Chapter Twenty-Six

33.1K 1.2K 229

Hi! Join the group for special chapters, snippets, and etc! Anya's Werqs: https://www.facebook.com/groups/1663011040626859/

Lovelots, Anya

Chapter Twenty-Six

Nakaupo ako sa kama at seryosong nakatingin sa digital clock na nakalagay sa ibabaw ng nightstand. It was already half past eight. Kumunot ang noo ko at ibinaba ang tingin sa phone na hawak. Pinindot ko ang home button para umilaw ang screen. It says half past eight on my phone too.

Tumayo ako mula sa kama at lumakad patungo sa harap ng vanity mirror. Pinasadahan ko ng tingin ang sariling reflection. I still look like me twenty minutes ago. I glanced at my phone again and the time is still the same. There aren't any calls or texts too.

"Where are you?" bulong ko at napanguso habang tinitingnan ang lock screen wallpaper ko.

Grant's usually early when he's picks me up. He'd never been late before. Nine o'clock ang oras ng unang class ko. Kapag hindi pa ako umalis ngayong umaga ay paniguradong magiging late na ako.

Bigo na tiningnan ko ang phone na hawak sa huling pagkakataon. I guess he's not coming. Bakit kaya?

Napanguso ako. Iniisip ko kung pwede ba akong mag tampo o magalit sa kanya dahil sa hindi niya pagsundo sa akin ngayong umaga. Wala naman kami talanga usapan na susunduin o ihahatid niya ako. Ginagawa niya lang iyon ng kusa.

Wala siyang obligasyon sa akin. Hindi niya responsibilidad na ihatid ako kaya wala akong karapatan na magalit. But... I'm still disappointed. Siguro ay dahil nasanay lang ako sa paghatid at sundo niya sa akin.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang tumunog ang phone ko. Tumalon ang puso ko dahil sa tunog. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa. Bumuti agad ang mood ko nang makita ang pangalan ni Grant na nagfa-flash sa screen. Nakangiting sinagot ko ang screen bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Grant! I was on my way out. Nasa labas ka na ba?" masayang tanong ko.

"Fall, I can't pick you up this morning." napahinto ako sa naging bungad sa akin ni Grant. Paos pa ang boses niya at tunog bagong gising.

"Why?" I asked, my smile faded from my lips.

I heard him sigh and the rustling of sheets. "I just woke up. I slept through out my alarm. I got home late, that's why. I'm sorry."

"Oh." iyon lang ang nakayanan kong sabihin. Bumalik ang pagkalungkot ko kanina.

"You still at home?" malambing ang boses ni Grant. Na para bang nang-aamo.

"Uhm. Yes. Pero paalis na rin ako."

Grant muttered a curse and paused for a second before talking again. "You waited for me."

Napanguso ako. I didn't know if I should tell him that I did or lie. Totoo naman na hinintay ko siya. Wala naman sigurong mali kung sabihin ko sa kanyang oo?

"Yes." I answered with a nod. He cursed again. Mali ba ang sagot ko? Hindi ko ba dapat siya hinintay?

"I'm gonna pick you up later." seryosong sabi nito. I'm slightly distracted by his bedroom voice. It was... hot. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Well, I've heard Logan's bedroom voice, but we're cousins kaya hindi iyon hot para sa akin.

"You don't have to, Grant. Dadalhin ko yung sasakyan ko ngayon. Walang mag-uuwi kapag sinundo mo pa ako."

"Lunch then." he said.

"Ha? Wag na." sagot ko kahit na gusto ko rin siya makasabay ng lunch. Kaya ko tumanggi ay dahil maikli ang ang free time ko mamayang lunch. I don't think it's smart for him to go all the way here just for a brief lunch.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!