Chapter 33 : Different Bite

3.5K 119 1
                                    

--

Nagising ako dahil sa ingay ng humihilik na natutulog sa tabi ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na nasa dorm room na ako. Naagaw naman ng pansin ko ang nakatabi sakin dahil sa walang tigil nitong pag hilik. Langya naman oh! Parang walang bukas kung makahilik.

"Hoy Lace gising na!!" I shouted to tip of his ears. Sanay naman na ko dahil lagi ko namang katabing matulog to pati si Luke. Nasan kaya si Luke? Nagising naman sya agad ng nanlalaki ang mata.

"Fuck tol, puyat ako wag kang magulo." Inirapan ko nalang sya at pumasok sa cr para mag ayos. May pasok pa nga pala nakalimutan ko na.

Habang naliligo ako, humahapdi naman ang likod ko. Ano to? Titingnan ko na sana ng may maalala ako. Blood lust...

"Sleep now my queen. Your blood is so addictive."

Agad agad na umakyat ang dugo ko sa pisnge ko. Bwisit naman oh.

Tinapos ko nalang agad ang paliligo ko at di na pinansin ang nangyari kahapon.

Lumabas ako ng cr ng nakabihis na pero di pa nag susuklay kaya gulo gulo pa rin ang buhok ko. Nakita ko naman si Lace na nakabihis na din at nakaupo sa kama ko habang kumakain ng mansanas. Tumakbo siguro to papunta sa dorm nya. Dumeretsyo ako sa salamin at nag suklay.

"Tol bakit parang lasing ka kahapon?"

"Ako? Di ah." Seriously? Wala akong maalala pag katapos akong inuman ng dugo ni Zero.

"Anong hindi. Naabutan kita dito sa cr mo ng naka dukdok sa bowl. Nag susuka ka pa nga eh. San ka ba uminom?" Napatigil ako sa pag suklay. Talaga? Ano ba nang yari?

"Wala." Yun nalang ang sinabi ko at nilagay lahat ng buhok ko sa kaliwang balikat ko. Nakita ko naman sa refexion ng salamin na nanlaki ang mata ni Lace habang nakatingin sakin. "What?" Tanong ko sa kanya. Nalaglag nya ang mansanas at lumapit sakin.

"Tol ayos ka lang ba? Ano to? Tama ba to sa laban nyo ni Heather kahapon? Shit! Bakit hindi mo pinagamot? Langya naman oh! Ang lakas ng dugo!" Natigilan ako sa sinabi nya. Dugo?

Maya maya pa biglang inalis ni Lace ang necktie ko at basta nalang sinira ang blouse ko. Sisigaw pa sana ako pero pinatalikod nya ko at inalis ang suot kong blouse. Nang wala na kong blouse naramdaman ko ang hapdi sa likod ko dahil sa nahahanginan na ito.

"Naano to Ran? Bakit ang lakas ng dugo?" Pumunta sya sa closet ko at nag hanap ng pampunas. Ako naman tinignan ang likod ko sa salamin at ganun nalang ang gulat ko ng makitang walang tigil sa pag tulo ang dugo sa likod ko. Sa pag kakatanda ko hindi naman ako nasugatan ni Heather sa likod ah.

Bumalik si Lace sa likod ko at pinusan na iyun. Sigaw naman ako ng sigaw dahil sa sakit. Shit naman oh! Kakaiba yung sugat na to eh! Nanunuyot talaga sa laman ko bawat pag dampi ng bimpo sa likod ko. Ang sakit!! Eto siguro yung sugat ko kahapon ng isandal ako ni Zero sa pader.

"Oy Ran gising na!! Kani- woy woy woy men, ano yan aahh! Tangna sabi ko na nga ba may namamagitan sa- aray aray aray! Fuck! yuck ano to? Iww dugo.. alam mo bang alergic ako sa-" natigilan naman si Cain sa pag dadakdak at dali daling sinara ang pintuan ng room ko at nilock ito. Pinulot nya ang bimpo sa sahig na tumama sa mukha nya dahil binato ito ni Lace sa kanya. "Ano to? Napano ka?" Tinitigan nya ko at ngayon ko lang narealize na....... naka bra nga lang pala ako.! "Hot mo! Shi- aray ko! Kanina ka pa ha Lace. Sasapakin na kita!!"

"Subukan mo lang! Akin na nga yang bimpo!"

