Chapter 3 : Chase

3.2K 81 0
                                    


--

Nag lakad na kami ni Chani papunta sa may field. As usual, tatambay ulit kami.

Habang nag lalakad kami, may naririnig kaming nag sisigawan. Or more like, tilian? I don't know. Nakita din namin na may kumpulan ng tao kaya etong kasama ko hinila ako papunta duon.

"What's wrong with you men?" Cain?

"Are you insane? I don't even know you!" Ow wait, I know that voice!

"Ow come on! Seriously? Where the hell is-"

"Cain!" I shouted. Ang dami kasing tao dito. Hindi kami makasingit ni Chani papunta sa may pinakagitna kaya naman sumigaw na ko. Natahimik naman ang mga tao at nag bulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit na kila Cain. Tama nga ako, siya nga.

"Ow, who- who is he?" Nag pabalik balik ang tingin nya kay Chani at Chase.

"Told ya! He has a twin!" Sigaw sa kanya ni Aiwa at binatukan pa nito si Cain.

"Aray naman men!! Hindi ko naman alam eh!"

"Abno ka talaga! Tingnan mo palang sa buhok alam mo na eh!" Sigaw pa sa kanya ni Nate. Nandito pala silang lahat. Ang Special A.

"Ano bang ginagawa nyo?" Tanong ko. Napansin ko naman na nandito pa din ang ibang tao na nakikichismis kaya humarap ako sa kanila. "Layas!! Tapos na ang palabas!! Bukas na ang authograph!!" Nag silayasan naman na sila kaya hinarap ko na si Cain.

"Pano, akala ko si Chani to kaya inakbayan ko. Di ko naman alam na matatapon yung hawak nyang gagamba. Kaya yun nakawala." Napabuntong hininga naman ako ng malaman na may gagamba nanaman na hawak si Chase kanina. Tiningnan ko sya ng masama at nag peace sign lang sya.

"Chase naman!! Spider nanaman?" Sigaw sa kanya ng kambal nya. Ang totoo nyan, si Chani ang panganay sa kanilang dalawa.

"Eh ang cute nila eh!!"

Napansin ko naman na napaawang ang mga bunganga ng mga kasama ko. Lumapit sakin si Lyndon at bumulong.

"Anong meron dyan sa Chase nayan?" Tiningnan ko nga ng masama. Sabi ko na nga ba mawiwirduhan tong mga to kay Chase eh. Titingnan mong normal pero nakucutan yan sa mga ipis, gagamba at kung ano ano pang insekto. Oo weird!!

"Oh well, gotta go. Walang kwenta naman pala tong usapan nyo." Hindi ko napansin na nandito na din pala si Lace. Kanina kasi wala ito dito eh. Pati si Zero at Charlot. Lumapit naman si Charlot kay Lace at hinawakan ang mga braso nito.

"Ano ka ba! Don't be so rude!" Malambing na sabi nito. Tiningnan sya ni Lace ng masama pero maya maya pa napabuntong hininga nalang sya at tumango. Hindi ko alam pero ngayong tinitingnan ko sila, may masakit sakin. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit pero, hindi ko kaya. Hindi ko na kaya. Kaya naman tumakbo na ko paalis. Hindi ko na kaya....

--

CHANI'S POV

"San pupunta yun?"

"Ikaw kasi may kasalanan men."

"Bakit ako? Sino ba ang maingay satin?"

"Ikaw men. Malamang."

"Gwapo pa din ako."

"Aish!"

Napatingin naman ako sa lalakeng Mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Lace ata pangalan nito. Kanina pa nakasimangot yan eh.

Kinamot nya ang ulo nya at umalis na. May kuto siguro yun?

Wala akong pake. Si Shaw, alam kong may masakit sa kanya. Kaya naman tumakbo na ko. Kaso etong magaling kong kambal sumigaw pa sakin at sumunod.

"Kambal sama ako.!!"

"Oyy men san kayo pupunta!! Sama me!!"

"Psh! Seriously? Sasama tayo sa mga yan?"

"Yeah!"

Nag tatakbo na kami papunta sa pinuntahan ni Shaw.... kaso ang iingay nilang tumakbo. Mga nag rereklamo pa! Kaya naman pinag titinginan na kami. Ang pinag tataka ko lang, bakit walang camera?

