Tinolang Manok

1K 10 0
                                    

By: Ela Wp


Paano nga ba magluto ng Tinolang Manok?

Madali lang ito. Napakadali lang. Sa sobrang dali nakuha mo ngang iwan nalang ako nang basta-basta. Walang pasabi at walang paalam. Sana'y naman na ako. Huwag kang mag-alala, nagsasanay na ako.

MGA SANGKAP:

Manok

Panggisa (bawang, sibuyas, luya)

Gulay (sayote at talbos ng sili)

Pampalasa (asin, paminta, patis)


PARAAN NG PAGLULUTO:

Una, ihanda mo muna lahat ng kakailanganin mo. Dahil kapag handa ka na, dapat hindi ka na masasaktan. Pero bakit ako? Naging handa naman ako eh. Alam ko namang hindi tayo tatagal. Alam ko naman na mayroon tayong hangganan. Naging handa ako. Naging handa ako pero hindi sobra. Naging handa ako pero hindi ko ginawa. Preparado ako pero hindi ko ginawa. At sa huli, ako itong nasaktan. Ako itong kawawa at ako itong lumuluha.

Pangalawa, ilagay mo ang kaserola sa gas stove. Pag sinabi kong sa gas stove mo ilagay, doon mo lang ilagay. Huwag ka nang maghanap pa ng ibang lagayan dahil sa huli, doon ka rin babagsak. Aasa ka lang nang aasa sa wala. Anong feeling? Masarap ba? Lasang tanga? Kasi kapag tayo na, huwag ka nang lumingon pa sa iba. Kuntento ako sa'yo kaya sana nama'y makuntento ka!

Pangatlo, kapag mainit na ang kaserola, ilagay mo ang manok hanggang sa magmantika ito. Huwag mong madaliin dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi minamadali. Lahat ay nakukuha sa tamang panahon. Hindi ko naman minadali ang relasyon natin. Ginawa ko lahat para magtagal. Pero sa huli, wala naman pala akong napala.

Pang-apat, I-ahon mo sa kaserola ang manok para hindi masaktan at para hindi na masunog. Ganiyan ang gawin mo. I-ahon mo ang sarili mo sa pagkalugmok at gawan ng mas makulay na bagay ang iyong buhay. Kasi ako, ganyan rin ang ginawa ko. Binangon ko ang sarili ko sa isang sakit na akala ko'y hindi na ako makaka-ahon pa. Akala ko hanggang doon nalang. Tatawa ako sa harap ng kaibigan ko tapos iiyak kapag ako nalang mag-isa. Ngunit napagtanto kong tama na. Masyado nang masakit. Masyado nang mahirap. Kaya tinigil ko na.

Pang-lima, Igisa ang dapat igisa. Baka naman pati pag-gigisa, hindi mo alam? Alam mong ngang saktan ako tapos pag-gigisa lang hindi mo alam? Kailangan pa bang turuan kita? Kahit naman turuan kita, wala namang magagawa. Tinuturuan ko nga ang sarili kong kalimutan ka pero hanggang ngayon ikaw pa rin. Hanggang ngayon, sa'yo pa rin nakatuon ang buong atensyon ko lalo na ng puso ko. Sa'yo pa rin kahit alam kong hindi na tama. Sa'yo pa rin kahit alam kong wala naman akong magagawa upang ibalik pa.

Pang-anim, Lagyan mo ng tubig at hintayin mong kumulo. Oo matuto kang maghintay! Maghintay ka gaya ng ginawa mo sa'kin. Hintayin mo kung kailan kita balak kausapin. Dahil sa sobrang sakit ng ginawa mo? Kahit siguro sampUng taon ang paghihintay mo, maghihintay ka pa rin. Ikaw na bahalang sumuko. Dahil ako? Sumuko na rin sayo. Naranasan ko yan, ang hintayin ka. Kaya damdamin mo ang paghihiganti ko.

Pang-pito, Ilagay mo ang gulay hanggang sa ang matigas ay lumambot. Dahil ganiyan naman ako eh. Naging matigas ako sa'yo noon pero isang sorry mo lang, tanga na naman ako. Isang "I love you" mo lang, lumambot na naman ang puso ko. Dati-rati, mistulang bato ang puso ko sa sobrang tigas pero ikaw ang nagpalambot nito. Oh ano? Masaya kana? Masaya ka na nang nahihirapan ako? Sanay ka naman eh! Sanay ka namang pahirapan ako nang husto!

At iyan! Handa na ang ating Tinolang Manok!

Pero hep-hep-hep! Wait, There's more!

Kulang 'yan. Hindi 'yan makakain kung walang lasa. Syempre sarapan mo. Lagyan mo ng pampalasa. Lagyan mo ng maraming sangkap. Pasarapin mo hanggang sa gusto mo! Tapos ipakain mo sa mga taong gumunaw ng mundo mo. Tapos itanong mo kung masarap ba. At kung hindi, itapon mo sa mukha nila. Ibuhos mo hanggang mainit pa. Ganiyan naman sila eh. Ganiyan naman kayo! Binigay ko na nga lahat. Pinaghirapan ko nang husto! Bagama't sinabi ko sa una na madali lang 'yon, Syempre nag-effort ako! Binigay ko ang best ko makuntento ka lang. Pero sa huli, wala eh. Wala pa rin. Wala pa ring k'wenta! Bakit? Dahil ba sa mas masarap ang luto ng iba keysa sa luto ko? Dahil ba sa mas magaling silang magluto keysa sa'kin? Bakit? Dahil ba galing sa'kin? Edi huwag! Edi huwag mong kainin. Tapos tikman mo 'yung luto ng iba. Kapag mas masarap 'yong sa'kin at nagsisisi ka na, kahit bumalik ka pa, wala ka nang babalikan. Kasi ako? Binigay ko nang lahat sa'yo, pero ano? Sinayang mo lang ako. Para kang nagtapon ng maraming bigas!


-WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon