Chapter 5 : Mission

3.1K 81 1
                                    


--

LACE'S POV

"Eh? Maiiwan kami?" Kontra ni Lyndon kay Sir. Dawn. 8 na ng umaga at first class na namin pero wala pa din si Shaw. Ayaw ko man syang tawaging Shaw wala akong magagawa. Mas mabuti na nga din daw na wala pa si Shaw ngayon dahil hindi nya maririnig o malalaman ang pinag uusapan namin.

"Mas makakabuti kung hindi ka na sasama Lyndon. Ikaw muna ang mag bantay sa gagawin ni Ra- I mean ni Shaw. Ikaw din Cain, Chani at pati na din ang kambal mo." Nag sallute naman sila Chani at Cain kay Sir. Wala pa ang kambal ni Chani sa room dahil kinukuha pa ang schedule nya sa faculty. Kakatransfer lang kasi nun kahapon nung hinabol sila ng mga unggoy. Hindi ko nga alam kung pano sila nakatakas eh.

"Pero sir! Kaya naman na ni Chani at Cain si Shaw eh. Sama na ko!" Pangungulit pa ni Lyndon. Sa inis ni Aiwa. Binato nya si Lyndon ng notebook.

"Just shut up Armstrong!" Sigaw pa nya. Mag rereklamo pa sana sya pero pinag sabihan na sya ni Zero.

"Mas ok na din to Lyndon. Hindi mo naman kaya sa Mayna diba?" Napaisip naman si Lyndon at tumango nalang.

Sa Mayna kami pupunta. Ako, si Nam, Aiwa, Zero, Nate at Charlot ang mga kasama. Mission namin to actually. May hahanapin kaming tao dun.

Tumayo na sila at sumunod naman na din ako. Si Chani naman sumama na din samin dahil susunduin daw nya si Shaw. Alam kong may nararamdaman tong Kim na to kay Ran. Ramdam na ramdam kong may gusto sya kay Ran pero wala akong magawa. Ni hindi ako makalapit kay Ran.

Di ko alam kung bakit pero pag tinitingnan ko si Ran sa malayo, si Ran Walker ang nakikita ko, ang Ran Walker na nakasama ko ng sampung taon. Ang Ran Walker na kahit kelan hindi daw nya ko iiwan. Alam kong bumalik na sya. Pero iba pa din. Jba pa din yung dati.

Pero pag malapit na sya sakin, it's either Heather or Shaw Walker ang nakikita ko. Ang Heather at Shaw na pag katao nyang hindi naging close sakin. Na mas gugustuhin ko pa ang pagiging Ran Walker nya. Pero wala na. Hindi ko na mababal-

"I like to move it move it!! Woah!! Masaya din pala to eh!! Hahaha"

Natigil naman ako sa pag dadrama ng marinig kong nag kakantahan na si Cain at Lyndon. Nandun na din sa loob si Chase dahil nung lumabas kami syang pasok din nya.

Napatingin naman ako sa katabi ko ng mag buntong hininga si Chani.

"Hays, ano ba yan, mamimiss ko tuloy yung party. Si Shaw kasi!" Reklamo nya at nag tatakbo na papunta sa may east wings.

Natawa naman si Nate. "Kakaiba din yung mga yun eh."

"Nate, pustahan tayo!" Umakbay naman sa kanya si Zero.

"Ano?"

"Pag balik natin gulo gulo na ang room na parang binagyo."

"Hahaha seryoso ka fafa Zero? Baka buong Shera High mababagyo. Haha"

"I doubt about that." Singit ko sa usapan nila. Napatingin naman sila sakin. Yung tatlong babae nauna ng mag lakad samin. Medyo badtrip kasi si Aiwa. Ang aga aga syang ginising ni Sir. Dawn pero 8 naman pala simula nung meeting namin. Late na din kasing nakapasok si Lyndon. Kaya nga mainit ulo ni Aiwa kay Lyndon. Well, lagi naman.

"Bakit naman?" Asked Zero.

Tumingin lang ako sa may hallway at nag lakad na. Nang papaliko na sa isang hallway huminto ako.

"Si Ran yun. Kilala nyo naman yun." Kilala ko kasi si Ran. Hindi sya makalat na tao. Masinop kaya yun.

Iniwan ko na silang dalawa at tumakbo na ng mabilis papunta sa west wings. Mag papalit ako ng damit. Mahaba habang mission din to.

Shera High (COMPLETED)Where stories live. Discover now