Chapter 10 : Blue Sapphire

4.2K 148 3
                                    

6 na ng umaga. Di ko na nagawa pang matulog pag katapos nung nangyari.

Ang ganda. Ang gara. Simple pero maganda. Tinitigan ko ang hawak ko. May crystal sa gitna, oval shape na blue sapphire. May wings pa sa gilid na kulay white na nababalutan din ng crystal. May isa pang wings na nababalutan din ng blue crystals. Basta ang ganda nya. Parang nakita ko na to pero nakalimutan ko kung saan. Maliit lang sya na kasing laki ng limang piso. Pendant?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Agad agad kong tinago sa bulsa ng palda ko ang hawak ko at tumayo. Si Nam.

"Ahm, I just want to tell that we need to be at the breakfast hall right now." Tumango ako at lumabas na kami ng kwarto ko. Naka uniform na ko. Oo, nakapag decide na ko na papasok kami ni Lace dito sa Shera High. Si Luke pumapasok din sa Elementary.

Simple but elegant.. ganyan ang tema ng uniform namin. Black checkered mini skirt na hanggang kalahati ng hita ko ang palda, white blouse and necktie na black checkered din. May patch sa kaliwang dibdib. At kagaya to ng binigay sakin ng lalake kanina.

Napahinto ako sa pag lalakad at tiningnan ang nasa kaliwang dibdib ko. It can't be...

Napahinto din sa pag lalakad si Nam at tiningnan ako. "Ah! Yan ba. It was the sign of our tribe. The Shera." Tribe? "Alam mo, may crest nyan. Ganyang ganyan but it's real. With a crystal and a blue sapphire. Maliit lang yun but its really important especially for the Walker family." Walker?

Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa at hinawakan ang crest. It can't be.... "na-nasan na ang crest?" Nakita kong medyo nagulat sya nung nautal ako pero sinagot din nya ko.

"Nawawala na." Kinabahan ako nung sinabi nya yun. Ang crest na nasakin maaaring ito yun. "Alam mo nawala yun simu-"

"Umalis nga kayo sa dadaanan ko. Ang daldal nyo!" Napatingin kami sa likuran namin at nandun si Aiwa na ang sama ng mukha. Ganda ganda, kung makatingin hay naku!

"Aiwa, why don't you use some magic to your hair?" Sabi ni Nam. Maikli na kasi ang buhok ni Aiwa dahil sakin. Nangunot naman ang nuo ni Aiwa sa sinabi ni Nam.

"Pake mo ba? Tabi nga jan!" Nag lakad sya at tinulak kami ni Nam ng madaanan nya kami. Maldita...

Tiningnan lang namin si Aiwa hanggang sa makaalis na sya. "Pag pasensyahan mo na yun ah. Mabait naman yan minsan.. " sabi ni Nam. I just nodded at her. "Di naman ganyan si Aiwa back then. Kaso nung nangyari ang isang aksidente naging ganyan na yan. Sinisisi nya kasi ang sarili nya dahil sa pag kawala ni Heath.." napatingin ako kay Nam nung sinabi nya yun.

"What do you mean?" Nag patuloy kami sa pag lalakad.

"When were 6 years of age, a big war happen. Nawala si Heather nun kasama yung Blue Sapphire Crest. Si Aiwa lang ang nakakaalam kung sino ang kumuha kay Heath dahil silang dalawa ang mag kasama nung time na yun. But until now, ayaw pa rin maalala ni Aiwa kung sino. Masyado syang natrauma sa nangyari. Dahil may kumuha sa kanya. Mag kaibigan sila ni Aiwa. Lagi nyang pinag tatanggol si Aiwa sa tatlo. Kila Zero, Cain at Nathan dahil bully yung tatlo na yun. Kasi kahit ganung age palang si Heather makikitaan na kagad ng katapangan. Talagang makikita at malalaman mo sa unang tingin mo palang sa kanya na isa syang heiress ng Shera." Natigilan ako sa sinabi nya. My heart skip a bit na parang may nalaman na part of me. Kaso hindi pwede. Malayo. Kaapilido ko lang siguro sila. At nawala lang siguro talaga ako nung time na yun..

"Nam, m-madami bang..... nawala dahil sa war na yun?"

"Hmmm, oo. Madaming namatay. Dalawang bata ang nawala. Isa na si Heather. Halos mag luksa ang buong bayan ng Shera dahil nawala ang tagapag mana. Pero isang taon lang makalipas, binalita ng Reyna na buntis sya. At yun ay si Rin. Pero hanggang ngayon, di pa rin nawawalan ng pag asa ang reyna at hari na makita ang anak nya na si Heather." Heather.... narinig ko na yun eh. San nga ba? Sure akong narinig ko na yun kaso saan?

Napatigil ako sa pag iisip ng mag salita ulit si Nam. "Alam mo Ran. Unang kita ko sayo I thought your the missing heiress of Shera." Napatigil ako sa pag lalakad sa sinabi nya. Nakatitig sya sakin at nakangiti. "May pag kakahawig kayo. Di lang yun, kasing edad mo na din si Heather ngayon. 16 na tayo lahat. Tsaka, yung pinapakita mong tapang. Ganyang ganyan si Heather."

Ako? Isang heiress? Imposible.

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now