Sunny Side-Up Egg

376 6 0
                                    


By: Rin Winchester


MGA SANGKAP:

Itlog

Asin

Mantika


PARAAN NG PAGLULUTO:

1.) Siguraduhin mo munang handa na ang pinakaimportanteng sangkap, ang itlog. Kung wala, bumili ka ng itlog sa suking tindahan para malaman mo na kahit papaano, may nakakaalala sa 'yong suki ka. Suki ka ng salitang pag-ibig. Kung may itlog naman kayo sa refrigerator n'yo, do'n ka na kumuha. Sana sa pagkuha mo nito, mapagtanto mo na may mga tao pang nagmamahal sa 'yo na hindi mo lang alam. May mga taong handa kang saluhin kapag nahulog ka.

2.) Buksan mo na ang kalan. Ihanda mo na rin ang lahat ng 'yong gagamitin sa pagluluto—ang kawali, mantika, itlog, asin, at ispatyula. Ganiyan kasi talaga kapag nagmamahal, inihahanda ang sariling masaktan.

3.) Hintayin mo munang kumulo ang mantika bago biyakin at ilagay ang itlog sa kawali. Hindi kasi lahat ng bagay, minamadali. Minsan, kinakailangan mo ring maghintay para maging masarap sa pakiramdam ng tagumpay katulad ng panliligaw.

4.) Kapag nailagay mo na ang itlog, lagyan mo na ng asin o puwedeng huwag mo na ring lagyan. Ganyan kasi ang isang relasyon, maraming ups and downs. Hindi lahat ng alaala, matamis! Madalas, bitter!

5.) Kapag luto na ang itlog, hanguin mo na ito at ilagay sa tamang lagayan. Katulad lang naman ito ng pagmo-move on e. Ibangon mo ang sarili mo at huwag kang matakot muling magmahal, may tao kasi talagang nakalaan para sa 'yo. Baka nasa paligid mo lang ito, nagpapamisa para lang mapansin ng manhid mong puso.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now