Chapter Eleven

34.5K 1K 149

Merry Christmas! 🎄
x

A tray with shooter glasses on top clanked on the table. The sudden movement snapped me out of my thoughts. Loud music blasted in my ears again and I was back to the present, which is lounging at one of the couches in an upscale club's VIP with my friends.

"Blow job with whipped cream on top for everyone!" ipinuwesto ni Maia ang baso sa tapat ng bawat isa. Rio cheered and quickly reached for hers to position it properly. Sumunod si Noelle kaya inayos ko na rin ang akin.

Tamad naman na kinuha ni Nikolai at Johan ang inumin nila. They don't like the drink. They think it's diminishing their manliness. Wala naman silang magagawa. Alam ng lahat na kaya rin pinili ni Maia iyon para inisin silang dalawa.

"To Fallon who kept on spacing out all night thinking about you know who, may she get wasted." Noelle proclaimed.

"To Fallon!" sigaw nila. Te guys lifted the glass and poured it in their mouth while Noelle, Rio, and Maia decided to drink it the proper way.

The three placed their arms behind them. They leaned towards the table and wrapped the top part of the shooter glass with their lips. They raised their body and tipped their head back to spill the liquor inside their mouth before taking the glass away.

Ngumiwi ako sa kanila pero nakisali din. Humiyaw sila Rio nang matapos ako sa pag-inom kaya napatawa ako.

"Let's dance!" aya ni Rio at matapos ay tumayo. Maia stood up to join her. Hinatak nila si Noelle na nasa tabi nila. Mabuti na lang at sa side ako nila Nikolai umupo kaya hindi nila ako mapipilit.

"Tara, Fall?" aya ng best friend ko. I wasn't in the mood to dance yet kaya tumanggi ako. Umirap silang tatlo sa akin bago tumuloy sa dance floor. Now I'm left with Nikolai and Johan.

Nikolai grabbed three bottles of Corona from the bucket that they ordered earlier. Walang kahirap-hirap na binuksan niya iyon isa-isa. Inabot niya ang unang nabuksan kay Johan para maiabot sa akin. I muttered my thanks, tipping the bottle at them before sipping from the rim.

"I couldn't help but over hear you girls talking about your De la Fuente a while ago. Something about him being in love with his cousin's wife?" Johan trailed and I brought down my bottle, scowling at him.

"I'm not going to talk about Grant with you." umirap ako sa kanya at inangat ulit ang bote para makainom.

"You don't want to know what I found out about him?" my hand stilled, the mouth of the bottle was frozen near my lips. I looked at him without any single emotion. A grin plastered on his face. He wiggled his eyebrows and I couldn't help but take the bait.

I sighed heavily and placed the bottle back on the table. "I wanna know, so tell me."

Johan laughed. He's amused. Sapat na sa kanya na matawa dahil naisahan niya ako sa pagkakataon na ito. "A block mate of mine has a sister who used to attend the same high school with the De la Fuente cousins. According to her, kapag may De la Fuente cousins—may Maxwell Yñarez."

Napaangat ang kilay ko sa pagkakabanggit ng pangalan ni Aphrodite. This only means the three of them go way back.

"You see, Maxwell used to be in love with Grant. Ang sabi, bata pa lang ay gusto na talaga ni Maxwell yung baby sitter mo. Unfortunately, Grant didn't want her then. But that didn't stop Maxwell from showing her affection. She's territorial. Majority of the students in her school didn't want to mess with her. First, because she's mean. And well, second, because she has Rush De la Fuente in her side and no one ever messes with Rush."

Ipinagpatuloy ni Johan ang pagpapaliwanag niya. Napag-alaman ko na magkaibigan na talaga ang pamilya nila, that's why the three used to be inseparable. It had always been Maxwell and the De la Fuentes.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!