Adobo

2.3K 42 1
                                    

By: Precious Young


Paano nga ba magluto ng Adobo?   

Simple lang... Oo simple lang, tulad ng pag-iwan mo sakin, simpleng simple.

Una, kailangan mong ihanda ang mga sangkap. "Oo kailangan maging handa, para hindi ka magmukhang tanga." Konti lang naman ang sangkap ng adobo

INGREDIENTS:
Toyo, Suka, Sibuyas, Bawang, Karne at Paminta. "Oo yan lang wag ka ng maghanap ng iba, gaya ng ginawa mo sakin."

PROCEDURE:

1. Gisahin mo na ang sibuyas, at bawang. "Oo pagsabayin mo tutal sanay ka naman nang sabay-sabay, hindi ba? Igisa mong mabuti tulad ng paggisa ng mga kaibigan ko sa akin, no'ng nalaman nilang ikaw ang aking pinagkakaabalahan. "

2. Kung alam mong okay na, saka mo isama ang karne. "Dahan-dahan lang wag pabigla-bigla, baka masaktan ka."

3. 'Wag mong kalimutan yung paminta durugin mo. "Katulad ng padurog mo sa puso ko."

4. Ilagay mo na yang utak mong may toyo, este yang toyo at suka.

5. Kapag okay na, iwan mo na "katulad ng pag-iwan mo sakin." Saka mo balikan pag kailangan mo na. "Oo, balikan mo pag kailangan mo na! Diyan ka naman magaling diba?"


-- WWG APPROVED --

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now