Chapter Fourteen

31K 1.1K 133

Itinago ko ang dalawang kamay sa likod ng bag na nakapatong sa arm chair ko. Pasimpleng binuksan ko ang phone at pinindot ang messages application. May ngiting sumilay sa labi ko at pinindot ang pangalan ni Grant sa inbox.

The last message was from last week pa. A short and brief text from him, telling me that he would pick me up for the Saturday gig. Pansin ko na hindi mahilig si Grant sa text. He's too busy and cold for that. Mas gusto niya ang tawag dahil mabilis iyon at convenient.

Me:
Hi.

I restrained myself from laughing as soon as I hit send. Halatang-halata na bored ako sa klase ko ngayon. It's not my fault that our professor is an old man who talks really, really slowly. Kung sa pokemon, he's a freaking jigglypuff.

Naghintay ako na magreply siya pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi siya sumagot. I sent him a text again, this time with his name. Hindi niya rin sinagot iyon. I flooded him with several texts, with his name on capslock and using excessive amount of exclamation points.

Tumalon ang puso ko nang biglang tumungo ang phone ko. It was just my message tone but it caught my professor's attention and a few other students too. Tumingin sa akin ang professor at binigyan ako ng makahulugan na tingin. Naiilang na ngumiti ako at humingi ng sorry. I picked up my phone from the arm chair and switched it to mute before unlocking my phone to read his text.

Grant:
What?

Napanguso ako sa tipid niyang sagot. I stared at it in disappointment for a few seconds before lifting my spirits up again. At least ay sumagot siya diba?

Me:
What are you doing?

Ibinaba ko ang phone sa ibabaw ng arm chair pagkatapos sumagot. Pumalumbaba ako at inilapat ang atensyon sa harapan. Pinilit ko intindihin ang itinuturo niya pero nang umilaw ulit ang phone ko nang mag reply si Grant ay natigil ang pagpapanggap kong pakikinig.

Grant:
Working. May klase ka ngayon diba?

I was grinning too wide at his text. Mas mahaba ang reply niya sa akin. It was the first longest reply that I received from him. Gusto ko tuloy iyon i-screenshot, ipa-print at matapos ay ilagay sa picture frame.

Me:

Yup. But it's so boring. Nakakaantok. :(

Me:
Mag joke ka nga, Grant. Lol.

I dropped my phone and waited for another few minutes before he finally replied again. Sumulyap muna ako sa professor namin sa harapan kung napapansin niya ang hindi ko pakikinig sa klase pero sa kabilang side siya ng room nakatingin. I opened the message.

Grant:
Listen to your class lecture and I'll call you later. Deal?

It wasn't a hilarious punch line but it did the job. Nagising ako sa nabasa kong sagot niya. Binasa ko iyon ng paulit-ulit para makasigurado na hindi ako nagkakamali. I was sitting up straight now, every fiber of my being's attention is on the phone.

Me:
Really? Talaga? You'll call?

His reply was instant.

Grant:
Really.

I don't know how can a simple text affect me like this. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa na ako nang mabasa sa text niya na tatawag siya sa akin mamaya. So, what? Nakapag-usap naman na kami sa phone ng ilang beses. Pero bakit ganito yung excitement ko ngayon? Bakit mas doble? Is this normal? Am I sick?

Mabilis na pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Hindi na ako sumagot pa sa text niya at nakinig na lang sa professor namin. Hindi na ako nakaramdam ng antok sa sumunod na oras dahil sa hinihintay kong tawag ni Grant.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!