Napahinto si AJ ng makitang di pala si Andrei ang tumatawag kundi ang ina nya.
Naipikit nya ang mata nya. Nagbuntong hininga din sya bago sagutin ang tawag.

"Hello?"
"Nanay?"

Bungad ni AJ ng pindutin na nya ang answer botton. Dinig ni AJ ang ingay sa kabilang linya.

"Nak. Kumain ka na ba?"
"Yung gamot mo nainom mo na?"

Tanong ni tita luisa sa anak nyang si AJ. Napaikot ng mata si AJ sa naging tanong ng kanyang ina. Di talaga sya makalulusot sa kanyang magulang.

"Kakain palang nay."
"Wag nyo na po ako alalahanin."
"Okay na po ako."
"Gusto ko na nga pong pumasok."
"Nababato na po ako sa kwarto ko."

Pagrereklamo ni AJ sa kanyang ina sa kabilang linya. Natahimik naman ang kanyang ina. Tumahimik na din si AJ. Iniintay nya ang isasagot ng kanyang ina.

"Nak."
"Joanna.."
"Alam mo naman, di ba?"
"Di pa pwede.."
"Sige na. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot mo."
"I love you anak."

Kalmadong sagot ni tita luisa kay AJ. Napabuntong hininga si AJ ng maibaba na ng kanyang ina ang tawag. Matapos noon ay maingat syang umalis sa kama at nagpunta sa study table para doon na kumain. Humawak na lang sya sa pwede nyang hawakan. Di na sya gumamit ng saklay.

---

Mabilis lumipas ang oras. Alas sais na ng hapon. Napagpasyahan ni AJ na lumabas sa kanyang kwarto. Inabot nya ang saklay na nakasandal sa may gilid ng kama nya.
Medyo nasasanay na sya sa paggamit noon. Mabagal nga lang ang kanyang paglalakad.

Napahinga ng malalim si AJ ng matapat na naman sya sa hagdan nila. Sa hagdan lang talaga sya sobrang nahihirapan.

Magsisimula na dapat bumaba si AJ ng napahinto sya dahil nagsalita ang kapatid nyang si Jacob sa likod nya.

"Ang tanda mo na ate pero ang tigas pa din ng ulo mo."

Napailing pa si Jacob ng sinabi yun. Tinaasan naman ni AJ ng kilay ang kapatid nya ng lingunin nya ito.

"Di ko kailangan ng opinyon mo."

Mataray na saad ni AJ sa kanyang kapatid. Di na nya pinansin ang kanyang kapatid na nasa likod nya. Bumaba na sya ng hagdan. Nakakaisang baitang palang si AJ ng tulungan sya ng kapatid nya. Napatingin sya sa mukha ni Jacob at palihim na napangiti.

Concern pa din ang loko.

Untag ni AJ sa kanyang utak habang pinagmamasdan ang mukhang kapatid nya.

Saktong pagbaba nila ng hagdan ay bumukas ang pinto at pumasok ang magulang nila.

"Good evening po. Nay. Tay."

Nakangiting bati ni AJ. Nakakawit ang kamay nya sa balikat ng kapatid nya. Lumapit sa kanila ang magulang nila at hinalikan sila sa pisngi.

"Good evening mga anak."

Bati ng ina nila. Nagmano si AJ at Jacob sa kanilang magulang. Sabay-sabay silang naglakad papuntang living room para makapagpahinga sa may sofa.

"Joanna. Anak."
"Kamusta na ang paa mo?"
"Iniinom mo ba sa oras ang gamot mo?"

Tanong ni Tito Johnny sa kanyang anak na si AJ ng makaupo na sila sa sofa.

"Yes. Tatay."
"Okay na po ako."
"Ang totoo po nyan ay kaya ko nang pumasok ulit sa school."

Wika ni AJ. Nagkatinginan ang magulang nila. Pinupush talaga ni AJ ang gusto nya. Ang kagustuhan na nyang pumasok kahit na may cast pa din ang paa nya. Sa kabilang linggo pa aalisin ang cast ng paa nya para makasigurado na tuluyan ng gumaling ang sprain nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now