CHAPTER 1 Ang dalawang Kumag

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi porke panglalaki ang pangalan ko, hindi na applicable sa babae. Sisihin niyo ang magaling kong ama sa pagpapangalan sakin ng EUGENE. Dakilang fan naman kasi ng Ghost Fighter si Daddy kaya naman napagtripan niyang gawing detective ako ng kabilang buhay na nagrereygun.Buti pa nga ang kapatid ko eh, EDWARD ang pangalan. 

Nagpunta na ako sa next stop para matapos natong trahedyang to sa buhay ko. May nakita akong matangkad na lalaki na abalang nag-aayos ng mga files kaya naman i approached him.

"Excuse me, She told me that I need to go here." sabay turo ko dun sa engot na babae.

"Naku miss, cut off na kami today eh. May pupuntahan pa kasi ako, balik ka nalang bukas ah. Wala na kasing mag-aasikaso ngayon eh nagmamadali talaga ako." 

SERIOUSLY?! Gusto mong patayin na kita ngayon!? Nabulok na nga ako dito maghapon, ganito lang ang aabutin ko?! Hinabol ko ang lalaking iyon. Nawala na kasi sa paningin ko at mukhang nagmamadali nga. Tss. 

"Hey! Come back here! LECHE!"

Hindi man lang lumingon ang bwisit na lalaki. Parang wala siyang tenga at dinedma pa ako. Bwisit talaga! Leche, hindi ako natutuwa sa kanya! Again, hinabol ko ulit siya at this time hinila ko na ang t-shirt niya.

"How dare you ignore me just like that!? Hindi mo ba alam kung ano ang pinagdaanan ko today dahil lang sa napakabagal niyong enrollment! Long hours!! Long hours!! Tapos madidinig ko nalang from you eh "bukas na lang ulit?" Bobo kaba?! Do your job!"

Tungayaw na ako ng tungayaw dun. Kung kanina may sinasabi pa akong hiya sa katawan ko, pwes ngayon eh wala na! Galit na galit na talaga ako and I can't take this anymore! 

"Miss pwede ba?! Its getting late at may personal business din naman ako. In fact hindi naman namin kasalanan na naghintay ka ng napakatagal. You should've known na madaming pumipila for enrollment kaya naman dapat maaga kang dumating at pumila para mauna ka. Tsaka, please nakakaeskandalo kana, babago bago ka palang dito tapos ganyan na agad ang ugaling ipapakita mo?! Nakakahiya! Tabi nga dyan!" 

Tinabig ako ng bwisit na lalaki. Hindi na bwisit dahil kinamumuhian ko na siya! Ang kapal at ang tigas ng pagmumukha ng hayop!He should pay for this! Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga dakilang usisero dahil sa kanya! I'll get my revenge next time!!

Dahil sa mainit ang ulo ko, tinext ko ang bestfriend kong si Andrew na magkita kami sa park. Hindi sa kailangan ko ng mapagbubuntunan eh kasi siya lang naman ang taong hinding hindi ako hinuhusgahan.Well,minsan siguro pero pabiro naman eh. Subukan niya lang!Makakatikim siya!

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon