Chapter 30 : Bully

3.4K 121 0
                                    

--

"Tsk, akala ko pa naman umiiyak ka." Napatingin ako sa baba ng puno na inuupuan ko. Nakatayo dun si Lace at nakatingala sakin. Di ko alam pero bigla syang nag takip ng mga kamay sa mukha nya. Yung parang prino-proktektahan ang ulo nya.

Tiningnan ko lang sya at dahan dahan nyang inaalis ang kamay nya sa ulo nya. Nakatingin sya sakin na para bang may nagawa akong kakaiba. Inirapan ko nalang nga. Bwisit to, parang baliw..

Tumalon sya paakyat dito sa puno at naupo sa tabi ko. "Ok ka lang?"

"No."

Tumawa sya ng mahina lang. In a manly way. "Being Ran as always. Straightforward. Why don't you act like a girl." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Ano tingin nya sakin? Hindi babae? "I mean pakipot."

"You know me. Hindi ako si Ran kung hindi ako straightforward." Napangiti sya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. Ano bang problema nya?

"That's my girl." Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko at bumulong. "Give her a hell." Napangiti ako sa sinabi nya. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya.

Kahit ganyan si Lace. Alam kong may alam na sya na there's a big possibility na ako nga si Heather. Kilalang kilala na din ako ni Lace. Hindi sya yung tao na madaming sasabihin para lang mawala ang problema mo. Sya yung tipo ng tao na isang salita lang mapapangiti ka na dahil sa sinabi nya.

Kung ganyan ka lagi Lace, di ko mapigilang mahulog sayo.

--

"Hi, I'm Heather Walker. I hope we can get along. I missed you guys." Mahinhing sabi ni Heather na nasa harap. Nakita ko sa harapan si Aiwa na napa irap. Lahat ng tao dito sa room mga nakasimangot. Isa lang ang nakangiti. Si Miss. Krishna.

"O-kay~ welcome back Heather!!!" Sigaw ni Miss. Krishna. Heather smiled at her. Arrggh she's disguting. "You can sit here." Turo ni Miss sa pagitan ni Nam at Aiwa.

"Don't." Sabi ni Aiwa ng uupo na si Heather dun. Nilagay nya ang bag nya sa upuan at nginitian si Heather. Na halata naman na plastic ang ngiti. "Sorry, naunahan ka ng bag ko." Mag sasalita sana si Miss pero pinigilan sya ni Heather.

"Ahm, Miss. Krishna it's ok. I want to sit beside Zero." Sabi nito at nag lakad papunta kay Zero. Biglang nag karoon ng upuan sa tabi mismo ni Zero kaya napasigaw si Cain at Lace.

"Woah, how did you do that?" Sigaw ni Cain. Walang sumagot sa kanya kaya nanahimik ang klase. Nag paalam si Miss. Krishna dahil hindi naman talaga sya ang teacher namin ngayon kundi si Miss. Trina.

"Why do people need to act as if they was that missing person. It's annoying." Sabi ni Aiwa.

"Baka kasi nangangailangan ng pera." Sabi naman ni Lyndon na gising pala. Kanina kasi nakadukdok lang sya sa desk.

"Like duh~~ edi sana nang hingi nalang sya kay tito Hades. We know naman na bibigyan sya agad. You know tito Hades."

"Maybe there's another target." Sabi naman ni Nathan.

Di ko alam pero isa lang ang nasisigurado ko. Pinag kakaisahan nila si Heather.

Lunch Break. Nandito kami lahat sa Great hall, kita ko ang tingin ng lahat samin lalo na kay Heather.

"So, anong gagamitin nyo mamayang weapon?" Tanong ni Cain. Oo nga pala, mamaya may activity kami kay Sir. Dawn na weapons ang gagamitin. Siguro yung Sword nalang akin.

"Gun." Sabi ni Zero.

"Same." Sabi naman ni Lyndon

"Bow? I'm not actually good at that weapon. I'm a healer." Sabi ni Nam.

