Pagbibiro ni Emman. Tumawa pa ito. Tinitigan naman ni kinneth si Andrei na nakayuko habang naglalakad.

"Manahimik na lang kayo."
"Alam nyo kung pano magalit yang si AM."
"Makisama kayo kung ayaw nyong mabura sa mundo."

Tumahimik si Emman at Julius dahil sa sinabi ni Kinneth. Di lang halata kay Andrei pero nakakatakot talaga sya pag galit. Kahit na hindi sya tunay na lalaki, tunay na nakakatakot sya pag wala sa mood. At dahil nga sa nangyari kay AJ at sa gumugulo sa utak nya, kaya naging mainit ang kanyang ulo.

"Let's play."

Lumingon si Andrei sa tatlo ng makarating sila sa court. Napahinto sina Emman. Naibaba na din ni Julius ang kanyang kamay na nakaakbay kina emman at kinneth.

"Sure."
"Kung dyan lalamig ang ulo mo."

Birong sagot ni Emman. Siniko sya ni Julius sa tagiliran.

"Sige bro."
"Magbihis na tayo."

Sabat ni julius. Naglakad si Julius papunta kay andrei. Inakbayan nya ito at sinabayang maglakad papunta sa locker para makapagbihis.

"Binalaan na kita."
"Bahala ka na."

Saad ni Kinneth kay Emman. Sumunod na ito kina julius sa locker room.

"Ano bang ginawa ko?"

Sigaw na tanong ni Emman. Umiiling na sumunod sya kay kinneth.

Mabilis lang silang nagpalit ng jersey nila. Magkasama si Emman at Julius habang si Kinneth at Andrei naman ang magkasama.

---

Burong-buro na ako sa kwarto ko.

Usal ni AJ sa kanyang utak. Nakahiga sya sa kanyang kama at nakatitig lang sa kisame ng kwarto nya.

"Tok Tok Tok Tok"

Napatingin si AJ sa pinto ng may kumatok.

"Miss Joanna."
"Eto na po ang pananghalian nyo."

Unti-unting bumubukas ang pinto. Dala-dala ng isang katulong ang tray na may lamang steamed rice, chopsoy, porkchop, saging at isang basong juice at tubig. Meron ding nakalagay na gamot. Gamot para sa sprain ni AJ para hindi sumakit yun.

"Dapat po tinawag nyo na lang ako."
"Sa baba na lang po ako kumain."

Saad ni AJ sa katulong habang binababa nung katulong ang pagkain sa may side table.

"Naku po mam."
"Kabilin-bilinan po nina ser ito."

Paliwanag nung katulong. Umayos naman ng upo si AJ. Isinandal nya ang kanyang ulo sa headboard.

"Sige po."
"Salamat po."

Inilagay na nung katulong ang tray sa harapan ni AJ para makakain na ito.

"Tawagin ko na lang po kayo pag tapos na po akong kumain."

Magalang na saad ni AJ. Tumango lang ang katulong.

Nagsimula lang si AJ na kumain ng lumabas ng ang katulong sa kwarto nya.

Habang abala si AJ sa pagkain. Abala naman ang prince 4 sa paglalaro. Mainit na ang laban. Lamang sina Andrei ng limang puntos. Labing walo ang score nina andrei at kinneth samantalang labing tatlo palang ang kina Emman at Julius.

"Tang**na. Emmanuel."
"Umayos ka."
"Ang pabebe mo."

Inis na saad ni Julius. Di sila makapuntos. Laging naaagaw nina andrei at kinneth ang bola.

"Ikaw ang umayos dyan."
"Ang lamya mo."
"Bakla ka ba?"

Sagot naman ni Emman. Magkaharapan sila ni Julius. Hawak naman ni andrei ang bola. Nakalagay naman ang kamay ni kinneth sa kanyang bewang at mariin na pinagmamasdan lang ang dalawa na nagtatalo.

My Dream GayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin