Epilogue

4.3K 112 8
                                    

———

Unti unti syang bumaba sa semento.. konting pag galaw lang ng pakpak nya malakas na hangin na agad ang lumalabas dito. Nakatingin lang kami sa kanya na manghang mangha.

Unti unti ng nag kakalaman ang katawan nya. Halos bumalik na din sa dati ang katawan nya at ang mukha naman nya ay nag karoon na din ng laman. Hanggang sa maka apak na sya sa semento kasabay nito ang pag dilat ng kanyang mga mata.. ang abo nyang mga mata...

Natihimik lang ang lahat.. gulat at pag kamangha ang bumabalot samin ngayon....

Nakatingin lang sya samin at unti unting nawala ang pakpak nya.. pag tataka ang nakaguhit sa mukha nya at saya ang nakalagay sa mata nya..





"What happened?" Sa sinabi nyang yun, as if on cue.. nag sitakbo ang mga kasamahan ko papunta sa kanya at inambaan sya ng yakap. Kami lang ni Gabriel ang naiwan at pinag mamasdan sila.

Lumapit sya sakin at tinapik ang balikat ko. "Congrats bro.. pero paalala lang. Medyo mahihirapan yan sa pag balik ng kakayahan nya. Lalo na at isa na syang bampira. At iba na ang dugong dumadaloy sa katawan nya. Dugong bampira..." pag kasabi nya nun lumapit din sya sa kanila at nag hiwa hiwalay naman sila.

Nakita ko kung pano ngumiti si Ran.. "We meet again Riel."

"Sabi nga nila.. matagal mamatay ang masamang damo." Sinamaan sya ni Ran ng tingin kaya natawa kami. Niyakap sya ni Gab at may binulong na rinig ko naman dahil sa vampire ako.

"Enjoy with him.. I want boy this time.." pinamulahan ako ng pisnge sa sinabi nya maging si Ran pero bago ko pa mabato ng yelo si Gab nawala na sya kasabay ng pag sara ng isang portal.

Napailing nalang ako sa nangyari. Katahimikan nanaman ang bumalot samin at nag katitigan kami ni Ran. Nakatingin lang din samin ang iba.

"Aren't you gonna hug me?" I smirked upon hearing what she said. Bossy as always. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Ginantihan naman nya ko ng yakap. "Miss me ey?"

"Hmm.." katahimikan nanaman ang bumalot samin. Naiiyak ako pero ayokong umiyak dahil gusto kong maging masaya kami ngayon.

"It's ok.." hinagod nya ang likod ko kasabay nun ang pag tulo ng luha ko.

"GROUP HUG!!" sigaw ni Cain at niyakap nga kami ng tropa.. ang saya.. sobrang saya...

————

2 years later....

"Kanina ka pa! Babangasan na kita bro pag hindi ka pa tumigil jan!!" Sigaw sakin ni Lyndon kaya naman nakataggap sya ng kutos sakin.

"Tama na nga yan! Nag bago lang ang isip ni Walker kaya hindi na tuloy!" Hahagisan ko sana ng yelo sa bunganga si Chani pero agad nyang hinarang ang anak nya sa harapan nya. "Tangina! May bata akong hawak!!" Tumawa naman sila pero nakatanggap sya ng suntok sa asawa nya.

"Mura pa! Nasa simbahan tayo! Gunggong!" Sigaw sa kanya ni Aiwa.

"Ang ingay naman!!" Sabi ni Chase na halatang kakagising lang. Sa altar pa talaga sya nakatulog ha!

"Hoy! Dito ka nga! Ang likot mo!" Sigaw sa kanya ni Charlot.

"Naku! Miss naman agad ako ng bebe ko!" Sabi nya at agad na tumakbo sa tabi ni Charlot.

"Gago! Anong bebe? Hindi bibe ang baby ko!" Sabay batok sa kanya ni Lyndon.

"Tarando! Hindi na baby si Charlot!" Sabay kutos sa kanya ni Chase.

"Kingina nyo! Hindi ba kayo titigil ha!?" Sigaw ni Charlot kaya naman napatahimik sila.

Si Nam naman at Cain natahimik lang habang nilalaro ang anak nila. Tuwang tuwa si Cain kaya naman ganyan yan. Si Nathan naman ayun, nag babasa sa may altar. Si Lace katabi ko, shempre.. hahaha

"Kinakabahan ka no?" Tanong nya sakin. Agad naman akong umiling.

"Tangina! Natatakot ako!" Sa sinabi kong yun napatawa naman sya agad.

"Bro, payo lang! Hindi sweet yang si Ran. Hahaha" 

Mag sasalita pa sana ako pero may nag bukas na ng pintuan ng simbahan. As usual, kami kami lang din ulit. Kasama ang mga magulang namin.

Nakita ko naman na nag simula ng mag lakad ang mga abay. Si Zyrus at Luke. Sila Miss. Krishna, Sir. Dawn, Miss. Kyla. At ang iba pa. Nang makita ko na sila mom lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Kasunod nun ang babaeng nag pagulo, nag kulay at nagbuhay sa walang kwenta kong mundo.

Nakita ko kung pano sya ngumiti sa mga kaibigan namin. Nakita ko kung pano sya tumawa sa sinasabi ni Tito Hades.

Nang tuluyan naman na silang makalapit samin inabot na sakin ni Tito Hades ang kamay ni Ran.

"Pangalagaan mo ang prinsesa namin.. Woodsen.. I trust you.." napangiti ako sa sinabing yun ni Tito.

"I will.." iniwan na kami ni tito at nag titigan kami ni Ran. Nginitian nya ko kaya naman nginitian ko na din sya. Iba na talaga ang aura nya. Mas nakakaindimidate dahil sa lalong lumamig ang mga titig nya. Isa na syang bampira.. what do you expect?

"Hoy!! Mag ngingitian nalang ba kayo jan? Umiiyak na tong anak nyo!!" Napailing nalang ako sa sigaw nayun ni Harley. Buhat nya kasi ang dalawa naming anak.

Oo, nag karoon ulit kami ng anak.. lalake naman. Sobrang saya ko ng malaman kong lalake iyun. Ryu Zoey Walker Woodsen... Dalawang taon na ang lalake namin at si Zone naman Tatlong taon na. Masaya na kami. Pero pinilit lang kami ni Mommy Lyn na mag pakasal. Tutal naman daw iba na ang dugo ni Ran, pwede na kami. Legal na kami kahit na mag kakambal ang ina namin.

Why not diba? Masaya naman... mas lalo pang sasaya lalo na at normal na ang lahat.

At ngayon, magiging legal na kami.. magiging tunay na KAMI na ng babaeng dati ko pa pinapangarap.. isang salita nalang. Isang salita ang makapag papatunay na kami na talaga....




"I do...."

———

The End.....

I'm still thinkng to do a story for their daughter and son.. sana sipagin hahaha. Thank you Sheranian....

You're a certifide Sheranian...  😘😘😘😘

사랑해 ... ㅋㅋ

Shera High (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora