Chapter Three

36.1K 1K 89

Another day with a raging headache. I've felt the same thing yesterday but I'm still not used at the horrible feeling. Inangat ko ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa gilid ng ulo para pigilan ang matinding pag kirot nito.

God. Hangover sucks.

I froze at the realization. Hung over. Then what happened yesterday and last night played inside my mind like some kind of flashback in a movie.

Naalala ko ang tungkol sa rejection na natanggap ko mula sa pangalawang record label, ang pagpunta namin sa isang house party, ang pag-aya ni Noelle na sumayaw, ang pag-alis ni Rio at ni Nikolai, ang pag dating ng police sa bahay, ang pag takbo ko, ang paghinto ko sa tapat ng isang sasakyan, ang pagsuka ko, at ang supladong lalaki... Suminghap ako.

Grant! That was his name. Nagpakilala ako sa kanya at matapos ay nawalan ng malay.

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. It looked like a man's room. The big closet, the desk, every furniture was black. The four walls were white while the curtains and the bed sheet were dark blue.

My eyes widened when I realized I was probably inside some stranger's room. Umupo ako agad at tiningnan ang katawan ko. Hinawi ko ang comforter na nakabalot sa akin at nakahinga nang maluwag nang makita na suot ko pa rin ang flannel at jeans na suot ko kahapon. I don't feel sore too. I sighed again. My virginity is safe. Thank God.

Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Tumama ang mga mata ko sa night stand sa gilid ng kama. Nakita ko doon ang phone ko. Inabot ko iyon para tingnan i-check ang oras. Paniguradong may messages at missed calls na ako mula sa kaibigan ko. At si Daddy pa! Shit! I'm so dead!

It was early. Quarter to seven. Napakagat ako ng labi nang makita ang sabog na notifications ko. Maraming text at tawag mula sa kaibigan ko. Si Noelle ang pinakamarami sa kanilang lahat. There were no calls from Dad but my cousin, Logan, sent me texts and I also missed a lot of calls from him.

Kinagat ko ang labi at nagmamadaling binuksan ang message application para mag send ng group message sa kanilang lahat.

Me:
Passed out at a friend's house last night. Sorry!

Tahimik sa buong kwarto. May isa pang pinto na sa tingin ko ay bathroom. Wala akong naririnig na tunog na kahit ano mula doon kaya sa tingin ko ay wala rin tao doon.

Inayos ko ang buhok at pinilit na i-diretso ang bahagyang lukot na damit. Walang salamin sa kwarto kaya hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. I tried to tame my bed hair as I walked towards the room's door.

My mouth tastes awful. Lasang-lasa ko doon ang alak na ininom ko kagabi. It was terrible. Gusto ko sanang mag banyo upang maghilamos, mouth wash, at umihi pero hindi sa akin ang kwartong ito. It feels wrong to do anything without permission.

Pagkalabas ko ay tumambad sa akin agad ang living room. Mula sa may limited space na living room. Sa set up pa lang ng buong lugar ay alam ko na agad na nasa isang condo unit ako. O di kaya ay sa isang apartment kung wala ako sa building. It was too small to be an average house.

"Uhh... Grant?" pag tawag ko sa walang katao-taong unit. Naghintay ako na may sumulpot kung saan o di kaya ay may sumagot ngunit walang nangyari. Napasimangot ako.

I'm alone? He left me? Why the hell would he leave a stranger alone in his condo?

Tumunog ang phone na hawak-hawak ko. Bumaba ang mga mata ko sa screen at nakita na si Logan ang tumatawag. Napangiwi ako. Paniguradong alam na niya hindi ako umuwi sa bahay kagabi ng walang paalam.

"Hello..." I hesitantly greeted him.

"Damn it, Fallon!" salubong sa akin ng pinsan ko. Imbis na mapangiwi o di kaya ay ma-guilty, natawa na lang ako sa bungad niya sa akin.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!