Chapter Twenty-Three

34.6K 1.3K 198

Pagkabasa ng text ay hinanap agad ng mga mata ko si Grant sa paligid. He's here, right? His text depicts that he is. My beating heart turned loud every second.

Bahagyang nakauwang ang labi ko habang umiikot para lang mahanap kung saan nandoon si Grant. Nanigas ang buong katawan ko at nanlaki ang mga mata nang makita na siya sa wakas.

"What..." I said to myself and slowly walked towards him. Sinalubong naman niya ako at mabilis na lumapit sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahit na nasa harapan ko siya ngayon. Walang emosyon ang mukha niya habang ang mga mata niya naman ay nagbibigay ng malalamig na titig.

"You're really here." manghang-mangha na sabi ko. Napangiti ako ngunit agad din napawi at kumunot ang noo. "Why are you.."

"My cousin said I was being grumpy all day and made me take a leave for a few days."

Kumunot ang noo ko. "But you're always grumpy."

"He said I was sulking too." Grant said in an amused tone.

Hindi ko alam ang isasagot doon kaya napanguso na lang ako. "How did you know that we were here though?"

"Noelle..." sabi niya at lumampas ang tingin sa likuran ko.

"Surprise!" napalingon ako sa likuran nang marinig ang masayang boses ni Noelle. The rest of the group were behind me too.

"You told him?" nagtatakang tanong ko.

"You were sulking." kumibit balikat pa siya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Nilingon ko agad si Grant para makita ang reaksyon niya. Nagtaas ito ng kilay at kitang-kita ko ang pang-aasar sa mga mata niya. I frowned at him and he just smirked at me. Sa sobrang dalang ko na makakita ng facial expression sa kanya ay imbis na magalit, namangha pa ako.

"Kumain na ba kayo ng dinner?" Grant said it looking at me, then at my friends.

"Ay, oo, Grant. Pero kung lilibre mo kami, willing kaming kumain ulit." sabi ni Maia. Nakuha pang sumawsaw nila Johan at sumang-ayon. Napangiti na lang ako sa kakapalan ng mukha ng mga kaibigan ko.

"Alright." tumango si Grant na parang maliit na bagay lang ang pagpapalibre ng mga kaibigan ko. Sabagay, he's already earning.

Nag-aya na sila na naghanap na ng pwesto nang mag-announce na malapit na ang show. We finished the whole show, kumukuha ng litrato. Maingay kami ng mga kaibigan ko at puro kalokohan. Grant, on the other hand, was quietly sitting beside me the whole time.

Nang matapos ang show ay umalis na kami at pumunta sa malapit na restaurant sa Plaza para doon kumain. Grant let my friends order whatever they wanted. Habang hawak-hawak ang menu ay tumingin siya sa akin.

"What do you want to eat?" he asked.

Sumulyap ako sa menu at pinasadahan ang tingin sa mga pagkain. There's too many to choose from. Tiningnan ko muna siya bago sumagot. "Hindi ako makapili."

"I'll order for us." he quipped before looking back at the menu he was holding.

Past ten na nang matapos kaming kumain. Kanina pa kasi dapat sarado ang restaurant. Hinintay na lang kami ng mga staff na matapos. My friends looked completely satisfied as we walked out of the place. 

Noelle was holding her tummy, like it'd fall off if she'll dare let go. Si Rio naman ay nakangiti at parang iniisip pa rin ang mga kinain niya kanina. Maia's eyes were heavy, she looked like she could fall asleep any second. Johan and Nikolai just looked tired.

When I Chase (When #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!