Chapter Eight

32.7K 1.1K 122

Ito ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa akin ngayon: Bakit ko sinunod si Grant?

Until now, I still can't move on from the fact that I did what Grant told me to do. Even my friends can't move on from it! Paulit-ulit nila akong inaasar sa pagsunod na ginawa ko nang sabihin ni Grant na hindi kami sasama sa club.

Obviously, it's a very big deal to me. Sa tingin ko ay hindi pa naman kami mag kaibigan ni Grant para gawin ang iuutos niya sa akin.

I'm... drawn to him for some reason, yes. But I don't think we're in the friendship level yet. Ilang araw pa lang kaming magkakilala!

And I don't even have his cellphone number!

I don't know what exactly, but there's just something about him that draws me to follow. To do whatever he wants me to do. He has that kind of effect on me. Kung bakit, hindi ko alam.

It was confusing the hell out of me too. I'm not liking the thought of him having that kind of power over me. I refuse that idea. I abhor it.

Ang sabi nga ni Fox kay Little Prince, I am not tamed.

Today's one of the proofs how untamed I am. Excited ang buong grupo para sa araw na ito. It was mainly Rio and Maia's idea. Isang linggo nila itong pinagplanuhan para masigurado na magiging ayon sa plano ang mangyayari mamayang gabi.

In the morning, I busied myself in the gym. Kasama ko si Noelle dahil ito rin ang free day niya. I usually enjoy her company, pero ngayon ay pilit akong lumalayo sa kanya dahil sa tuwing nagkakalapit kami, kinukulit niya ako tungkol kay Grant at tinatanong kung anong meron sa amin.

Hindi niya man ako inaasar kagaya nila Johan ay ayaw ko pa rin pag-usapan ang tungkol sa kanya. I feel like I'd be blushing the whole time if we'd talk about him. Hindi ko alam kung kaya kong ipaliwanag sa kanya o kahit sa sarili ko ang pamumulang iyon.

Sa mall kami dumiretso ni Noelle pagkagaling ng gym. Doon kami nag-usap-usap na magkikita-kita nila Maia. Mamayang hapon pa ang tapos ng klase nila pero naisipan namin na mag full body massage na lang muna sa paborito naming health spa.

Si Noelle ang nakapila sa counter para mag-order ng pagkain namin habang ako ay nakaupo na sa table para hindi kami maagawan ng ibang customers. My phone chose that moment to alert me with a text message.

Unknown Number:
Where are you?

It's not the first time that I received texts from people that I don't know. Pero kadalasan ay nagpapakilala na agad sila sa una pa lang kaya hindi ko mapigilan mapangiwi sa text na ito. Nakakunot ang noo ko habang nagta-type ng isasagot sa anonymous texter.

Me:
Who are you?

Ibinaba ko ang phone sa lamesa. Hindi ko inaasahan na sasagot agad iyon. Inangat ko at tiningnan ang sagot ng anonymous texter ko para sa akin.

Unknown Number:
Grant.

Wala naman akong iniinom o kinakain pero nakuha ko pa rin na masamid sa nabasa. Nanatili ang mga mata ko sa screen at binasa iyon ng paulit-ulit. Hindi naman ako nagkamali sa pag basa. At mukhang hindi rin iyon typo. It says Grant. Iyon ang nakasulat. Napasinghap ako. Oh My God!

Sumulyap ako kay Noelle na nakapamewang habang nakapila sa harapan ng counter. Dalawang tao pa bago siya makaka-order. Mabilis na ibinalik ko ang atensyon sa phone. My heart was racing, small flutters from behind me, as I typed a reply.

Me:
Gasp! Stalker! How did you get my number?

Mapaglarong ngumisi ako nang ma-send ko na iyon. I placed the phone down on top of the table without locking it. I just stared until I received a new message from him.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!