Chapter Seventeen

30.2K 1.2K 411

"Nakakainis ka pa rin talaga!" iritadong sambit ko sa kanya. Gusto ko siyang sabunutan. Gusto kong tusukin yung kakaibang mata niya hanggang sa mabura ang kulay!

Ihinagis ko ang pinto ng sasakyan mula sa likuran ko. Tumunog ang sasakyan ni Ambrose nang pindutin niya ang car key fob. Sinabayan niya iyon ng tawa at humabol sa akin sa paglalakad.

Sa byahe pa lang ay pinipigilan ko na ang sarili kong pansinin siya pero hindi ko lang talaga mapigilan ang pagkairita ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. I couldn't believe that he would play me like that. Ang mas malala pa ay nakukuha niya pa akong tawanan sa kalokohan niya!

"Hey, malay ko ba na maniniwala ka sa akin." he heartily chuckled and I frowned.

"Kinabahan kaya ako 'don! I really thought we got caught! Dapat sinabi mo na sa akin na nagpa-part time job ka dun nung una pa lang."

He gave me a mocking grin and shrugged. Umirap ako sa kanya at itinuloy lang ang paglalakad papasok ng mini stop.

Kinabahan talaga ako kanina nang makita ang lalaki. Ang buong akala ko ay nahuli na kami. Thoughts of being brought to the police station crossed my mind that I almost cried right there.

Kung hindi pa tatawagin ng lalaki si Ambrose sa pangalan niya ay iiyak na talaga ako. Pinakilala ako ni Ambrose sa may-ari ng Studio at boss niya na si Mr. Alfonso Romero. Habang namumutla pa rin ako ay ipinaliwanag niya sa akin na nagta-trabaho siya doon at may susi siya ng studio kaya hindi totoo na nag pick lock siya.

That moment, I was too relieved that we weren't in trouble to be pissed at him—pero nang mawala na ang 'relief' ko ay nainis naman ako sa kanya.

He decided to make it up to me by treating me dinner. I told him that I wasn't hungry and we somehow ended up agreeing for an ice cream, kaya heto at nasa isang convenience store kami.

"So, anong flavor gusto mo?" tanong ni Ambrose habang tinitingnan ang mga drumsticks at iba't ibang pint size ng ice cream sa loob ng chest freezer. May kinuha at ipinakita sa akin. "Red velvet?"

Hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko sa pagkabanggit niya ng flavor na iyon pero bigla siyang humagalakpak ng tawa.

"You look very, very disgusted. You hate red velvet that much?" he looked at me like I had something weird on my face. I crunched my nose. I was a fan of red velvet, until recently.

"Okay." tumawa ito. "No red velvet."

I just rolled my eyes and looked for something else. He picked rocky road while I chose chocolate fudge brownie. If I can't have red velvet, then I'll go for the second best.

Wala namang gaanong tao sa mini stop kaya naisipan namin na dito na lang rin kumain. Pinakamaliit na pint ang binili namin. I was okay with drumstick but Ambrose insisted.

We clanked our pints together before silently binging on our own yummy frozen delight. It was odd to eat with someone without having a conversation—but then I remembered Grant and realized that it wasn't that odd at all.

Siguro ay nasanay lang ako na laging nag-uusap kapag ibang tao at expected ko na ang katahimikan tuwing kasama ko siya.

My forehead creased when I realized that I was thinking about him again. I pushed him off of my mind and turned my attention to the guy beside me instead.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!