Saktong pagkatapos ng pagkikwento ni Andrei ay handa na ang hapunan. Doon na sya pinakain ng magulang ni AJ. Habang kumakain ay di mapigilan ni Andrei na mahiya. Nahihiya sya sa pamilya ng bestfriend nya dahil nga sa nangyari.

Habang kinukwento kanina ni Andrei ang buong nangyari kay AJ ay grabe ang galit ni Jacob. Nagulat si Andrei dahil sa pinakitang pagkagalit ni Jacob. First time nyang makita ang kapatid ni AJ na galit na galit ng ganun. Buti at naging mahinahon ang magulang ni AJ habang nagkikwento si andrei. Pero kahit ganun makikita pa din sa mga mukha nila ang pagaalala at galit. Anak nila ang nasaktan kaya normal lang yun.

"Thank you po sa dinner. Tita. Tito."
"Alis na po ako."

Paalam ni Andrei.  Nasa living room ulit sila. Tumayo na sya at tumalikod. Ihahakbang na sana ni Andrei ang paa nya ng biglang tawagin sya ng ama ni AJ. Humarap muli si Andrei sa magulang ni AJ. Nakamasid lang si Jacob habang nakaupo sa sofa.

"Yes po. Tito."

Saad ni Andrei. Lumapit ang ama ni AJ kay andrei at hinawakan ito sa balikat.

"I heard you sa ospital."
"At botong-boto ako sayo para sa anak ko."
"Take care of my daughter."
"Love her."

Diretsong nakatingin sa mga mata ni Andrei ang ama ni AJ. Damang-dama nya ang sinabi nito.

"I will. Tito."

Lalaking-lalaking saad nya. Napangiti naman ang ama ni AJ sa sinabi nya.

"Thank you."

Pasalamat pa ng ama ni AJ. Tumango lang ng konti si Andrei.

"Sige po."
"Good night po."

Paalam muli ni Andrei. Tumalikod muli sya at nagdiretso na sa pinto palabas.

Bubuksan na nya sana ang pinto ng kotse nya ng marinig nyang tawagin sya ni Jacob."Kuya Andrei."Nilingon nya ito.

"Make sure that those girls will suffer."

Seryosong saad ni Jacob. Maaaninag sa mata ni Jacob ang galit.

"You really love your sister. Huh??"
"I'll promise."
"I'll make them suffer. Don't worry."

Ipinatong ni Andrei ang kanyang kamay sa ulo ni Jacob tapos ay ginulo nya ang buhok nito. Inis na iniiwas ni Jacob ang ulo nya at sinamaan ng tingin si Andrei.

"Tsked!!"
"Pareho kayo ni ate."
"Ang hilig nyong guluhin ang buhok ko."
"Bagay na bagay nga kayo."

May inis sa boses ni Jacob. Ayaw na ayaw nya talagang ginugulo ang buhok nya. Tumalikod na si jacob kay andrei pero agad din namang napaharap muli si Jacob.

"You love her too. Right? Kuya andrei?"

Tumataas baba ang kilay ni jacob habang sinasabi yun. May pilyong ngiti din na nakaguhit sa mukha nya

"Tsked!!"

Na lang ang nasabi ni Andrei bago ipaling ang ulo sa may gilid.

"Take care of my ate. Kuya."
"Di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo pag pinaiyak mo ang ate ko."

Napalingon si Andrei muli kay Jacob. Seryosong-seryoso ang boses nito. Ang kaninang pilyong ngiti ni Jacob ay napaltan ng seryosong  mukha.

"I will. Jacob."
"I promise."

Tinapik pa ni andrei ang balikat ni Jacob. Napangiti naman si jacob dahil sa sinabi ni Andrei. Tumango muna ito kay andrei  bago umalis at pumasok sa loob ng bahay.

Pumasok na sa loob ng kotse nya si Andrei. Napahawak sya ng mahigpit sa manibela.

"I will. Jacob."
"I promise."

My Dream GayWhere stories live. Discover now