"Dagger. And I will DEFINITELY!" tumingin si Aiwa kay Heather at nginitian ng pag kasweet sweet. "Stab that dagger to my enemy." Nanahimik panandalian at napatingin naman sakin si Cain.

"Sword. I guess?" Napatingin lahat sakin at di ko alam pero kakaiba ang tingin sakin ni Heather. Tiningnan ko sya sa mata at nakita ko ang isang plastic sa mata nya. Tinitigan ko pa sya ng mabuti pero umiwas na sya ng tingin. What was that?

"Hey Ran, wag mong titigan. She feels uncomportable." Sabi ni Lyndon. Natawa naman si Lace.

"Ganyan talaga si Ran, tititigan ka hanggang sa malaman nya ang dark side ng isang tao." Sabi niya. Natawa si Aiwa

"Edi mabuti! Nang malaman natin ang baho ng babae na yan." Sabay turo kay Heather.

Biglang napatayo si Heather. Nakayuko lang sya at hindi makatingin samin. "Wa- wala naman akong ginagawa sa inyo ha! I just want to be friends with you! What's wrong with that?!!" Sumigaw na sya kaya napunta lahat samin ang atensyon.

Bago sya tumakbo nakita ko pa ulit ang mata nya. Black.. Sinundan lang namin sya ng tingin habang tumatakbo sya ng nakayuko.

"Black..."

--

LYNDON'S POV

"Black..."

Napatingin ako kay Ran ng mag salita sya pero mahina lang. Kakaiba din mata nito eh, talas.

Alam ko kung ano ang tinutukoy nya. Heather's eyes. Or should I say, Fake Heather's eyes.

Ilang oras pa ang lumipas at nasa training room na kami. Nandito na din si Heather na kakadating lang at tahimik sa isang sulok. Katapat nya si Ran sa kabilang sulok at tinititigan ni Ran si Heather na parang hinuhubadan na. Lintik na babae to! Manong wag pahalata na tinititigan nya si Heather. Halatang halata eh.

"Hahaha look at Ran." Sabi ni Cain. Pero shempre pabulong lang.

"She will stared at her hanggang walang pipigil." Sabi naman ni Lace.

Di ko alam pero nakatingin si Zero kay Ran. Tsk tsk, hindi pa rin mawala sa puso ni Zero, tibay!

Pumasok si Sir. Dawn sa room at agad na lumapit sa botton. Di man lang batiin si Heather hahaha.

"Heather and Ran. Forward." Sabi ni Sir. Tumayo naman agad si Heather at sumunod si Ran. Nagtitigan lang sila sa gitna na para bang binabasa ang isa't isa. "Weapons!" Sabi ni sir. Nilabas naman ni Heather ang isang malaking axe sa likod nya at si Ran naman yung sword nya.

Sir Dawn press the botton at napunta sila sa isang dagat.

Unang sumugod si Heather pero si Ran nakatayo pa rin. Tss, she never change. Kalmado pa rin.


Ang bilis ng nangyari. Basta sumugod din si Ran at nag karoon ng malaking apoy. Tumilapon si Heather at napangiti naman sya. Nag labas ng apoy ang kamay ni Heather.

"It can't be. How did it happened?" Tanong ni Aiwa na nasa tabi ko. Apoy sa apoy?

Si Zyrus alam kong fire user din sya. Pero pwede naman yun dahil Vampire si Zyrus at si Ran naman Sheranian. Pero si Heather? How did it happened? Hindi pwedeng mag karoon ng kagaya ang isang tao ng ability. Lahat dito mag kakaiba ng ability. Tinitigan kong mabuti ang apoy na nasa kamay ni Heather at napadako ang tingin ko sa baba nito. Kung nasan ang anino ng apoy ni Heather.

Shadow?

Tiningnan ko naman ang kay Ran na mas malaki ang apoy sa kamay at maging ang kanyang mata naging intense Grey na habang kay Heather nanatiling Light Grey pa rin. Walang shadow ang apoy ni Ran.

Napangiti ako sa nakita ko. Seriously? Shadow behide the fire? It can't be.

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon