Chapter 36 : Lady with a Mask

3.5K 117 1
                                    


--

"Sigurado ba kayong dito ang tamang daan?"

"Sa kaliwa kasi!"

"Tangna men, di ka na ba sanay mag basa ng map?"

"Nababasa ba'y map?"

"Ulol, manahimik nga kayo!"

"Di ka lang kasi marunong."

"O di yan! Ikaw na mag basa!"

"Mag plus nga di ako sanay mag basa pa kaya!."

"Tanga mo naman."

"Is that a compliment? Thank you."

"Sa kanan kasi."

"WAAAHHHH!!" Napasigaw kami ng madaanan nanaman namin ang mga paniki. Third time... naliligaw na talaga kami. This is the third time we saw the group of bats. Ang dami nila!

"Ayan nanaman ang mga paniki na yan! Nadaan na tayo dito eh!!" Sigaw ni Cain.

"Sabi ko kasi sa inyo kanan na tayo! Kaliwa kayo ng kaliwa dyan!"

"Ako ba men? Si Lyndon kaya!"

"Aba bakit ako sinisi nyo? Yung map ang may kasalanan." Napa irap nalang ako. Ang ingay nila. Kanina pa yang mga yan. Kung may mga tao lang dito malamang kanina pa kami nasigawan na mag patulog naman kami. 1 na ng umaga at wala pa kaming tulog. Tas kanina pa kami lakad ng lakad dahil nakikita sa map na nasa Shera pa rin kami. Iyun yung map na binigay ng isang lalake kay Luke.

"Tanga talaga nito. Sya nag babasa ng Map eh!" Bulong ni Lace pero narinig ko naman.

"May sinasabi ka Lace?" Pang aasar ni Cain. Matalas nga pala pandinig nito.

"Wala!" Sabi nya. Tiningnan naman ni Lyndon ng masama si Lace.

Napailing ako sa mga kasamahan ko. Mga gunggong. Wala kaming mararating kung sila ang hahawak ng map. Kaya kinuha ko nalang sa kamay ni Lyndon ang map. Hindi naman na sya nag reklamo. Tiningnan ko ang mapa at napansin na kahit nag lalakad kami wala yung footprints namin. Nasan na?

Nag tatalon ako at pinadyak pandyak ang paa ko kaso wala parin.

"Ano ginagawa mo men?"

"Lace may pagkain ka? Gutom na yan."

"Baka nabaliw na sa kagwapuhan ko?"

"Mahiya ka men. Ang sagwa."

"Anong sabi mo?"

Di ko na pinansin ang mga sinabi nila at pinakiramdaman ang paligid. Something wrong. Pumikit ako at mas naramdaman ko ang mga presense sa paligid ko. Shit! Wala kami sa Shera!

"Gwapo ako. Perio-"

"Shhh." Napatingin sakin ang tatlo. Ramdam ko ang mga nakatingin samin. Ang dami nila. Naramdaman ko ang isang tao na malapit samin. Nasa likod ng puno sa gilid lang namin. Nag mulat ako ng mata "Venator!" Kinuha ko ang sword ko sa bewang ko at ginawang Bow. Agad na lumabas ang isang lalake sa gilid namin at pinatamaan ko ng pana ang dibdib nya.

"Shit!"

"Ow men, di ko sila naramdaman!"

"Pano your too busy arguing with Lace!"

Umayos na sila at nilabas ang mga weapons nila. Si Lace nag labas ng axe. San galing yun? Yung dalawa naman napansin kong may hawak na silang baril sa mag kabilang kamay nila. Sumugod ang mga Venator samin kaya nag pakawala kami ng bala. Shit naman oh.

Shera High (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن