Chapter 26 : Trio

3.6K 113 0
                                    

——

"Bukas na ang fieldtrip. Kaya wala kayong activity para sa ngayon." Sabi ni Sir. Dawn.

Nasa room kami ngayon. Kadalasan nga nasa training room kami pero ngayon nasa room lang kami ng Special A.

Oo bukas na ang fieldtrip. Bilis nga eh.

Nag hiyawan sila pero ako, si Lyndon at si Zero nanahimik lang.

Di pa rin kami ok ni Lyndon. Di pa kami nag kakausap simula nung binalik ko sa kanya ang Crest. Si Zero naman, well, nothing. Still, nahihiya pa rin ako sa ginawa namin last night. Imagine! Nag- nagkiss kami? Err scratch that out! Nakakainis!!!!

"Ouch!" Napatingin ako sa harap at nakita si Sir. na nakapamewang.

"Listen here Miss. Walker. Your spacing out." Sabi nya at humarap na ulit sa board. Nakita ko pa ang chalk na tumama sa ulo ko kanina kaya kinuha ko yun. Tawa ng tawa si Lace kaya binato ko sa kanya yung chalk. Ayun sapul sa bunganga.

"Hahaha." Ako naman ang tumawa dahil binuga nya ang chalk. Nasa unahan nya si Cain kaya natama kay Cain ang chalk na basa pa dahil sa laway ni Lace. Hinawakan ni Cain ang batok nya at humarap kay Lace. Ang sama ng tingin nya kay Lace hahaha.

"The fuck bro!!" Nanlalaki ang mga mata nya at napatayo pa. Si Lace naman nag pupunas ng bunganga. Hahaha.

Tawa lang ako ng tawa pero sila nag aaway na.

"Kadiri! Pwe pwe pwe." Dumura dura si Lace.

"Mas kadiri ka! The heck. Iww your saliva smells yuck!!" Arte naman ni Cain. Nag kakasagutan na sila pero napansin ko na nakatingin lang samin ang iba.

Huminto ako sa kakatawa ng mapansin ko na nakatingin lang sila sakin hindi sa dalawang nag iingay. What? Tumatawa lang naman ako ah.

Napansin kong may hawak ng papel ang dalawa at handa na sanang mag batuhan ng pa-apuyin ko ang mga to. Napatigil naman sila, binitawan nila ang sunog na papel at napatingin sakin. Nginuso ko si Sir at napatigil din naman sila.

Iiling iling si Sir at naupo sa upuan sa harap. "Mr. Tyler, Mr. Wilsmith and Miss. Walker. Faculty. Now!"

"Hala ka bro." Narinig ko pang pananakot ni Nathan kay Lace. Si Cain naman akmang susuntukin si Nathan dahil iniinis din sya pero agad syang napatigil dahil sa isang pwersa, Sir. Dawn's ability. Wala na syang nagawa kundi mag lakad palabas. Narinig ko pang nag aaway ang dalawa habang palabas sila. Sumunod din naman ako at iniwan na sila na nag kaklase. Well, suki na ko ng faculty ha! Hahaha

--

"Haay naku kayo! Chalk lang pala akala ko kung ano na." Sabi ni Miss. Krishna samin.

"Miss, hindi naman ako nag simula eh. Si Lace!!"

"Anong ako?"

"Binugahan mo ko ng chalk. Yuck as in Yuck!"

"Ako ba nanguna? Si Ran kaya! Binato nya ang chalk sa bunganga ko.!"

"Anong ako? Si Sir kaya." Sabi ko pa sa kanila. Nakita kong may cookies sa mesa na nasa harap namin kaya kumuha ako.

"Oy oy kayo! Idadamay nyo pa ang Sir nyo!" Kontra naman ni Miss. Krishna. Tiningnan ko sya ng may panunukso. Hahaha may something sa kanila. "I know that look Ran, stop it. As your punishment. You will not attending the class for this afternoon."

"YESSSSS!!!" Lace and Cain shouted in chorus. Masama kutob ko dito.

"Na ah ah" sabi ni Miss at umiling iling. Sabi na eh may kapalit. "Di kayo papasok dahil kailangan nyong mag bunot ng damo sa soccer field." Napanganga kami sa sinabi ni Miss. Krishna. Seriously?

--

Reklamo ng reklamo ang dalawa habang nag bubunot ng damo. Kanina pa kami ditong 2 pm at 4 pm na. Halos nakalahati nanamin ang field.

Dahil sa pagod na ko, naupo muna ako sa gitna ng field. Walang nag lalaro ngayon dahil nasa gym silang lahat. May basketball game kasi.

Tiningnan ako ni Cain ng masama. "Ang daya mo naman!! Tumayo ka kaya jan!!" Sigaw nya sakin. Inirapan ko lang sya at nahiga sa damuhan. Haay naku nakakapagod.

"Ran walang iwanan. Patabi!" Tumakbo si Lace sakin and just like that, nakahiga na agad sya sa tabi ko.

Tumabi din si Cain samin at nahiga.

"Wag na nating tapusin. Napapagod na ko." Hingal na sabi ni Cain.

"Cain anong ability mo?" Si Lace kasi super speed kaya walang kwenta. Ako naman fire kaya di pwede.

"I can smell and hear clearly kahit napakalayo." Sabi nya. So wala ding kwenta. "Why?" Tanong pa nya.

"Akala ko kasi kaya mong bunutin lahat ng damo ng sabay sabay."

"hahaha Tangi ka ba? Kung kaya ko edi sana kanina ko pa ginawa." Sabi naman nya. Oo nga no. Tanga ko talaga.

"AHH!" Napatingin naman ako kay Lace dahil para syang may naisip na magandang idea. "Ran, gamitin mo ang attribute mo!"

Sumang ayon naman si Cain sa idea. Well, siguro nga pwede. Di naman siguro masusunog tong field.

Tumayo ako at sila naman naupo lang. Sinimulan kong mag labas ng apoy at ng malaki na ito, pinakawalan ko na. Uh-oh.... I guess there will be another punishment for us.

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now