"Kayo na lang."
"Pupuntahan ko si AJ."

Paliwanag ni Andrei. Napatuwid ng tayo si Emman at julius. Inalis ni Julius ang kamay nya sa balikat ni Emman maging si Emman ay ganun din ang ginawa. Sabay din silang nagpamulsa.

"Tara."
"Bisitahin muna natin si AJ bago tayo magpunta sa bar."

Suhestyon ni Julius kay Emman at Kinneth. Malawak na ngiti ang isinagot ni Emman samantalang nag kibit balikat lang si Kinneth.

"Tara na."
"Kung bibisitahin nyo si AJ."

Plain na saad ni Andrei. Naglakad na sya papunta sa pinto ng sasakyan nya. Sabay-sabay naman yung tatlo na pumunta sa kani-kanilang sasakyan.

Nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan nila ay unang pinaharurot ni Andrei ang kanya. Sinundan yun ni kinneth tapos ay si Emman at pinakahuli ang sasakyan ni Julius.

Habang nagdadrive si Andrei ay kinuha nya ang phone nya sa loob ng bag nya.

"I'm on my way.---Drei"

Text ni Andrei kay AJ. Matapos isend yun ay binalik na nya sa loob ng bag ang phone nya. Nagfocus ulit sya sa pagmamaneho.

Medyo nagtagal sila dahil naipit sila sa traffic.

Malapit na sila andrei sa bahay nina AJ ng marinig ni Andrei na tumunog ang phone nya. Mabilis na kinuha ni Andrei ang phone  sa loob ng bag nya.

"Bruha. San ka na?---Joanna"

Napaangat ang gilid na labi ni Andrei ng mabasa nya ang text ni AJ sa kanya. Inikot nya din ang mata nya.

Nagtype na si Andrei ng reply nya kay AJ.

"Malapit na po.---Drei"

Nang masend nya na ang text, ibinalik nya na ulit sa loob ng bag ang phone nya.

Ilang minuto lang ay narating na nina andrei ang bahay nina AJ.

Magkakasunod nilang pinark ang kotse nila sa labas ng bahay nina AJ. Unang bumaba si Andrei, sumunod ay si kinneth, tapos si Emman at si Julius.

Nagdoorbell na si Andrei sa gate. Tumabi sa kanya si Kinneth, Emman at julius.

"Excited? AM?"

Biro ni Emman kay Andrei. Masamang tiningnan ni Andrei si Emman.

"Shut up."

Malutong na saad ni Andrei. Napaatras ng konti si Emman palikod. Tinapik-tapik ni Julius ang likod ni Emman. Inakbayan naman ni Kinneth si Andrei.

"Chill."

Kalmadong saad ni Kinneth. Nilingon ni Andrei si Kinneth.

Bumukas ang gate at bumungad ang isang katulong sa kanila.

"Ser Andrei kayo po pala."
"Pasok po kayo."
"Nasa may sala po si Mam joanna."

Wika ng katulong habang binubukas ng maluwang ang gate.

"Sige po."
"Salamat po."

Pasalamat ni Andrei sa katulong bago ito pumasok. Kasabay nya si Kinneth habang nasa likod nila si Emman at Julius.

Tinatahak nila ang garden. May pathway doon papunta sa pinto ng bahay nina AJ. May fountain sa may garden. Nakapwesto yun sa may gitna ng garden. Malawak ang garden nina AJ. Sa may gilid ng bahay naman makikita ang swimming pool. May sliding door doon na nagkokonekta sa living room nila.

Nasa tapat na ng pinto sina andrei. Nagkatinginan sila sa isa't-isa ng may marinig silang nagtatawanan sa loob ng bahay.

"May ibang bisita si AJ. Bro."
"Wrong timing."

My Dream GayWhere stories live. Discover now