--

SHAW'S POV

Sumandal ako sa may pader. Napadpad ako sa likod ng isang building dito sa campus. Wala na din ang masakit sakin. Shit! Muntik na ko dun.

Hinawakan ko ang likod kong kanina pa kumikirot. Ang sakit talaga nito kanina. Di ko na napigilan kaya naman umalis na ko. Baka mahalata pa ng iba na-

"SHAW!!" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Chani na mala kabayong tumatakbo papunta sakin. "TAKBO NA!!"

Hindi ko alam pero nakatingin lang ako kay Chani at nakitang nasa likod din pala nya si Chase at sila Cain. Tumatakbo din sila. Muntikan na ngang madapa si Cain pero tinulungan sya ni Nate na tumayo. Si Nate naman parang wala lang sa kanya ang pagtakbo. Natatawa nalang ako pero ng makita ko ang nasa likod ni Lyndon. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lyndon kasi ang pinakahuling tumatakbo.

Hindi agad ako nakakilos kaya nung malapit na sakin si Chani hinila na din nya ko patakbo papunta sa may gubat.

"Shit! Chani!! Bakit may mga unggoy sa likod nyo?" Oo may mga unggoy na humahabol samin. Nakakainis naman!!

"Aba! Bakit ako sinisisi mo? Si Chase may kasalanan nito eh!!"

Tiningnan ko naman si Chase na nasa likod lang namin at nag peace sign lang sya sakin. "Sorry na Shaw, ang cute kasi nila."

Napaface palm nalang ako. Pati ba naman unggoy?

Naririnig ko pa ang reklamo ni Cain kaya naman tumingin ako sa likod ko. Nakita kong sya na ang nasa pinakahulihan kaya naman naabot na sya ng unggoy. Ayun, naka pasan na sa kanya ang unggoy at sinasabunutan sya. Natawa naman ako kaya yung mga kasama ko napatingin na din kay Cain. Natawa din sila kaya napahinto kami sa pagtakbo.

Wrong move.

"Men, tinatawanan nyo pa ko!! Tulong!!" Sigaw nya. Kahit nakapalibot na samin ang mga unggoy natatawa pa rin kami. Pano ba naman diring diri ang mukha nya sa unggoy.

"Woah, Cain nahanap mo na din kambal mo." Sabi ni Lyndon kaya naman lalong lumakas ang tawa namin.

"Shit! Beb di lang yun! Buong pamilya nya nahanap na nya! Hahaha" dagdag naman ni Nate.

"Baby! Sweety!! Patay kayo sakin pag nakatakas ako sa mga langyang unggoy na to!!" Sigaw nya. Medyo naawa naman ako kaya nilabas ko ang dagger sa gilid ng bag ko. Pasimple kong pinatamaan ang unggoy sa may ulo nya at natamaan ito sa tenga. Agad agad itong bumaba kay Cain kaya pumunta na si Cain samin. Agad nyang inupakan si Nate at Lyndon.

"Now, what's the plan?" Sabi ni Aiwa. Pinapalibutan pa rin kami ng mga unggoy. Ang sasama na nga ng tingin nila eh. Naka paikot kami sa isa't isa at mag kakatalikod. Ang dami nila.

"A. Takbo?" Suggest ni Chani.

"B. A?" Si Nam naman ang nag salita.

"Mas maganda siguro kung lambingin natin sila." Napatingin naman kami kay Chase. Nagniningning pa ang mata nya nung sinabi nya yun. Kaya yun, nabatukan sya ni Cain. "Aray ko naman!!"

"Lintik ka men! Ikaw may kasalanan nito eh!"

"Ayaw mo nun? Nakita mo na pamilya mo?" Susugudin pa sana ni Cain si Chase pero nakipag palit na ko kay Chase ng pwesto kaya ako na katabi ni Cain. Nginitian ko sya kaya naman hindi na nya pinansin pa si Chase.

Kung akala namin ok na ang gulo, hindi pa pala. May mga unggoy pa rin sa harapan namin na ang sasama ng tingin samin.

"Now, seriously, what's the plan?" Aiwa asked.

"I have a plan." Napatingin silang lahat sakin. "Get rid of them."


Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon