Grant heard it. Instead of smiling or smirking at the compliment, he visibly scowled. It's so typical of him. Hindi ko alam kung bakit napangiti pa ako doon.
Nang maglakad na ako palapit sa kanya ay tumama agad ang mga mata niya sa akin, na parang naramdaman niya na nasa paligid ako. Nawala ang simangot sa mukha niya. His eyes brightened.
Has he been doing that for some time and I'm only seeing his moves in a different light now that he told me what he's feeling? Or am I just reading too much into it?
I mentally shook my head and shelved my thoughts for now.
"Let's go?" tanong ko sa kanya sabay ngiti. Nawala rin agad ang ngiti ko dahil napansin kong hindi na siya nakatingin sa akin at bumalik ulit ang simangot sa mukha niya. He looked irritated now.
Kumunot ang noo ko at sinundan ang tingin niya. He's looking at a few guys who looked pale. The guys were looking somewhere else but wandered to me. Their eyes widened and quickly looked away.
"Angel, don't look at other guys." Grant sexily murmured. My head snapped at him in surprise. He was looking at me intensely with his pitch black eyes. "I want your pretty eyes on me all the time."
Umuwang ang labi ko ngunit walang kahit anong tunog ang lumabas doon. I was speechless. I don't know what to say. Damn it... It's like I lost my brain with him.
Bumuntong hininga si Grant. Naalis ang tingin ko sa kanya nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na gumapang sa ibabang parte ng likod ko. Nang ibalik ko muli ang mga mata sa mukha niya ay hindi na siya sa akin. He was staring straight ahead. I got the perfect view of his sharp jaw. His side profile was striking.
He squeezed my waist. That move reached my heart. I silently gasped. "Let's go."
Hindi na niya ako hinintay na sumagot at hinila na paalis doon. Sasakyan niya ang ginamit namin dahil hindi ko naman dala ang akin. He fetched me and drove me to school earlier. Nag drive na siya agad pagkatapos itanong ang resto kung saan kami kakain ngayon ng mga kaibigan ko.
My friends were surprised when I brought Grant with me. Hindi ko naman kasi pinaalam sa kanila na kasama ko si Grant. All of them burned me through their stares but they surprisingly didn't say anything this time and acted like it was normal for Grant to eat with us.
"What do you want, angel?" mahinang tanong ni Grant sa akin ngunit nang makita ko ang panlalaki ng mga mata nila Maia ay alam kong narinig nila iyon.
"Uh... braised beef with rice." I dully replied. A small smile appeared on his lips before he held the back of my head to press a kiss on my temple. Tumayo na siya pagkatapos 'non para lumapit sa counter.
Nang pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan ko ay tumambad sa akin ang mga nakangisi nilang pagmumukha. They had mockery all over their faces.
"Angel pala." Noelle started and I made a face at her. Sabay-sabay silang nagtawanan.
Grant didn't stay for too long. Ayon sa kanya ay may appointment siya kaya kinakailangan niya nang umalis. All eyes were on me when he finally left.
Johan exaggeratedly sighed which made me frown.
"What?" I asked.
"Dalaga ka na talaga." seryosong sabi nito. Alam ko na nang-aasar siya kaya dumampot ako ng tissue at pinabilog iyon bago inihagis sa mukha niya. Tumawa na siya doon.
"But you're still game for the Double Vision party later right?" Rio pouted.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakabanggit sa party. We've already planned this before. Maaga pa lang ay bumili na kami ng ticket. Sa sobrang tagal na ay nawala na sa isip ko. With everything that happened... It slipped my mind.
YOU ARE READING
When I Chase (When #1)
RomanceShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Twenty-Eight
Start from the beginning
