Chapter 6 : Ulan

2.9K 75 2
                                    


--

"Sir? Nasan na kasi sila?"

"Miss. Walker. Pumasok ka nalang sa klase mo."

"Sir!! Wala ngang teacher!!" Tapos na ang lunch at bell na. Kaso hanggang ngayon wala pa ring teacher na pumapasok. Nakakainis na nga dahil kanina pa nag kakantahan ang apat na yun sa room. Rinding rindi na nga ako eh. Wala akong magawa kundi bumusangot sa mukha nila.

"Edi bumalik ka nalang sa room. Bilis na labas! Bawal na ang istudyante sa office ko ngayon." Pinag tabuyan naman ako ni Sir palabas sa office nya.


"Eh Sir!! Naman!! Kahit pahintuin mo nalang sila Lyndon!! Please Sir!! Maawa kayo sa tenga ko!!" Pinag hahampas ko pa ang pinto dahil nakasara na ito.


"HAYAAN MO NA SILA! MAY FUTURE NAMAN ANG APAT EH!" Sigaw nya sakin dahil nga nakasara na ang pinto.

"SIR!! HINDI MO PA NAMAN SILA NARIRINIG MAMBASAG NG EARDRUMS EH!!" Totoo yun, basag na basag na ang eardrums ko.


Nung hindi ko na narinig pang sumigaw si Sir umalis nalang ako. Muka na kong tanga dun.

Hindi ko naman kasi alam kung nasan na ang iba naming kaklase eh! Nakakainis nga kasi kung umalis man sila, bakit hindi nila ako sinama? Tas si Kuya Harley hindi ko pa nakikita. Hanapin ko nalang kaya sya ngayon?


Hindi pwede. May klase na sila kung hahanapin ko pa ngayon.


Dinala nalang ako ng paa ko sa may field, humiga ako sa loob ng isang gazebo. Nababanas na ko. Buti nalang walang katao tao dito dahil malamang mga nasa room na ang mga estudyante.

Habang nag papalipas ako ng oras sa field. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.

--

Nagising lang ako ng mapansin ko na umuulan sa labas ng gazebo na hinigaan ko kanina. Tas nakita ko na sa katapat ko eh may apat na asungot na ang lakas mambadtrip ng eardrums. Nasa may labas sila, umuulan kaya!

At langya. Hindi pa rin sila tapos. Pero wag ka! Naiba naman na din ang kanta nila.

Sinimulan ni Cain ang kanta. Ganda nga ng upo nya eh habang nag gigitara.


Daan-daang larawan ang nagdaraan

Sa aking paningin

Daan-daang nakaraan ibinabalik

Ng simoy ng hangin

This time si Chani naman ang kumanta. Nakatayo sa likod ni Cain at kinakalabit ang gitara nya.


Tatawa na lamang, at ba't hihikbi

Ang aking damdamin, pinaglalruan ng baliw at ng ulaa han-


Tumigil sila dahil napiyok sya sa pag kanta sa ulan... medyo mahaba kasi yun. Pero ang pinag taka ko, bakit tumigil din ang ulan? Nasan na din si Chase?

"Langya ka naman bhe! Panira ka!!" Sigaw sa kanya ni Lyndon.

"Sorry na pappy. Sabi ko naman kasi ako nalang ang hahawak sa hose eh!!" Instrument na ba ang hose?

"Oh game na nga!! Chase baby!! Game!!" As if on cue. Umulan ulit.

Si Lyndon naman ang kumanta ngayon.


At sinong di mapapasayaw ng ulan,

At sinong di mababaliw sa ulan


Natapos din naman sila sa kanta pero nagulat ako ng mapaharap ako sa likod ko eh hindi naman umuulan. As in wala! Humarap ulit ako sa harap ko at nakitang umuulan pa rin. Pero hindi na babasa sila Cain. Oo. Kita ko ang damit nila na hindi basa.

Nangunot ang noo ko. Tumigil din naman agad ang ulan kaya lumabas ako ng gazebo. Parang alam ko na.

Titingala na sana ako ng mabasa na ko.


"No!!"

"Shit baby!"

"Hot!!"

"Eh?"

Natigilan ako sa nangyari. Ako? Nabasa? Tiningnan ko ang nasa taas ng gazebo. Sa may bubong. Nandun si Chase na nakaupo at may hawak na hose. Lintik naman oh!!

Sisigawan ko na sana sya ng may apoy na lumabas sa kamay ko. At saktong nakatapat kay Chase kaya naman binuksan nya ulit ang hose at nabasa ang apoy ko pati ako. Damay!

Gaganti na sana ako kaso huli na. Biglang may nag wistle kaya napatingin kami sa gilid namin.

"What is this mess?!!" Sigaw ni Sir. Dawn. Gulat na gulat ang mukha nya habang nakatingin samin. Tiningnan ko naman ang paligid ko at halos hindi na makilala ang gazebo. Kulay puti ito kanina lang, bakit naging brown and black?

Ay tanga!! Sinunog ko nga pala.. anobayan! Nahahawa na ko sa apat!




"Mr. Kim twins!! Mr. Wilsmith!! Mr. Armstrong!!" Tiningnan nya ko at napailing nalang. "And Miss. Walker!!! To my office!! Now!!!!"

Wala naman na kaming nagawa kundi ang sumunod kay sir. Hinintay kong makababa si Chase at nang mabatukan pero inawat agad kami ni Chani. Nakayakap na nga sakin si Chani habang nakapulupot ang binti nya sakin.

"Bwisit ka!! Ano ba kasing trip nyo!!!" Sigaw ko sa kanya. Nag peace sign lang silang lahat sakin kaya nainis ako lalo. Bakit ba dito ako naiwan sa apat na ungas na to?


"Ahm, Bebe Shaw." Kinalabit ako ni Cain ng malapit na kami sa office ni Sir.


Humarap ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Ano!!"


Napaatras naman sya at nanginginig na siniko si Chani.

"Bakit ako?"

"Pappy ikaw na!"

"Bhe Lyndon ko ikaw na."

"Oh? Bakit ako? Bhe, kaw na." Nag sisikuhan lang sila kaya ang huli nilang siniko ang tiningnan ko ng masama. Si Chase.

"Ahmm, gusto mo ng palaka?"


Napafacepalm nalang ako sa kanila at umalis na.


"Tanga! Ibon dapat tinanong mo!" Sigaw sa kanya ni Lyndon. Nag sabi pa ng tanga maging sya tanga din naman.


Sa tingin ko maaga akong tatanda sa mga to.

--

Song used.

Ulan by Rivermaya.

--

Please pakibasa naman po to.

His The One.

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon