"Salamat Kuya. Sobrang salamat."

Alden took his car keys and locked the gate before leaving. It was a good thing that their Kuya Jose was living only a few blocks from their house and helps whenever he needs him. He saw his Kuya Jose standing under the lamp post and he immediately reached the door and opened it.

"Kung di ko lang talaga mahal 'yang si Menggay di kita sasamahan maghanap ng durian ngayon."

"Buti nga Kuya nakabalik ka na e. Nahihiya na nga ko sa inyo ni Kuya Wally pag binubulabog ko kayo ng ganitong madaling araw para humingi ng tulong."

"Ano ka ba wala yun. Tsaka masaya kami na nakakatulong kami sa inyo. O siya diretsuhin mo lang yan at lumiko ka pakanan sa pinakadulo. Sana e bukas pa yung palengke dun."

"Sige Kuya." Alden continued driving and followed Jose's directions.

"Kamusta naman ang buhay mag-asawa?"

Alden smiled before answering. "Ang saya sobra Kuya. Syempre may mga times na mahirap, lalo na pag ganito na naglilihi si Meng at palaging nagtatantrums. Pero okay lang kasi kahit anong hirap pa yung maranasan ko, basta pagdilat ko sa umaga na yung mukha nya yung makikita ko, solve na ko."

"Tapos Kuya andami kong natutuklasang mga bagong bagay pa sa kanya. Akala ko kasi nun kilalang kilala ko na sya e. Pero di pa pala. At sa lahat ng mga bagong bagay na nadidiskubre ko sa kanya, mas lalo akong nahuhulog."

"Mukha nga e. Ang saya saya nyo tignan. Sobrang masaya kami para sa inyo."

"Hanggang ngayon nga di ko maisip na in less than 4 months, may little Alden o little Maine na kami. Naeexcite na ko sobra Kuya. Nung isang araw nga pinagalitan ako ni Meng kasi bumili na naman daw ako ng gamit e wala pa yung bata punong puno na yung kwarto nya. Sabi ko para naman sa anak namin yun e. Kahit bilhin ko pa yung buong toy store kung yun yung gusto nya, gagawin ko."

"Naku si Tatay Richard excited na excited na. Hahahaha. Enjoyin nyo lang ni Meng yung mga nangyayari sa inyo. Pag may pagkakatampuhan, ayusin agad. Panatilihin nyong masaya at makulay yung pagsasama nyong dalawa. At.. sundan nyo agad yung panganay ha!"

"Kuya Jose naman di pa nga lumalabas susundan na? Hahahaha. Ay teka eto na ba yun?"

"Oo yan na nga. Sige na bumili ka na dun ng makauwi na tayo at mapakain mo na yan sa asawa mo."

"Sige Kuya wait lang."

Bumaba si Alden at lumapit sa tindera. Mukha namang nagulat ang tindera at di inaasahang makita sya kaya nginitian nya nalang ito.

"Hello po Nay! Bibili lang po ako ng durian. Meron po ba kayo?"

"Ay oo hijo meron. Pumili ka nalang."

"Pwede pong kayo na yung mamili? Yung tiyak na magugustuhan po ng asawa ko. Naglilihi po kasi."

"Ay sige ipagbabalot na kita. Naku matatamis ito. Tiyak magugustuhan ng asawa mo."

"Ay salamat po. Eto po yung bayad." Binayaran ni Alden ang pinamili at bumalik na sa sasakyan.

"Naku Alden wag mong matabi-tabi sakin yan at baka magkapalit pa kami ng mukha."

"Kuya Jose talaga." Nilagay ni Alden sa likod yung durian para di mangamoy sa sasakyan nya.

"Wag mo ilalagay sa ref at baka di magustuhan ng asawa mo yung amoy."

"Sige Kuya." Alden started driving back.

"Ibaba mo nalang ako sa may kanto ulit ha."

"Copy!"

Ilang minuto lang at nakabalik na sila. Binaba na nya si Jose sa kanto nila at nagpaalam.

"O mamayang hapon dadaanan ko kamo si Meng ha."

"Sige Kuya sabihin ko lutuan ka ng paborito mong meryenda."

"Biko ha?" Pang-aasar ni Jose na agad nyang binawi. "Joke lang. Sige mag-ingat ka!"

Kumaway din si Alden at nagdrive pabalik. Pagdating sa bahay hinanda nya na yung durian at bumalik sa kwarto. Nakita nya si Maine na naglalaro ng iPad.

"May nabili ka?"

"Oo naman. Matitiis ko ba naman kayo ni baby?"

"Salamat Mahal!" Binitawan ni Maine yung iPad at niyakap si Alden. Kinuha nya yung durian at nagsimulang kumain.

"Ayan baby hinanapan tayo ng Tatay mo ng gusto mong pagkain. Thank you ka nga kay Tatay?"

Seconds later, Maine felt her baby moved on her tummy.

"Oh my God, Mahal sumipa yung anak mo! Naramdaman ko! Oh my God!"

"Talaga?" Alden placed a hand on her tummy and felt the baby moved again. Naluha naman sya agad sa nangyari.

"Shit. Oo nga. Baby? Naririnig mo ba ang Tatay? Love mo ba kami ng Nanay?"

Alden and Maine felt another movement from her tummy that teared the both of them. Alden kissed her tummy and Maine's forehead as he wiped the tears of his wife.

"Love, thank you for letting me experience this wonderful things with you."

"Salamat din Alden. For staying. For loving me. For loving us. Sobrang thank you sa pagtitiyaga mo sakin."

"Anything for you Mahal. I love you and our baby. Ikaw at ako, tayong dalawa.. Kasama ng mga magiging anak natin. Mahal na mahal ko kayo."

"Mahal din kita Faulkerson. Ikaw at ako, at ang magiging mga anak natin."

Behind The CamerasWhere stories live. Discover now