Chapter 13 : I'm What?

2.7K 85 0
                                    

---

"Try it again!" Zero shouted at me.

I closed my eyes and concentrate. Inipon ko lahat ng lakas na meron ako para sa gagawin kong moves. Ng maramdaman kong ok na dinilat ko ang mga mata ko kasabay ng pagpagaspas ng pakpak ko sa hangin at ang pag ikot ko na para lang akong tinatangay ng hangin. As I flap my wings in the air it makes a large amount of wind. Kaya naman tinatangay ang mga tuyong dahon sa paligid.

Dahil sa masyado akong natutuwa sa nangyayari hindi ko namalayan na mabubunggo na pala ako sa isang puno kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin ang puno.

---

ZERO'S POV

"Aaww, shit! Ang sakit nun!" Cain said. Di ko nalang sya pinansin at agad na pinuntahan si Ran. I saw her infront of that tree sitting like a kid.

Nilapitan ko sya at wala pang isang segundo nasa harapan na agad ako ni Ran. "You ok?" Akala ko ngingiti lang sya dahil sa wakas na tutunan na nya ang pag gamit ng pakpak nya pero sinimangutan nya lang ako at inirapan ang punong nasa harapan namin.

"I cursed this tree! It ruined my mood! Nakitang ok na ang pag lipad ko pero umepal naman to!" Tumayo sya at sinipa ang puno pero sya lang din naman ang nasaktan. Wala na kong ginawa kundi tumawa nalang.

"Sige tawanan mo pa ko!" Tiningnan lang nya ko ng masama. Hinila ko naman sya at pinaupo sa gilid ko. Niyakap ko agad sya kahit na alam kong nag tatampo pa rin sya.

"Ano ka ba! Ayos lang yun, at least you can used your wings right." Hinalikan ko sya sa pisnge nya at ngumiti naman na sya

This past few weeks were training her to used her wings. Ok naman. Nalaman nya na kung pano mapalabas at mapawala ang pakpak nya. Tatlong linggo na din ang nakalipas. Sa tatlong linggo na yun madaming nag bago. Kagaya nalang namin ni Ran. Hindi ko masasabi na kami pero yung relasyon namin daig pa namin ang mag asawa. Minsan lang kami mag hiwalay. Pag tapos ng klase dito agad sa mansion namin kami dumederetyo kasama si Cain. Si Cain at Aiwa lang kasi ang pinag sabihan namin na dito kami nag pupunta ni Ran. Yung iba naman may kanya kanyang ginagawa. Nag papractice na din naman sila dahil kahit papano aware sila na buhay pa si Arthur. Si Lace at Charlot lalo lang naming pinag dududahan dahil madalas din daw silang mawala sabi sakin ni Lyndon at Aiwa.

"Hoy ano yan ha!" Napairap naman ako ng marinig ko nanaman ang boses ni Cain. Minsan talaga istorbo to! Hindi lang minsan. Madalas!

Tumayo naman na si Ran at pinag pagan ang jeans nya. "Nagugutom na ko. Tara Cain!" Hinila nya si Cain pabalik sa mansion.

"Gutom ka nanaman? Kakakain mo lang ha?" Naiiling na sabi ni Cain at umalis na nga sila.


Ramdam ko na may mali kay Ran. Isa akong bampira kaya alam ko ang nangyayari sa kanya. Kahit na minsan hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Alam ko naman ang nangyayari sa kanya..

I can heard her pulse. Not only one, but two.... my Jr ey? Hmm....

---

RAN'S POV

"Ang pangit mo naman!" Sabi ko kay Cain at sinipa ang mukha nya. Tutal naman nakaupo sya sa paanan ko dito sa couch kaya abot na abot ko sya.

"Grabe ka naman sakin babes!! Nung isang linggo sabi mo ang baho ko, nung isang araw naman kamo mukha akong damuho. Kahapon naman mukha kamo akong asong iniwan ng mapapangasawa nya tas ngayon pangit na? Paasenso ng paasenso ha!" Reklamo nya kaya inirapan ko nalang. Tinatamad akong dumakdak lalo na at si Cain lang din ang dadakdakin ko. No way!

"Umayos ka nga ng higa mo Ran!" Sigaw sakin ni Aiwa. Agad naman akong umayos ng pag kakahiga. Ewan ko ba pero natutuwa ako kay Aiwa kaya sinusunod ko sya. Kaso ok na eh. Nakangiti na ko nag salita pa si Cain na agad kinainit ng ulo ko.

"Aiwa naman! Ok na eh, nasisilipan ko na si Babes eepal ka pa!" Mag sasalita na sana si Aiwa pero inunahan ko na.

"Cain lumayas ka na nga dito! Nakakasuka yang pag mumukha mo!" Sigaw ko at agad naman syang napasimangot.

"Grabe.. hindi ko na kinakaya yang pinag sasasabi mo sakin babes. Ang sakit!! Sobrang sakit!"

"Just go then." Aiwa.

"Ano nanaman to?" Napatingin naman ako kay Zero na kakarating lang. Nginitian nya ko pero bago pa sya makalapit napatayo ako basta basta.

Eto nanaman.

"Something wrong Heath?" Aiwa asked. Nginitian ko sya at umiling. Pero bago pa ko makapag salita napatakbo na agad ako sa banyo at walang ano ano napasuka sa may sink.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay sa likod ko at mahinang pinapat ito. "It's ok.."

Nag mumog naman na agad ako at nginitian sya. Nag katitigan lang kami pero nalaglag ko ang hawak kong baso at nabasag dahil sa sinabi nya.

"Your pregnant my queen..."

I'm what?

---

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now