap kapag may init, yung init ng pagmamahal.)

Nagtatanong ka kung paano naging dried? Aalisin naman na natin ang sabaw kung dried talaga yung gusto mo. Ayaw mo naman ng masabaw na relasyon diba? Oo tama ka, yung four years, sabaw lang yun. Pwede mong itapon, pero sayang. Marami ang naghihirap ngayon kaya pwede mo na lang ibahagi sa iba ang sabaw.

Medyo malungkot man ang istorya sa pagluluto, at least nai-share ko.

"Wag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating sa'yo,"


-WWG APPROVED


The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now