Chapter Sixteen

29.1K 1K 133

"Who are you?"

Hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan and I was too stunned to give him a proper response.

Mukhang nainis siya sa hindi ko pagsagot dahil bigla siyang tumayo sa stool na inuupuan. Napalunok ako at nag-iisip ng kung anong dapat kong gawin. Should I face him? Or retreat?

He's a stranger kaya hindi tama para sa akin na manatili sa madilim na kwarto na kaming dalawa lang. Gustuhin ko man na tumakbo bago siya makalapit sa akin ay hindi ko naman magawa dahil hindi ko maigalaw ang dalawang binti ko. It's like I forgot how to damn walk.

Suminghap ako nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Napatulala ako sa mukha niya. Pinipilit kong makita ang itsura niya kaya hindi ko magawang alisin ang mga mata doon. Yun nga lang ay masyado pa ring madilim kaya halos silohuette lang ang nakikita ko.

"Who are you?" he asked for the second time. My entire body trembled at his voice. Mas malakas pala ang epekto ng boses niya kapag malapit.

"I..." napahinto ako at inisip kung tama ba na magpakilala sa kanya. I don't even know him. Dapat ay siya ang mauna. I shook away my curiosity. "I should ask you the same. Sino ka?"

"I asked you first." sabi nito. Hindi ko siya sinagot at hinintay na mauna siyang magpakilala. Iritadong nag buntong hininga siya. "I work here. Now, can you answer my question?"

"Oh. New hire? Kitchen staff or waiting staff?" sunod-sunod na tanong ko at ngayon naman ay ginaya niya ako at hindi sumagot. Napangiti ako dahil doon. "I'm Fallon. I sing here every Saturday nights."

"Patch!" sigaw ng isang boses mula sa di kalayuan. Kasabay ng sigaw na iyon ay ang pagbukas ng mga ilaw. Napapikit pa ako dahil sa biglang pagliwanag.

Nang magawa ko nang buksan ang mga mata ko ay isang lalaki nasa harapan ko at nakatingin din sa akin ang una kong nakita.

He was slightly towering over me but not tall enough for a guy, his complexion was fair and he has a lean body. He looked charming, the boy-next-door kind of type but once I saw his stormy gray eyes or eye, rather because his other one had a huge patch of amber—I was immediately breathless.

He was already glaring at me through his mismatched eyes but I couldn't stop staring at him. Gusto kong hawakan yung mata niya.

"Oh, Fall, nandito ka pala?" agad akong napalingon sa bumanggit ng pangalan ko. Tumama ang mga mata ko kay Eli na nakatayo at mukhang dumaan ng backdoor ng Harlow.

"Hey, Eli. Uh. Ayaw ko pa kasing umuwi kaya eto..." tumango si Eli sa naging sagot ko. Lumipat ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Napangiti siya at tumingin ulit sa akin.

"Nagkakilala na kayo ng pinsan ko?" tanong niya habang naglalakad papalapit sa amin.

Kumunot ang noo ko. "Pinsan?"

"Yup. This hideous guy here..." umakbay siya sa lalaki. "His name is Ambrose but we call him Patch because of..."

Inangat ni Eli ang kamay niya at itinuro ang sariling mata. Tinutukoy niya ang kakaibang kulay sa isang mata ng pinsan niya. Ngumiwi ito dahil doon at hinawi ang braso ni Eli. Tumawa naman si Eli sa naging reaksyon ng pinsan.

"Anyway, siya yung makakapalit ni Curt tuwing Saturday." paliwanag niya at tsaka ko lang naalala ang tungkol sa offer niya dati na tinanggihan ko. "Patch, this is Fallon. Siya yung may gig pagkatapos mo."

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!