Easy Sisig

413 5 1
                                    


 By:Jhon Mark Nava Flores

Ang sisig ay isang putahe na madaming tawag. Tulad sa Ilocano, ang tawag sa version nila ng sisig ay dinakdakan. Madaming tawag ang sisig, tulad lang nung contact list mo ang dami mong mahal. May babe, may bhe, yam, hon, tart, sugar, spice at everything nice. Putahe ng ina mo talaga 'to.

Mga Sangkap:

1/2 kg pork liempo/batok
2 bulb onion
1 cup mayonaise
4 pcs calamansi
3 pcs siling labuyo
Salt
Cooking oil

Paraan sa Pagluluto:

Una, pakuluan ang pork at lagyan ng pork cubes para maging malasa. Kung sana ganon ang relasyon na pag nilagyan mo ng asukal sweet na ulit , bibili ako kahit isang sakong asukal. Kaso wala ka na.

Pagkatapos kumulo ng pork ay i-set aside muna. Parang noong kumulo na ang dugo ko sayo ay ini-set aside mo na lang ako, kasi may iba ka na naman.

Hiwain mo ang sibuyas sa maliliit na cubes katulad ng pang-gisa. Hiwain mo na din yung sili at i-set aside mo ulit.

Paglamig ng pork ay hiwain mo na din. Kung pwede lang ay pati ang puso ko ay hiwain mo na din. Para di na ko magmahal at masaktan pa.

Tapos nito ay i-deep fry na ang pork hanggang sa lumutong o maging golden brown na ito.

Sa isang mixing bowl, ilagay ang pork , mayonaise at sibuyas at haluin. Lagyan mo ng katas ng kalamansi. Kung gaano karami ang iyong nais at kung paramihan ng katas ang gusto mo ay mas madami ang katas ng kalungkutan ko doon sa unan ko, na di ko na magamit dahil basang basa na ito.

Lagyan mo ng konting asin. Ilagay mo na din yung sili para umanghang. Kung ganto lang sana sa relasyon, na sili lang aanghang na ulit ang relasyon, anak ng tupa kahit sampung kilong sili bibilhin ko para umanghang lang ulit ang ating relasyong nanlamig na at napuno na ng pait.

Finally ay i-serve mo na ito.

Di ko alam kung kanino mo ito ise-erve. Wala naman kasi akong alam kung hindi ang magmahal at masaktan.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now