Chapter Thirteen

30K 1K 107

Nakapalumbaba ako habang pinapaikot ang ballpen sa kamay. May professor na nagle-lecture sa harap pero nanatili ang mga mata ko sa binder na nasa ibabaw ng arm chair na kinakaupuan ko. Maraming bura ang papel pero nababasa ko pa rin naman ang nakasulat.

Kinagat ko ang labi nang may pumasok sa utak ko. Inayos ko ang ballpen sa kamay at yumuko para makapagsulat ng maayos. I was in the zone and when I'm in the zone, I couldn't care less about my surrounding. 

Wala akong tigil sa pag sulat. I wouldn't have known that the class had already been dismissed if it weren't for my friends who decided to enter the room like they owned the place. Wala naman kasing sunod na klase dito kaya ayos lang.

"Sipag mo naman po, ate. Nagsusulat kahit wala ng professor sa harap?" inumpisahan ni Maia ang pang-aasar.

"Fallon Renee Montello, Cum Laude." pagtawag ni Noelle sa pangalan ko habang si Maia naman ay kinakanta ang kadalasang naririnig tuwing graduation march. Ang loko-lokong si Johan ay pinabilog ang hawak-hawak na papel at inabot sa akin.

Ngumiwi ako at hinawi ang kamay ni Johan palayo sa akin. "Mga sira!" tumawa rin ako pagkatapos dahil imposible na magalit ako sa pang-aasar nila. Heck, I'm worse than them sa tuwing asaran ang pag-uusapan.

"Why are you guys here anyway?" itinago ko ang binder at ballpen sa loob ng bag ko. I stood up from the chair and slung the backpack on my shoulder.

"Tapos na mga klase namin. Sila Nikolai, wala yung professor. Kaya naisipan namin na mag chill. Tara?" I glanced at my wrist watch to check the time. It was exactly three o'clock. Iyon ang tapos ng klase ko ngayong araw. Normally, Nikolai and Johan wouldn't be done for today until five habang ang tatlo naman ay maagang natatapos.

I actually have plans for this afternoon. I haven't hung out with them for three days pero planado ko na ang araw na ito. I'll be going to Grant's office just like what I've been doing for the last three days. 

"Nami-miss ko mag road trip. Let's go somewhere near Manila. Tagaytay, Laguna or something?" Rio suggested and the two girls looked thrilled. Habang ako naman ay napanguso at hindi alam ang isasagot.

"Oh, don't tell me pass ka na naman?" nakasimangot na tanong sa akin ni Noelle. Kinagat ko lang ang labi ko. Sapat na ang hindi ko pagsalita para malaman nila ang sagot ko.

They all scowled at me. Si Maia ay halos magsalubong na ang dalawang kilay sa tingin na ibinibigay niya sa akin. "You've been saying no a lot lately. Anong meron?"

"I'm just... busy." I sounded unsure, because I was. Wala akong maisip na ibang excuse at iyon lang ang unang pumasok sa utak ko.

"With?" Rio urged.

"Sus, ano pa ba? He's busy with Grant De la Fuente." Noelle rolled her eyes, shaking her head in disapproval.

"Oh? Pumapag-ibig?" tawa ni Johan. 

"Shut up." mapang-asar ang mukha niya kaya sa asar ko ay tinampal ko iyon ng kamay ko. Mabilis niyang nasalo iyon kaya hindi tumama. I growled at him and he chuckled before pushing my hand away. 

"Kick out na natin sa group chat yan." Nikolai teased and I glared at him, then softened my stares and pouted for effect.

"Babawi talaga ako sa susunod." itinaas ko ang kanang kamay ko. "Promise!"

"Tss. Whatever! I'm gonna text you the place. Sumunod ka na lang kung gusto mo." Noelle offered and I nodded with a sheepish grin. Lumapit na ako sa kanila para bumeso at matapos ay nagpaalam. 

Sa office agad ako dumiretso nang makarating sa building nila. The guard and the receptionist didn't even bother asking for an identification or appointment anymore. Hinahayaan na lang nila akong dumiretso sa elevator.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!