Umupo si AJ sa hagdan at dahan-dahan syang bumaba. Inaalalayan nya din ang paa nyang may cast. Mahirap na.

"What are you doing?"

Napaangat ng tingin si AJ ng may magsalita sa harap nya.

"Bumaba ng hagdan? Obvious di ba?"

Sarkastikong sagot ni AJ kay Andrei. Napagdesisyunan muna ni Andrei na bumisita kina AJ para tingnan ang kalagayan nito. Sabi naman daw ng kaibigan nya ay maaga pa sya para pumunta ng school.

"Nangiinis ka ba?"
"Ang aga-aga joanna."

Saad ni andrei habang dahan-dahan na inaalalayan si AJ na makatayo para mabuhat nya ito.

"Nagtatanong ka, kaya sinagot ko."
"Mali ba ang sagot ko? O mali ang tanong mo?"

Seryosong sagot ni AJ. Nakatingin ito sa mukha ng kaibigan kaya kitang-kita nya kung paano sya ikutan ng mata nito.

"Nevermind."

Maikling sagot ni Andrei. Wala namang dahilan para magsagutan pa sila ng kaibigan nyang injured.

"Dining room"

Saad ni AJ kay Andrei. Gutom na gutom na sya. Nagwawala na ang mga bulate nya sa tyan.

Habang patungo sila sa dining area ay naririnig na nila ang boses ng magulang at kapatid ni AJ.

"Bat ka nga pala andito?"
"Di ba may pasok ka pa."

Di napigilan ni AJ na itanong yun. Napatingin naman si Andrei kay AJ.

"Priority first."
"My queen."

Seryosong sagot ni Andrei. Inilapit nya pa ng konti ang mukha nya sa mukha ni AJ. Di napigilan ni AJ na pamulahan ng pisngi.

"Puro ka kalokohan."

Iniwas ni AJ ang mata nya sa titig ni Andrei. Dinig nya ang mahinang pagtawa ni Andrei pero dahil nga sa namumula ang mukha nya kaya di nya magawang tingnan ito.

"Nagustuhan mo naman?"

Birong tanong ni Andrei. Napa"tsked" na lang si AJ habang sa malayo pa din nakatingin.

"Oh anak"
"Gising ka na pala."
"Bat di mo kami tinawag."

Bungad na tanong ng ina ni AJ. Maingat na iniupo ni Andrei si AJ sa upuan nito.

"Good morning po."

Bati ni AJ. Tumayo lang si Andrei sa likod ng upuan ni AJ.

"Good morning po tita, tito, jacob."

Bati din ni Andrei na nilingon nya ang mga ito isa-isa. Tumango lang sila kay andrei.

"Sabayan mo kaming kumain ng breakfast."
"Hijo."

Saad ng ina nina AJ. Napangiti si Andrei. Ipinatong nya ang dalawang kamay sa balikat ni AJ. Napasinghap si AJ dahil doon. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan nya. Di rin sya makagalaw. Bigla syang kinabahan.

"Hindi na po tita."
"Chineck ko lang po si joanna."
"Papasok na din po ako sa school."

Hinahaplos pa ni Andrei ang balikat ni AJ habang sinasabi yun. Di naman mapigilan ng magulang at kapatid ni AJ na tingnan yun.

Ang manly ng boses nya. Ang sarap pakinggan.

Sambit ni AJ sa utak. Nawala na sa isip nya ang kamay ni Andrei na nasa balikat nya. Nakatuon na ang isip nya sa boses ng kanyang bestfriend.

"Joanna."
"I'll be back later after school."
"Just wait for me."
"Take care of your self."

Pumantay si Andrei kay AJ at tinitigan nya ito sa mga mata. Napatulala na lang si AJ. Wala sa isip na napatango sya. Napangiti naman si Andrei sa naging reaksyon ni AJ.

My Dream GayWhere stories live. Discover now