Scrabled Eggs with Onions

348 7 0
                                    

By: Mellicent Daphnie Collado


Ingredients:

-2 pcs. of Onions

-2 pcs. of Eggs

-Cooking Oil

Tatlong mga sangkap na magmumulat sa'yo sa katotohanan at tutulungan kang mag-move on sa kanya.

Procedure:

1.) Hiwain ang sibuyas. Hiwain mo at isipin mong puso niya 'yan. Puso ng taong nanakit sa'yo. Panigurado, tadtad 'yan. Habang hinihiwa ang sibuyas ay imulat ng maigi ang iyong mga mata. Para makita mo ang lahat ng panlolokong ginawa niya sayo. Para mamulat ka sa lahat ng pagpapakatangang ginawa mo. Hayaan mo lang na tumalsik sa mata mo ang katas ng sibuyas. Para maiyak ka. Pag naiiyak ka na, iiyak mo na lahat. Lahat ng hinanakit mo sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sa kanya. Wag ka ng magtira. Iiyak at ilabas mo na lahat!

2.) Basagin ang dalawang itlog. Basagin mo tulad ng puso mong basag na basag na ngayon. Paghaluin ang dalawang itlog,paikut-ikutin ito para maghalong maigi. Tulad ng pag-papaikot niya sa inyong dalawa. Akala mo nag-iisa ka lang sa buhay niya pero dahil sa galing nyang magpaikot, hindi mo nalaman, hindi mo napansin na dalawa pala kayong tinuturing nyang prinsesa sa buhay at puso niya.

3.) Haluan mo ng sibuyas ang itlog. Pero 'wag mong ilahat, magtira ka ng sibuyas. Magtira ka, bagay na hindi mo nagawa kasi nalinlang ka niya! Nagoyo ka niya!  Binigay mo sa kanya ang lahat-lahat kasi akala mo totoo at pang-forever na ang lahat, pero nagkamali ka. Kaya ngayon, walang wala ka na, wasak na wasak ka!

4.) Maglagay ng mantika sa kawali. Hintaying uminit, tulad ng pagpapainit niya sa relasyon nyong akala mo forever na, iyon pala ay pansamantala lang. Akala mo kasi may forever. Akala mo, sya na talaga.

5.) Gisahin ang tinira mong sibuyas. Tulad nang pang-gigisa mo sa kanya nang malaman mong hindi ka pala nag-iisa. Gisahin mo ang sibuyas tulad ng pang-gigisa mo sa kanila nang mahuli mo silang dalawa. Gisahin mong maigi!

6.) Hintaying maging golden brown ang sibuyas bago ilagay ang itlog. Halu-haluin para maluto lahat ng parte. Halu-haluin para maluto lahat ng side, tulad ng pagsampal mo sa kanya nang kaliwa't kanan nang mahuli mo sya. Yung pagsampal mo nang malakas sa bawat side ng mukha para maramdaman niya kung gaano kasakit yung ginawa niya sa'yo. Sana lang naramdaman niya iyon sa sampal mo.

7.) Kapag luto na ay ilagay mo ito ng maayos sa plato. Ilagay mo ng maayos para magmukhang presentable. Para kahit nasaktan ka ay mukha ka pa ring tao. Maganda ka pa rin dapat para manghinayang s'ya. Para malaman niya kung ano ang sinayang niya.

Ngayon, luto na ang "Scrambled Eggs with Onions" mo. Good for two persons 'yang niluto mo pero kainin mong mag-isa 'yan. Wag ka munang maghanap ng bago. Mag-move on ka muna. Hayaan mong humilom ang sugat na ginawa niya sa'yo... ang sugat ng kahapon. Kainin mong mag-isa 'yan, huwag ka munang mag-share. Enjoyin mo muna ang sarili mo. I-feel mo muna ang freedom ng pagiging single. Buuin mo muna ang sarili mo at matuto sa nakaraan mo. Para kapag handa ka na at nakahanap ka na ng bago e, alam mo na ang gagawin at mas mahaharap mo na ito ng tama. Hindi yung puro ka lang akala, kasi, news flash, maraming namamatay sa maling akala!

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now