Chapter Twenty-Seven

36.1K 1.3K 311

Panay ang tunog ng phone ko ngunit kahit isang beses ay hindi ko iyon tiningnan. Hanggang sa nakauwi ako sa bahay at nag-ayos ng kaonting damit sa loob ng hand carry bag. Hindi ako nagtagal sa bahay. Pagkabilin sa maid namin na ipaalam kay Daddy na nasa condo lang ako ni Logan ay umalis din ako agad.

I put my phone on silent when I got tired of listening to its continuous ringing. Tahimik at tulala ako buong taxi ride patungong condo building ni Logan.

Wala pa ang pinsan ko sa unit niya nang dumating ako. Of course. Paniguradong nasa office pa siya at kung wala ay baka pauwi na rin iyon dahil tapos na ang office hours nila ng ganitong oras.

Hindi ako umalis doon at naghintay lamang sa tapat ng pinto niya. Pwede ko siyang tawagan ngunit ayaw kong tingnan ang phone ko. I'm too scared to check it. I'm afraid that I won't be able to resist answering his calls. But more than that, I'm terrified that he stopped calling because I don't matter enough. That would hurt.

Ilang tao na ang dumaan sa hall kung saan nasaan ako. Lahat sila ay napapatingin sa akin at halatang nagtataka kung bakit ako nakaupo sa sahig. I pretended to be oblivious to their stares.

"Fallon?"

Inalis ang ang tingin ko mula sa sahig at tiningnan ang tumawag sa akin. Agad akong ngumiti nang makita si Logan. He's got a laptop case in one hand and his suit jacket on the other. Ang natitirang suot niya lang ay ang checked long sleeves na naka-tuck in sa kanyang na black fitted pants.

"Hey, Low." ngumiti ako at sinamahan pa iyon ng kaway.

"What are you doing here?" kunot noong tanong niya.

Ngumuso ako. "Na-miss na kasi kita."

Umirap si Logan at lumapit sa akin. Inabot niya ang kamay niya para tulungan ako sa pagtayo. Tinanggap ko naman iyon. Kumunot ang noo niya nang makita ang travel bag ko na nasa sahig. He let go of my hand and looked at me with suspicion in his eyes.

"Pinagalitan ka na naman ba ni Tito?" he said in an accusatory tone.

"Of course not." I rolled my eyes. "I just wanna hang out with my favorite cousin."

"You really think I'd fall for that?" Logan arched an eyebrow. I and grimaced at my cousin. He didn't react. He just continued piercing me with his stares. I ended up giving up with a sigh.

"Just let me stay here for a few days, Low. Please?"

He didn't answer.

"Please?" I batted my eyelashes, even pouting my lip for additional effect.

He continued staring. Seconds passed, I stopped from pouting. I glared at him and grimaced hard.

"Fine. I'll just stay elsewhere." inirapan ko si Logan at kinuha ang travel bag na nasa sahig. Umirap pa ako ng isang beses bago naglakad para lampasan si Logan.

I started a countdown to five as I walked away from my cousin. It was on the number two when he finally stopped me.

"Fine." he groaned.

Ngumisi ako sa sarili ko at mabilis na humarap ulit sa kanya. Nilampasan ko siya at lumapit sa tapat ng pinto. Malalim ang simangot ni Logan habang ako naman ay malaki lang ang ngiti habang binubuksan niya ang pinto sa unit niya.

I thanked him with a smile before storming into the guest room. The room used to be his cousin's. Sa pinsan niya sa mother side dati ang condo unit. Logan bought it from his cousin and now the unit is his.

Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay bumagsak agad ang ngiti na nakaguhit sa labi ko. Napatulala ako sa kama at unti-unting sumandal sa pinto sa likuran ko.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!