Chapter Four

35.8K 1.1K 97

I was almost in tears when I looked for Logan and asked for my car keys. Sinabi ko sa kanya na nawawala ang kwintas ko. Isang tingin lang niya sa nagluluhang mga mata ko ay alam na niya agad na nagsasabi ako ng totoo kaya ibinigay niya agad sa akin ang susi.

Pagkatapos maligo at uminom ng gamot nung araw na iyon ay umalis na ako ng bahay.

Inisip ko ang iba't ibang lugar kung saan maaring nahulog ang necklace. Sigurado ako na nasa akin pa iyon nang umalis kami sa unit ni Noelle at pumunta ng party. I can clearly remember brushing my hand through it when we reached the party.

It could be at the venue of the party, somewhere at Serra Estate, Grant's car, his condo unit, the tower's hallway, the elevator, or the taxi.

Una akong pumunta sa tower kung saan ako nanggaling kanina. Dederetso na sana ako sa elevator para makaakyat sa floor ni Grant ngunit pinigilan ako ng guard at dinala sa reception area.

A female staff asked who I was looking for and for the room number. Sinagot ko naman ang mga tanong niya at ipinaliwanag ang nangyari. Forunately, she was willing to help me.

Tiningnan ng babae ang record nila sa computer. Nakita ko ang pagsimangot nito bago inalis ang mga mata sa screen at tumingin sa akin. "Ma'am, are you sure po na eto ang room number ng hinahanap niyo?"

"Yes. I'm sure." tumango ako at matapos ay kumunot ang noo. "Why?"

"Ah, kasi po, Zion Alexander Serrano po ang owner ng unit na sinabi niyo. Wala rin po kaming Grant na tenant dito sa building. If you're sure about the room number po, then are you sure po na iyon ang name niya?"

Namutla at namula ako sa kahihiyan. Now that my head's not pounding and that I've had my coffee, I'm not even sure if that's his real name. Posible na sinabi niya lang iyon sa akin kagabi para mag tigil ako sa kakatanong.

Naguguluhan na umalis ako mula doon. Who the hell is Zion Alexander Serrano? Sigurado ako na Grant ang pagpapakilala niya sa akin kagabi. Isinantabi ko na muna ang tungkol kay Grant at ipinagpatuloy ang paghahanap sa necklace ko.

I looked for it in front of the building. Nilibot ko din ang Serra Estate ngunit hindi ko na maalala kung saan kami huminto nung gabing iyon. Binalikan ko rin ang bahay kung saan naganap ang party ngunit walang naitulong sa akin ang mga maid doon. They said that they already cleaned up the mess but they didn't find any silver necklace.

By lunch, I went home completely tired and resigned. Apat na araw na lumipas pero hindi ko na nahanap ang necklace. Sinusubukan ko bumalik sa tower kahit na hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko doon. I tried asking for that Zion guy who owns the unit pero sinabi sa akin ng staff na ilang araw na nilang di ito nakikita. Hindi naman daw kasi ito nakatira sa unit niya. He just stays there sometimes.

Ilang beses na nag-aya ang mga kaibigan ko na lumabas sa apat na raw na iyon pero dahil sa nawawalang necklace ay hindi ko nagawang paunlakan ang pang-aaya nila. I just wasn't in the mood.

Sa apat na araw na iyon at nagkulong lang ako sa kwarto at lumalabas lang kapag kakain o di kaya ay tatambay sa may maliit na pavilion malapit sa pool.

It was Saturday morning when I got woken up by my ringing phone. Nakasimangot ako na inabot iyon mula sa ilalim ng unan. Balak ko sanang patayin iyon pero napatigil nang makita ang pangalan ni Noelle sa screen.

"Hoy, baba-i-ta!" inabot ko ang unan sa gilid at itinakip yon sa mukha ko. I grunted out loud. "Ano? May hangover ka pa rin hanggang ngayon? Wala ka nang balak mag-enroll?"

I pushed the pillow away from me and sat up. "What do you want?"

"Nasa school kami. Nag-enroll na and then after that, we're gonna food binge. Punta ka na dito."

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!