"Manahimik ka nalang Cain baka puntahan pa tayo ng iba dito." Lumapit si Cain sa kama at naupo habang pinag mamasadan ako. Si Lace naman nag patuloy sa pag punas sa likod ko.

"Speaking of. Pinapasundo ka nga nila sakin eh. Malay ko bang nandito din si Lace."

"Dito yan natulog." Sagot ko.

"What? Hoy Ran alam kong mag kaibigan kayo pero wag mong hahayaan na tabi kayo natutulog! Alam mo kasi-"

"Inggit ka lang kamo." Sabat ni Lace kay Cain. Nag tinginan sila ng masama at bago pa mag batuhan ng masasamang salita ito nag salita na ko.

"Manahimik na nga kayo! Ikaw Cain! Ano ba ginagawa mo dito?"

Napasimangot naman sya sa tanong ko. "Bakit ako tinanong mo nyan? Bakit si Lace hindi?"

Tiningnan ko naman si Lace pero pinag patuloy lang nya ang pag pupunas sa sugat ko. "Haay na ku! Oo na oo na, tumambay na kayo dito! Lace di pa ba tapos yan? Papasok na tayo!" Sabi ko. Lumapit naman si Cain at nakitingin sa likod ko.

"Shit ang sexy mo Ran." Nakarinig naman ako ng pag batok.

"Manahimik ka nga. Kita mong may sugat na nga si Ran eh."

"Kuuu! Sabihin mo natutuwa ka din dahil nakikita mo- oo na di na!!"

Nanahimik na din naman sila at pinag patuloy ni Lace ang pag punas. Pero nakita ko sa reflexion ng salamin na natigilan silang dalawa. "Ra- ran." Kita ko ang pan lalaki ng mata ni Cain.

"Bakit wala?" Kinusot kusot pa ni Lace ang mata nya.

"Anong wala?" Tanong ko.

"Walang sugat Ran. Pero patuloy sa pagtulo ang dugo." Sagot ni Cain.

What?

Tumayo ako at tumalikod sa salamin. Tiningnan ko ang likod ko at nakitang may tumutulo pang dugo pero wala ngang sugat. Ano to?

Ilang oras pa ang lumipas, di na kami nakapasok dahil walang tigil kanina sa pagtulo ang dugo. Ayoko namang papuntahin dito si Nam. Ayoko ding padala sa clinic kaya silang dalawa ang nag gamot sa likod ko.

Ok na ko kaya naman nag bihis na ko, buti nalang madami akong uniform. Sinira kasi ni Lace ang isa. Pinusod ko sa Messy Bun ang buhok ko at kinabit ang necktie ko. Si Cain naman tumabi sakin at nag ayos ng buhok. Si Lace nakahiga lang sa kama.

Habang nag aayos kami ni Cain nakita ko sa reflexion sa salamin na napadako ang tingin nya sa leeg ko. Matagal syang tumitig dito kaya nag taka na ko.

"Ano yan?" Tanong nya. Tiningnan ko naman sa salamin at muntikan na kong mapamura. Tangna! Yung kagat ni Zero nag iwan ng peklat! Dalawang kulay itim na parang tinusok ng karayom.

Di ko namalayan na nasa likod ko na pala si Lace. "Is that a snake bite?"

Narinig ko namang natawa si Cain sa tabi ko. "Or a human bite? Hahaha" nag tawanan sila kaya tiningnan ko sila ng masama. Tumigil naman na sila sa kakatawa kaya nag patuloy ako sa pag aayos.

"I was just thinking.-" napatingin ako kay Cain. Katabi nya si Lace. "Maybe thats a vampite bite." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaya nag tawanan sila. Naramdaman kong namula ang pisnge ko dahil sa init nito kaya naman nag labas agad ako ng apoy sa kamay. Natigil sila sa pag tawa at kita ko ang panic sa mata nila.

"Bahala ka na jan! Hahaha" sigaw ni Lace at nag tatakbo na gamit ang super speed nya. Si Cain naman nag sisigaw.

"Langya ka Lace!! Patay ka sakin!!" Sigaw nya at nag simula ng tumakbo. Ako naman hinabol ko na sya.

"Joke lang naman Ran eh. Hindi totoo. Please patawarin mo na ko!!" Sigaw nya. Madaming napapatingin samin dahil malapit na kami sa Great Hall para sa lunch. Lunch time na din kasi. Yung iba nag tatawanan pa.


"The hell Cain!! I'll burn to death!!"

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now