Chapter 11 : War

4K 142 1
                                    

...........

"Ran....... ran........ RAN!!!!!" natauhan naman ako ng marinig ang isang sigaw. Pag tingin ko sa harap. Nakatingin na sakin ang lahat. Nakapa maywang si Miss. Krishna sa harapan.

Nasa room na kami at nag kaklase. Nawalan ako ng gana kumain kaya sabi ko kay Nam sya nalang ang kumain. Kaso biglang nag bell kaya naman pumunta na kami sa room. Nandito na si Cain, Nathan, Zero, Lace at Aiwa ng makapasok kami.

"Ran,, are you still with us?" Miss. Krishna asked. I nodded as an answer. "Please focus. Your spacing out." Sabi nya at nag patuloy na sa pag didiscuss. Kami lang Pito ang nasa room. Sabi ni Nam special A daw to kaya kami kami lang.

"As I was saying... last 10 years ago the war happen. That was the last war happen between Shera and Venator. And because of that incident.. the first heiress of queen and king Walker, Heather..." napahinto si Miss. Krishna at tumingin kay Aiwa. Si Aiwa naman tumingin sa labas ng bintana. "Was gone.." napatahimik ako sa kinauupuan ko at naramdaman ang pag iba ng presense ng mga kasama ko. Parang nalungkot? I looked at my left side, Lace was also looking at me at nag kibit balikat kami pareho. Nasa dulo kami ni Lace. First row sila Aiwa at Nam. Second naman sila Zero, Cain at Nathan. Kami ni Lace ang pang huli. "Right now, nananahimik ang Venator. Di pa natin alam kung kelan sila kikilos. Pero isa lang ang nasisiguro ng Shera..." huminto si Miss. Krishna at tiningnan kami isa isa.... "until one member of Shera still alive, hindi titigil ang Venator."

--

Lunch Time. Mag kakasama kaming pito sa isang table. Table na nakalaan para samin. Special A. Katabi ko si Lace.. sumunod kay Lace si Nam, at Aiwa. Sa tapat naman namin si Zero, Cain at Nathan. Kumakain lang sila. Ako? Iniisip ko parin hanggang ngayon yung sinabi ni Miss. Krishna.

Di ko na lang din pinansin yung mga tingin ng mag aaral samin ni Lace. Siguro sanay na ang Lima sa ganto pero ako hindi pa. Kanina pa nga ako binubunggo ni Lace eh. Di din kasi yan sanay ng atensyon. Mana pa pag may away.

Heather..... saan ko ba kasi yun narinig?

"Hey! Di man lang ako inintay." May narinig akong boses pero di ko na tiningnan kung sino. I'm busy thinking about the war.

Maya maya pa. Naramdaman kong nag iba ang presense ng mga kasama ko. Maliban kay Lace. Ng iangat ko ang tingin ko. Nakita kong nakatingin lang sila sa iisang direksyon. Ng sundan ko yun....

Yung lalake na nagbigay sakin ng Crest.

Nginitian nya ko ng nakakakilabot. Pag katapos kinindatan pa. Huh! Di ka gwapo.. "so, hi again. Miss me?" I raised my eyebrow to him. Ano daw? Miss me? Kapal!

I glared at him, tumayo ako at ilalabas na sana ang crest sa bulsa ko kaso.. naalala ko na.... about dun sa Heather na yun. Di naman ako yun baka akalain nila na ninakaw ko kay Heather to. Tumayo ako ng tuwid. Nakatingin lang sila sakin. "Ehem! Anong.... anong ginagawa mo dito? Stalker ka no?" Sigaw ko sa kanya. Natigilan naman sila sa sinabi ko. Maya maya pa natawa sya. Napapangiti naman sila Nathan.

Tumayo bigla si Lace at gulat na nakatingin sa lalake. "Tol? Seryoso ka? Stalker mo to? Gwapo naman ata?" Sabi sakin pero nakatitig sa lalake. Dahil sa sinabi nya nag tawanan ang ibang studyante. Napailing ako dahil sa hinayupak na to. Binatukan ko nga ng napakalakas. Ayun,, subsob sa lamesa. Gulat na gulat yung mukha ni Nam. Napangiwi naman si Cain at Nathan. Si Zero at Aiwa naman wala lang. Poker face. "Aray ko!! Masakit yun ah!!" Sigaw nya. Inirapan ko nalang at akmang mag lalabas ng apoy sa kamay ko ng hawakan nya yun.. "wag naman tol joke lang. Wag apoy. Masakit yan.." pag mamakaawa nya.

Di ko nalang pinansin si Lace at hinarap ang lalake. Nakatingin parin to sakin at nakangiti. "Fire User....



heather..."

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now