Chapter 1: Isip Bata

Începe de la început
                                    

--

"Hi Yaya!" Napalingon agad sakin si Yaya at niyakap niya ko, bata pa lang ako, yaya ko na siya kilala niya din si superman pero di niya alam yung pangalan.

"Oh balita ko yung school na lilipatan mo, duon mag aaral si superman" Pag karinig ko pa lang ng superman automatic napa tingin agad ako kay manang, pano niya nalaman?






"nagkita kasi kami ng mama nya sa supermarket kahapon, pero di ko natanong kung ano pangalan ng anak nya nya, ang sabi nya lang sa oppenheimer mag aaral yung anak nyang lalaki" oo nga, nag iisang lalaki lang si superman may ate sya pero di ko ka close siguro mga 21 years old na ngayon yung ate nya at si superman naman kasing edad ko lang, 18.






"ah, saan na po sila nakatira ngayon?" ngumiti si manang.


"dito din sa village natin" halos maluwa ko na lahat ng kinain ko ngayong araw na to sa sobrang gulat, really? dito sila nakatira? so ibig sabihin di pa din sila umaalis dito? tadhana? anong plano mo?

--

Monday.

"Yaya, aalis na po ako late kasi akong nagising di na po ako kakain ng breakfast ah bye!" narinig ko pang tinawag ako ni yaya kaso di ko na pinansin, late na ko ilang minuto na lang, Nako di pwede yun first day pa naman.

Nung nakarating na ko sa school, ang laki at ang ganda mga pang sosyal talaga buti na lang tinuro sakin ni kuya kung saan to, naalala ko tuloy si superman, saan kaya yung room nya dito? anong section kaya nya? at ano na kayang itsura nya? mahihirapan pa din akong hanapin sya dito dahil masyadong malaki tong University na to.

"excuse me? studyante ka dito diba? get inside baka matunaw ang skwelahan sa katitingin mo" sinita na ko ng teacher, waa! late na pala ko! tumakbo agad ako papasok buti nahanap ko agad yung room ko, sakto lang pala ang dating ko.

"so kumpleto na kayo? gusto ko sana makilala kayong lahat iintroduce nyo ang sarili nyo infront" pagkatapos sabihin ni mam yan, may lalaking pumasok sa room.

"sorry Im late" teka, sya yung lalaki kahapon! yung sumira ng moment ko, nainis nanaman tuloy ako kung nandito lang si superman ipagtatanggol ako nun.

"its ok mr. Alcantara, but make sure next time di ka na late, get it?" nag nod naman sya sabay tingin samin wait, wala ng upuan na bakante kundi sa tabi ko lang, tumingin ako sa kanya at ngumiti sya ng nakakainis at tumabi sakin.

"so classmate pala kita?" sabi nya ng di nakatingin sakin, tinignan ko lang sya ng masama at di na sinagot yung tanong nya.

duh! commonsense na lang Mr. Alcantara! malamang classmate mo ko kaya nga ko nandito eh.

"may commonsense ako princess" pano nya narinig yun? at ano daw? princess?! as in prinsesa!? Yah! bwiset sya! wala syang karapatang tawagin akong princess, si superman lang may karapatan nun.

"anong tawag mo sakin?" tumawa sya ng mahina at tumingin sakin.

"princess, kasi kamuka mo yung aso ko, pero don't worry mas cute pa din sya sayo" sapakin ko na kaya to? yung tatalsik talaga yung muka nya sa malayo, malayo sakin!

"okay class now go infront and introduce your self" sabi ni mam at pumunta na yung isa kong classmate sa harap at nag pakilala.

"ano daw princess? introduce your self? psh, pang grade one haha" nakakarindi na talaga sya, bakit ba kasi naging katabi ko pa tong kutonglupa na to?

"next" hala! ako na pala next, huminga ko ng malalim at pumunta na sa gitna.



"Iam Cassey Bernardo, nice to meet you guys" sabi ko at ngumiti, tapos bumalik na agad sa upuan ko, tumayo naman to si.. ewan basta tong badboy na to at pumunta sa harap.



"Iam Drake Alcantara" sabi nya ng walang emotion.




"gosh ang pogi talaga ni baby drake!"

"swerte ng magiging girlfriend nya!"

"oo nga kinikilig ako shems!"

"ang dami talagang nagkakagusto sakin hirap maging gwapo" sabi nya with matching hawak pa sa dibdib, I just rolled my eyes, ang kapal din pala ng muka neto.

natapos na din yung klase, at sa buong klase na yun, wala akong natutunan dahil dito sa katabi kong bubuyog na kanina pa ineexplain kung gano ka hirap maging gwapo, as if naman na naranasan nya yun? hahaha! gusto ko sanang lagyan ng tape yung bibig nya eh, yung magic tape na di na matatanggal para tumahimik naman ang mundo ko.

"oy princess iibahin ko na yung tawag ko sayo, di kasi bagay sayo yung princess" sinusundan nya pa din ako hanggang dito sa corridor, sa totoo lang kanina pa ko punong puno sa kanya, hinarap ko sya at nag salita ako.

"just call me Cassey dahil yun ang pangalan ko, I don't need some stupid nicknames" ewan ko ba kung saan ko nakuha yan, itong bunganga ko kasi bigla na lang nag sasalita.




"manang na lang, mas bagay kesa sa Cassey pang maganda lang yun eh! Hahaha!" mag sasalita na sana ko kaso bigla nanaman sya nag salita, aist! daig nya pa babae sa sobrang kadaldalan!


"bye manang!" sabi nya sabay alis, napaka isip bata nya, bakit ba nya ko inaasar? nakakakain ba sya pag ginagawa nya yun? di ko talaga sya maintindihan at wala na kong balak intindihin ang tulad nyang isip batang BadBoy!

xxx

Behind Her GlassesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum