Ngumiti ng malamlam si Andrei kay AJ. Ganun din ang ginawa ni AJ.

Pagkatapos ng paguusap na yun ay nanatili na silang tahimik. Hanggang makarating sila sa bahay ni AJ ay di na sila nagimikan.

"Thank you. Bestie."

Pasalamat ni AJ ng makahinto na ang sasakyan ni Andrei sa may garahe. Dinako ni AJ ang mata nya sa likod ng sasakyan dahil para kunin ang saklay nya. Napansin yun ni Andrei kaya agad syang bumaba at binuksan ang likod para kunin ang mga saklay.

"Baba ka na."

Ani ni Andrei ng mabuksan nya ang pinto sa passenger seat. Inilahad nya din ang kamay nya sa harap ni AJ. Agad namang inabot yun ni AJ.

Pagkalabas ni AJ sa sasakyan ay walang pasabing binuhat sya ni Andrei.

"Ibaba mo ako."
"Kaya ko namang maglakad."

Yakap-yakap ni AJ ang bag nya. Magkasalubong din ang kilay nya. Napatawa na lang si Andrei habang naglalakad patungo sa pinto ng bahay nina AJ.

"Kaya mo ngang maglakad. Aabutin naman tayo ng syam-syam bago tayo makapasok sa loob ng bahay nyo."
"Hahahahaha."

Lalong lumakas ang tawa ni Andrei. Napanguso naman si AJ dahil sa inasal nito.

"Stop that."

Napaltan ng pagkalito ang tingin ni AJ. Di nya maunawaan kung para saan ang pagpapahinto nito sa kanya. Tiningnan sya ni Andrei.

"Stop pouting."
"Hahalikan kita dyan."

May pilyong ngiti sa labi ni Andrei. Napatulala si AJ at bigla nyang nakagat ang labi nya. Patuloy pa din sila sa paglalakad. Nakapasok na sila sa loob ng bahay.

"Bastos kang bakla ka."

Hinampas ng malakas ni AJ ang balikat nito. Bigla namang kumawala sa bibig ni Andrei ang malakas na tawa.

"Hahahahaha."
"I'm just joking."

Saad ni Andrei habang di pa din humihinto sa pagtawa. Dahil sa inis ni AJ, tumingin na lang sya sa malayo. Inignore na lang nya si Andrei.

Inilapit ni Andrei ang bibig nya sa tenga ni AJ.

"Mas gusto kong halikan si fafa kinneth."

Bulong nya dito. Lalong nagsalubong ang kilay ni AJ. Humigpit din ang kamay nyang nakakawit na sa leeg nito.

"Bruhang bakla."
"Bastos na bakla."
"Papatayin kita."

Tuluyan ng sinakal ni AJ si Andrei. Nagpupumiglas naman si Andrei pero andun pa din ang pagiingat nya sa pagbuhat kay AJ.

"Bestie. Bi-bitawan mo-o a-ako."
"Joanna!!"

Pilit inaalis ni Andrei ang kamay ni AJ sa leeg nya. Hirap na hirap syang magsalita dahil nga sa pagsakal sa kanya ni AJ. Napalingon sya sa likod ni AJ at nakita nya ang sofa. Agad syang lumapit doon.

"Nakakainis ka."
"Papatayin talaga kita."

May panggigigil sa boses ni AJ. Di na yun pinapansin ni Andrei. Diretso lang syang naglalakad.

"Mamatay ka. Ba----"
"Ayy!!"

Di natapos ni AJ ang sasabihin nya ng bigla syang napahiga sa sofa. At dahil nakakawit ang kamay nya sa leeg ni Andrei kaya pati ito ay napasama. Nakahiga si AJ sa sofa habang si Andrei ay nakatuon ang isang tuhod doon. Magkalapit ang mga mukha nila. Kitang-kita ni AJ ang kulay dark brown na mata ni Andrei.

Walang gumagalaw sa kanila. Parehas nilang sinusuri ang mata ng bawat isa. Palihim pang napalunok si AJ ng laway. Bigla namang nagbaba ng tingin si Andrei. Nadako ang mata nya sa mapulang labi ni AJ. At dahil doon ay wala sa isip na nakagat ni AJ ang kanyang labi.

My Dream GayWhere stories live. Discover now