Chapter 17 : Mirror

3.9K 118 0
                                    

--

"Shit!" Di ko alam pero ang lakas pala ng unggoy na to.

Hinagis ko ulit sa gawi ni Chiki ang dagger ko at natamaan naman sya sa pisnge. Maya maya pa tinapat nanaman nya ang isang salamin sa sugat nya. Di ko alam kung nag sasalamin lang to o - . The fuck! Ako ang nasasaktan. How can he do that?

I attract my dagger and I tone down my pain. Shit! Nakakailan na si Chiki ha! Pero ako lang naman ang may kagagawan ng mga sugat ko. Sa bawat pag hagis ko sa kanya ng dagger ako ang nasusugatan. Nung una bow and arrow ang gamit ko but then ganun din ang nang yayari. Natatamaan sya pero once na itapat nya ang salamin na yun sa sugat na tinamaan ko nababalik sakin ang sugat na nakukuha nya. Kaya di ko magawang napatay to eh. Ako madededo nito.

Ano gagawin ko? Bwisit kasi si Lace. Ang hina. Mga alagad na nga lang ni Chiki ang kalaban di pa matapos tapos to. Ang dami nila.

Tiningnan ko si Chiki at ang lawak ng ngiti nya. Napansin kong hindi sya sa mukha ko nakatingin kundi sa hita ko. Fuck! Nadaplisan ko sya kanina sa hita nya pero ako ang nasugatan at heto nga. Sira ang dress sa parte ng hita ko. Langya naman oh. Nabosohan pa! I changed the dagger into chain whip. Lumiwanag sa parte ng library kung nasan kami dahil sa pag papalit ng anyo ng dagger ko.

Nakita kong napangisi nanaman si Chiki. Iww, nasusuka na talaga ako sa kanya. Maya maya pa sa inis ko hinagis ko papapunta sa salamin na hawak nya ang whip kaso bigla bigla nalang umurong ang whip papapunta sakin at lintik!! Ako tinamaan. Tumalon ako agad at binitawan ang whip. Nang mag lalanding na ko sa isang sulok may sinabi pa si Chiki. "Lets play a game." Iyun nalang ang huli kong narinig at ang huli kong nakita ay ang napaka pangit nyang pag mumukha.



Dahil namatay na ko....



Echos...


Liwanag. Itinapat sakin ni Chiki ang salamin. Nang matapat ito sakin tila ba natapat ito sa araw. Ng unti unting luminaw ang paningin ko nakita ko ang sarili ko sa salamin. Sa isang sunog. Shit! Ano to?

"RAN!!!"

--

"TULONG!!"
"TUMABI KAYO JAN."
"TUMAKAS NA KAYO. NANDYAN NA SILA."
"ANAK!!"
"AIWA... DITO KA LANG!!!"
"TULUNGAN NYO KAMI!!"

Ang gulo.. ang ingay... ang init... init na nag mumula sa sunog... napatingin ako sa kamay ko. Nag aapoy. Teka? Bakit ang liit ng apoy? Ako ba to? Pero-

"Hea-ther i-ikaw ba yan?" Huh? Bata? Napatingin ako sa likod ko at tama nga. Bata... batang babae. Teka.. kilala ko sya.

"Aiwa?" I asked. Ang liit nya. Kamukhang kamukha nya si Aiwa. Tumatango tango itong tumakbo papapunta sakin. Iyak ito ng iyak at puro dungis ang mukha.

Nang aakapin ko na sya- bakit? Bakit? Bakit sya tumagos sakin? No.. ano to? Dahan dahan akong napatingin sa likod ko- no way

"It's ok. Don't cry. Everythings gonna be alright. Shh, it's ok. I'm here. They won't hurt you." Sabi nung batang ako habang nakayakap ang kanang braso nito sa batang Aiwa. Ako yan! Nakita ko pa ang matapang nitong mata na kulay abo. Ganyang ganyan ang itsura ko nuon!! Whats happening? Bakit nandito ako?

Di kagaya ni Aiwa. Yung batang ako puro sugat sa pisnge, puro hiwa. Pero di mo makikitaan ng takot.

Teka ano yun? Bakit parang basa ang kaliwang braso ng jacket na suot ng batang ako?

"Ah! Shit!" Reklamo nito ng higpitan ni Aiwa ang yakap sa kanya. Tumingin si Aiwa sa kanya ng nag aalala pero nginitian nya lang ito. "Just kidding Aiwa. Hahaha" tinitigan ko ang mga batang nasa harap ko. Hindi... hindi ok. Hindi joke.. may sugat ang batang ako sa kaliwang braso. No. It can't be.

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now