Chapter 9 : Reunion With the Two Golden

2.7K 77 0
                                    

---

"Wala sakin ang crest Shaw. Nakuha ni Arthur yun ng nangyari ang war. Hindi ko na yun hinanap pa dahil akala ko hindi na yun mahalaga. Pero iyun ang dahilan kung bakit sumasakit ang likod mo. Without the crest, manghihina ka. Sa crest ka kumukuha ng lakas. At oras na hindi iyun mabalik agad. Mababaliwala ang pag kapanalo natin nung war."

Nakatakas si Arthur kanina. Nakarating kami kay kuya nun kaso wala na si Arthur maging ang mga alalay nya. Si kuya naabutan naming nakahandusay na sa sahig ng gubat walang malay at duguan. Kakagising lang nya at ito agad ang binugad nya. Alam na pala nya na bumalik na ang ala ala ko.

"Mag pahinga ka na muna kuya. Tsaka mo na isipin yan." Tumayo na ko sa gilid ng kama nya at lumabas sa kwarto nya dito sa hospital ng Shera.

Iniwan ko na muna sa loob sila Nam. Sila Zero, Lace, Cain and Lyndon maging ang kambal naman kanina pa wala.

Nag lakad lakad ako sa loob ng academy ng maisipan kong umakyat sa rooftop.

Bakit ba naalala ko pa? Mas maganda pa sigurong hindi ko naalala ang lahat. Mas walang problema.

"What's with the long face?" Tiningnan ko ang nasa likod ko at nakita si Lace na papalapit. Napangiti naman ako ng makita sya.

"Sorry." Walang ano ano tumulo ang luha ko. Nakatingin lang sya sakin. Di ko alam kung anong iniisip nya dahil nakatulala lang talaga sya sakin. Maya maya pa nag lakad sya at ng nasa harapan ko na sya hinawakan nya ang mag kabilang pisnge ko.

"Tell me, what the twins and Harley do to you?" Napakunot naman ang noo ko dahilan para tumawa sya at pinunasan ang luha ko. "Your not the type of girl na basta basta nalang iiyak. Your a strong one. Brave one."

"Eh bat ikaw? English ka ng english?" Lalo naman syang napatawa sa sinabi ko.

"Sorry, lumebel up na ko eh."

"Ikaw lang ba? Pati kaya ako."

"Mas malala ka sa pag level up eh hahaha." Sinuntok ko nalang sya sa balikat at niyakap.

"Namiss talaga kita tol." Naramdaman ko naman ang pag yakap din nya sakin.

"Wag ka ng mananakot ng ganun ha!" Banta nya.

"Oo na po. Promise!!" Pag kasabi ko nun bigla nya kong binatukan.

"Kakasabi ko lang eh!!"

"Hahaha oo na di na." Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Hindi ko alam ang susunod na mangyayari lalo na at nalaman namin na buhay pa pala si Arthur pero may oras pa naman siguro akong bumawi sa mga kaibigan ko diba?

"Hey hey what's up with the hug? Pano na ang bubuo sa golden trio?" Napahiwalay naman kami sa yakap at tiningnan si Cain na kakarating lang na halatang hinihingal pa. Tinaasan ko sya ng kilay. Tunuro nya ang tenga nya. "I heard your convo babes. Tandaan nyo! Hindi maaring mabuhay ang kambing pag walang damo. Hindi maaring mabuhay ang tao pag walang oxygen. Hindi mabubuhay ang isda pag walang tubig. Hindi mabubuo ang baby pag walang lalake-"

"Aish!! Manihimik ka nalang." Sigaw ko sa kanya. Kung ano ano na kasi ang sinasabi.

"Eh kasi naman wala ako sa group hug nyo!! Golden Trio tayo diba?!! Tres Amigo's!! Tres Gwapito's!!!"

"Eto na nga!! Group hug!!" Lace shouted at niyakap ako.

"Anong group hug!!! Eh kayo lang nag yayakapan eh!!! Ang daya!!! Ang daya daya nyo naman babes eh!!! Ano ba!!" Tumakbo samin si Cain at pilit kaming pinag hihiwalay. Tinatawanan ko nalang sila kasi everytime na mabibitaw sakin si Lace yayakap si Cain. Tas aalisin naman ni Lace si Cain at sya yayakap sakin.

Ganun lang ang nangyari samin sa rooftop. Pero namiss ko din sila.

Imagine!! Nag simula lang ang pagiging Trio namin dahil sa katigasan ng ulo namin but looked. Were happy again dahil sa nag kasama sama nanaman kami.

I missed them so much. At sana ganto nalang kami. Sana normal nalang kami kagaya ng iba..

Sana....

---

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now